Melai Cantiveros admits "tampo" with Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco

Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg">

Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg">

Ipinaliwanag nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang isyu tungkol sa hindi pagkakaimbita sa ilang miyembro ng Banana Split sa kanilang kasal sa December 9. Umamin ang dalawa na mayroon silang tampo sa ilang kasamahan sa programa dahil sa mga pampublikong nasabi ng mga ito tungkol kay Jason.


Sinagot nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang ilang mga kontrobersiya kaugnay ng desisyon nilang magpakasal.

Sa December 9 ang petsa ng kasal ng dalawa sa General Santos City.

Sa pagpapatuloy ng panayam sa kanila ng Buzz Ng Bayan kahapon, November 24, tinanong sina Melai at Jason kung nasasaktan sila kapag kinukuwestiyon ang kakayahan nilang bumuo ng isang pamilya at kung kaya nilang suportahan ang isa’t isa.

Sagot ni Melai, “Hindi naman siguro kami lang.

“Kahit sino naman sigurong tao, masasaktan kung sasabihan…

“Siyempre, masasabi mo rin na okay lang naman, kasi may concern sila.

“Pero, ang sa akin lang, sana hindi na yung marami ang makakarinig.

“Kung concern talaga, puwede namang sabihin sa personal na, ‘Uy, alagaan mo si Melai, ha. Anong ipapakain mo?’

“May respeto at may concern talaga.

“Ayoko namang maririnig kung saan-saan. Siyempre, nasasaktan din ako.

“Tao rin ako at buntis pa.”

Mas sensitive kapag buntis?

Sagot niya, “Oo, mas sensitive kapag buntis. Hindi mo control ang emotion mo.”



NOT ON THE GUEST LIST? Diretsuhan namang tinanong si Jason kung bakit hindi imbitado sa kasal ang mga kasamahan at kaibigan ni Melai sa Banana Split—sina Pooh, Jayson Gainza, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at John Prats.

Sa magkahiwalay na panayam ay sinabi nina Angelica at John na hindi sila imbitado sa kasal nina Melai at Jason.

Si Melai ang sumagot ng tanong.

Pabirong sabi niya, “Kasi po, may taping sila. Joke lang!”

Ngunit paliwanag ni Melai, “Kasi po, ang totoo niyan, invited po talaga sila.

“Kaya lang, hindi pa na-release ang invitation.

"Di ba, Tito Boy, ngayon lang nabigay ang sa inyo?” tanong pa ni Melai sa host ng programa na si Boy Abunda.

Patuloy niya, “Si Zanjoe, nauna ang sa kanya. Kasi, naunang i-deliver yung sa Star Magic.

“Second batch sila at gusto ko ipahatid sa P.A. [personal assistant] ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, si Jason na ang naghatid kay Ryan Bang kaya nagkita sila kagabi [November 23].”

Ang Best Men sa kasal nina Melai at Jason ay sina Ryan at Paul Jake Castillo.

Ayon pa kay Melai, “Siya [Jason] na ang naghatid, at sabi niya kay Ryan, ‘Ikaw na ang magbigay sa Banana Split family.’

“So, sa amin naman, parang na-timing lang sigurong nagkaisyu.

“Doon pa nagka-isyu, sa Banana Split.”



TAMPUHAN BLUES. May tampuhan o alitan ba sila ng cast ng Banana Split?

Pag-amin ni Melai, “Actually, ako, may pagkakonti akong tampo sa kanila.

“Hindi naman siguro tampo… basta, may konting pagtatampo.

“Kasi, yung parang ganun nga. Parang nagtatampo ako na parang ina-underestimate nila si Jason na ganito nga, na ano raw ang ipapakain sa akin.

“Siyempre, kahit ano naman, kapag nagmamahalan, kahit saging, basta loving.

“Kasi, wala naman akong problema. What you see is what you get.

“Ayoko rin naman na kung sasabihin mo nang ganoon, sa personal na lang sana.

“Kasi, nasaktan talaga ang pamilya ni Jason.

"Sobra talaga akong nahe-hurt ba.”

Nasabi ba niya nang personal ang nararamdaman niya sa mga taga-Banana Split?

Sabi ni Melai, “Parang nag-text kami ni Twinny [Angelica Panganiban].

“Pero sabi ko naman sa kanila, ‘I-understand niyo ako ngayon, kasi buntis ako.’”

Sino ang kausap niya?

“Si Twinny at, siyempre, kausap ko rin si Alex [Gonzaga]. Naging ka-close kami ni Alex.

“Pero sabi ko sa kanila, ‘I-understand niyo ako ngayon kasi buntis ako. Sensitive ako.

“’At sana, na-gets niyo at naintindihan niyo ang rason ko kung bakit ako ganyan.

“’Kung maintindihan niyo, peaceful na tayo.’”

Ano ang naging sagot sa kanya ni Angelica bilang super-close sila?

Sabi ni Melai, “Super close nga kami.

“Sabi lang niya… well, hindi na siya nag-reply sa akin.

“Kasi, siya ang naunang nag-text na baka minasama raw namin.

“Sabi ko naman sa kanya, hindi ko naman minasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una naman sa text natin, sabi ko, ‘Huwag niyong sisihin si Jason, kasi masasaktan ako. Tapos, ginawa niyo pa rin.’”

Ayon naman kay Jason, “Kasi, hindi naman talaga nila ako ganoon kakilala, kasi hindi nga kami close. Alam niyo yun?

“Ewan ko lang… hindi nga kami naging close kahit noong nandoon ako.

“Sila lang naman ang nagsalita ng ganun.

“Yung iba naman ka-close ko, alam nila kung sino talaga ako.

“At saka, malungkot talaga ako.”

Sabi naman ng isa pang host ng Buzz Ng Bayan na si Janice de Belen, natural na ang unang magre-react at magpakita ng concern ay mga kaibigan ni Melai—kung totoo ba ang intensiyon ni Jason, kung mapapanindigan at kung mabubuhay ba nito si Melai at ang magiging anak nila.

Sagot dito ni Jason: “Sa mga paninindigan, sinabi rin ng mama niya [Melai], understand ko po yun.

“Ang hindi ko lang ma-understand is yung parang…

“Lahat naman masaya. Lahat naman naging masaya para sa amin.

“Yung pamilya nga niya, never na tinanong kung ano ang ibubuhay ko sa kanya.

“Kung sa kanila pa magmula, bakit naman?

“Sabi ko nga, yung mga tao nga riyan na putol ang kamay, putol ang paa, nakakapagtrabaho pa.

“E, ako pa na buo ang paa ko, buo ang kamay ko.

"Kahit takbuhan... alam mo yun? Kahit ano, magagawa ko para sa kanila.

“May konti talagang tampo, bakit ganyan sila?

“Siguro, in the past, may something sila sa akin.”

Dagdag naman ni Melai, na parang binawi ang naunang sinabi niyang "konti" lang ang kanyang tampo: “Kung siya, walang tampo, ako, over-over sa tampo.

“Kasi, close ko sila. Hindi pa resolved.

“Pero siguro, kasi nga, buntis ako.

“Sabi ko naman sa kanila, ‘Intindihin niyo ako kasi nga nasa kalagayan ko. At sana, maintindihan niyo ako para peaceful tayo.’

“Hindi naman ako palaging ganito. Pagdating ng moment, ‘Uy, alam mo naman ganito talaga ang buntis.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN PRATS. Pagkatapos nito ay tinanong si Jason kung kumusta na ngayon ang pakikitungo nila ni John Prats sa isa’t isa.

Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil sa pananakit ni Jason kay John sa taping ng Banana Split noong March 2013.

Ang alegasyon ni Jason ay nagawa niya iyon dahil sa “pambu-bully” diumano na ginagawa ni John at iba pang cast ng Banana Split kay Melai.

Mariin naman itong itinanggi ni John.

Read: John Prats shocked by Jason Francisco’s "demonic" behavior; wants to teach former PBB housemate a "lesson"

Sabi ni Jason, “Kami po ni Kuya John, ang tagal na nito… Sabi ko nga, ayaw niya kasing isara.

“Sabi ko nga kay Kuya John noong mangyari yun, ‘Usap tayo.’

“Kaso, wala naman akong na-receive na response sa kanya.

“Siguro, hindi pa yun ang time.

“Pero recently, mga advice niya, siguro may pagka-time na siya. Alam mo yung… magpa-Pasko na.

“Ako naman, hindi ko naman na alam ang gagawin ko.

“Kasi, parang nag-reach out na ako.

“Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ako magri-reach out, kasi parang ibinigay ko na sa kanya.

“Siguro rin, kaya rin nagkatampo si Ate Angel [Angelica Panganiban] sa akin, kasi si Ate Angel… kasi best friend niya si Kuya John.

“Siguro, kaya naging aloof sa akin si Ate Angel, kasi nasaktan ko ang kanyang best friend.

“Ako naman, nag-sorry na ako.

“I mean, sabi ko nga, hindi ko na alam kung hanggang saan ang sorry ko.

“Hindi naman siguro dapat na ako lang nagso-sorry, kasi panay na ang sorry ko.

“Ano lang, ayoko na lang i-explain pa ‘yan sa lahat ng tao.

“At saka, ako, napakadali ko pa namang magpatawad talaga.”

Ano ang natutunan niya sa nangyari sa kanila ni John?

Sagot ni Jason, “Lahat napag-uusapan.

“Kahit anong sakit mo, hinanakit, huwag na lang kayong magsuntukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ang nangyayari nga, nagkakainitan.

“So, siguro, pasensiya na lang.

“Hindi ko alam kung paano i-explain.

“Siguro, ang mangyari riyan, kung tayo ay may pasensiya, habaan pa natin.

“At saka, magpaka-humble ka na lang.

“Kasi minsan, e, siguro, mari-realize na lang ‘yan sooner or later.”



THE COLOR OF LOVE. Sa kabilang banda, paano ilalarawan nina Melai at Jason ang nararamdaman nila ngayon sa pamamagitan ng kulay?

Sagot ni Melai, “Siguro itong suot ko ngayon, pink.”

Sabi naman ni Jason, “Red. Red defines love—so much love right now.”

In one word, describe each other?

“Responsible,” sagot ni Melai.

“Blessing,” sagot naman ni Jason.

Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg">


Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg"> Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco" data-url="https://www.pep.ph/news/41312/melai-cantiveros-admits-tampo-with-banana-split-castmates-for-publicly-underestimating-fianc-jason-f" data-desc="Jason Francisco says he has tried everything to reach out to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/70f317695.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN