Luis Manzano gets wish to win as Best Game Show Host in Star Awards for TV

Masaya si Luis Manzano dahil sa unang pagkakataon ay nanalo siya ng award bilang host ng isang game show. Sabi niya, "This is the whole new genre na game show, na first time pinagkatiwalaan ako ng ABS-CBN 2... And I was able to reap this big reward.”


Masayang-masaya si Luis Manzano sa napanalunang bagong award sa 27th PMPC Star Awards for Television, na ginanap noong Linggo, November 24, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Si Luis ang nanalong Best Game Show Host para sa Deal Or No Deal ng ABS-CBN.

Ito na ang kanyang ika-pitong tropeyo mula sa television awards ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

See full list of winners: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Sabi ni Luis, “Happy ako, lalo na game show, kasi it’s my first time na magkaroon ng game show.

"The fact na na-nominate ako sa isang game show at nanalo... so, hopefully, I did something right para sa Deal Or No Deal.

“Sana naman, the next year, para sa Minute To Win It or for the other award-giving bodies [naman].”

Ang Minute To Win It ang kasalukuyang game show na hinu-host ni Luis sa ABS-CBN.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP ang Kapamilya TV host-actor sa backstage ng AFP Theater bago siya lumabas ng venue.

Kasabay niyang lumakad patungong backstage exit ang nahirang namang Best Drama Supporting Actress na si KC Concepcion.

HOSTING VS. ACTING. Tila minamani na lang ni Luis ang paghu-host ng game show?

Sagot niya, “Hindi, we worked so hard. Hindi ko minamani.

"Pinaghihirapan namin lahat. Pinaghihirapan ko, ng staff.

"So, it makes the award so much real.”

Maliban sa pagiging TV host, ilang pelikula at teleserye na rin ang nagawa ni Luis.

Isinasantabi na ba niya ang acting?

Tugon niya, “Hindi, kumbaga, siguro inilalagay ako ng ABS kung saan nag-e-excel ako, which is hosting.

"I guess, habang kailangan ng host, I’ll be doing that.

"Pero I miss acting. Nakaka-miss mag-drama-drama sa TV.

"Siguro, very soon."

Dagdag ng 32-year-old Kapamilya host, “Pero if I have a choice? Iba rin kasi ang hosting, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung working hours mo, hawak mo. Hindi ka napupuyat ng twenty-four hours.

“Pero it’s a different fulfillment, e, getting an award for hosting and watching people getting an award for acting.

“So, sana, yun naman ang mai-explore natin.”

Maliban sa kanyang awards sa hosting, may award na rin si Luis para sa acting.

Nanalo siyang Best Supporting Actor para sa pagganap niya bilang gay son sa In My Life, sa Star Awards for Movies at GAWAD Tanglaw, noong 2010.

Sa mga parangal na natatanggap niya sa hosting, tila sinunundan ni Luis ang yapak ng kanyang amang si Edu Manzano?

Sabi ni Luis tungkol dito, “Very thankful, because my dad is a multi-awarded host.

"So, sana, kung maghahanap ako ng idol or career path, bakit pa ako lalayo?

"Perfect example ko is my dad... even my mom was a host," pagtukoy niya sa inang si Governor Vilma Santos.

Dagdag niya, “So, I’m not complaining. I’m blessed.

“So, sana lang, magkaroon ako ng acting project.

"Nami-miss ko rin, sobra.

“Nami-miss ko yung role or intensity.

"Pero yun nga, I’d rather... kumbaga, putting me on where I excel and where I’m most comfortable at...

“Kasi sa hosting, kahit paano, medyo naging blessed ako.

"Sa acting naman, I have long way to go, so much to learn.

"Siguro they wanna maximize muna me in hosting.”

REWARD. Nitong nakaraang buwan, naging kontrobersiyal si Luis dahil sa breakup nila ni Jennylyn Mercado.

Maganda bang reward ang pagwawagi niya ng award pagkatapos ng pinagdaanan niyang problema sa pag-ibig?

Sagot niya, “Oo naman, this is the blessing na, para sa akin...

"People have no idea kasi, modesty aside, kahit paano, naka-ilan na ako as Best Male TV Host.

"Naka-isang Showbiz-Oriented na ako. Naka-ilan na akong Best Talent Search Host.

"Nakailan na rin ako sa Best Talent Reality Show Host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kumbaga, ang kulang na lang sa akin na sense of fulfillment ay yung Best Game Show Host.

"Kahit sa ibang award-giving bodies, kahit sa ENPRESS [Golden Screen Awards], nakapag-Talent Search pa ako.

“And I’m very thankful na yung lahat ng genre na yun, naitawid ko pa.

"And this is the whole new genre na game show, na first time pinagkatiwalaan ako ng ABS-CBN 2, game show.

“And I was able to reap this big reward.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN