American singer Alicia Keys visits typhoon evacuees; calls them "most resilient, beautiful spirits I’ve ever met"

Ginawang makabuluhan ng international R&B singer na si Alicia Keys ang pangalawang beses niyang pagpunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbisita sa mga typhoon evacuees sa Villamor Air Base, Pasay City, ilang oras bago ganapin ang kanyang concert sa SM Mall of Asia Arena, kahapon, November 25.


Nilubus-lubos ng international R&B singer na si Alicia Keys ang ikalawang pagbisita niya sa Pilipinas.

Dumating si Alicia sa bansa noong November 24, Linggo, bandang alas-siete ng gabi, kasama ang kanyang three-year-old son na si Egypt Daoud Dean.

Kinabukasan ng hapon, November 25, nagpunta si Alicia sa Villamor Air Base, Pasay City, upang mamigay ng mga krayola at school supplies sa mga batang biktima ng bagyong Yolanda na na-evacuate sa Villamor.

Ayon sa Facebook account ng Philippine Information Agency-NCR (PIA-NCR), libu-libong internally displaced persons o IDPs ang dumarating sa Villamor araw-araw. Galing ang mga ito sa mga apektadong lugar sa Visayas, sakay ng C-130.

Oplan: Salubong ang tawag sa relief operation na ito ng pamahalaan.

Ipinost din sa Facebook account ng PIA-NCR ang mga larawan ni Alicia habang kinukumusta at tinitingnan ang kalagayan ng IDPs.

Kinagabihan naman ay nagtanghal ang American singer sa SM Mall of Asia Arena, bilang bahagi ng kanyang Set The World On Fire Tour.

Ang unang pagbisita ni Alicia sa Pilipinas ay noong 2008, kung saan nagkaroon din siya ng concert.



GRATEFUL TO VISIT THE VICTIMS. Samantala, ikinatuwa ni Alicia na nabisita niya ang ilang biktima ng bagyong Yolanda (international name: Haiyan).

Kaninang madaling-araw, November 26, ay nag-tweet pa ang singer tungkol sa pagpunta niya sa Villamor Air Base:

“I’m so grateful I was able to come to the Philippines and spend some time with some of the most resilient, beautiful spirits I’ve ever met.”

Isa si Alicia sa mga unang international celebrities na nag-tweet upang manawagan ng tulong at makiramay sa mga biktima ng bagyo sa Pilipinas.

Read: Ellen DeGeneres, Paulo Coelho, Jennifer Lopez, more celebs urge Twitter followers to help typhoon victims in the Philippines


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN