Sam Milby is suddenly tight-lipped about his courtship of Jessy Mendiola

“Whoever she chooses, she chooses, you know,” says Sam Milby about “competing” with other guys for Jessy Mendiola’s affection.


“If it doesn’t work out for us, it just means we’re better off as friends.”

Ito ang reaksiyon ni Sam Milby sa balitang may iba pang nanliligaw kay Jessy Mendiola.

Bukod kay Sam, pinupormahan rin si Jessy ni Jake Cuenca, and leading man ng young actress sa teleserye ng ABS-CBN na Maria Mercedes.

Kamakailan nga lang ay may balitang niregaluhan ni Jake si Jessy ng isang branded boots mula sa Amerika.

Read: Jessy Mendiola on suitors Jake Cuenca and Sam Milby: “Steady lang kayo.”

Ano kaya ang masasabi rito ni Sam, na matagal nang umamin na attracted siya kay Jessy?

Kibit-balikat na sagot ng Fil-Am actor-singer, “We have different ways of making ligaw din.

“Whoever she chooses, she chooses, you know.”

Dagdag niya, “I’m sure, kung sino ang pinaka mag-e-effort, that says a lot more din.

“It shows na you’re taking it seriously.”

Para kay Sam, hindi naman niya dapat ikaselos ang panliligaw ng iba kay Jessy.

Katuwiran niya, “First off, siyempre nasa showbiz [kami]. Ganun naman sa showbiz, e.

“Second off, Jessy is good. There are so many other guys that will be attracted to her and be interested in her.

“It’s always gonna be like that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Sam sa ginanap na back-to-back events na SunPiology Run at Star Magic Gives Back concert sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Sabado, November 23.



BUSY SCHEDULE. Sa kabilang banda, aminado si Sam na madalang na silang magkita ngayon ni Jessy, dahil sobrang abala sa trabaho ng dalaga.

Bukod sa Maria Mercedes, bahagi rin si Jessy ng bagong pelikula ng Star Cinema, ang Call Center Girl.

Sabi ni Sam, “Grabe yung trabaho niya.

“Siguro, in the last two months, twice pa lang kami nagkita.

“She has Call Center Girl and she has Maria Mercedes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s very, very busy. Sana lang mayroon siyang time to rest.”

Dahil nga hindi na sila masyadong nagkikita, tinanong ng media si Sam kung kumusta na ang panliligaw niya kay Jessy.

Nakangiting sagot niya, “Ganun pa rin. Wala akong puwedeng ikuwento.

“Like I said, there’s nothing really I can make kuwento about it.

"In the last two months, we’ve only met each other twice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN