Regine Velasquez elated by duet with Alicia Keys

Hindi naitago ni Regine Velasquez ang kanyang kasiyahan nang maka-duet si Alicia Keys sa World On Fire Tour concert ng American singer sa Mall of Asia Arena kagabi, November 25.


Hindi naitago ni Regine Velasquez ang kanyang kasiyahan nang maka-duet si Alicia Keys sa concert ng American singer sa MOA Arena, sa Pasay City, kagabi, November 25.

Sunud-sunod ang Instagram at Twitter posts ni Regine, na halatang sobrang natuwa sa guest appearance niya sa World On Fire Tour concert ng Grammy award-winning artist.

Sa unang dalawang Instagram posts ng Asia’s Songbird ay naka-tag ang maiiksing video clip, kung saan inawit nila ang hit song ni Alicia na “If I Ain’t Got You.”

Sa pangalawang video ay nagbiro pa si Regine na napasayaw siya habang nagdu-duet sila ni Alicia.

Ang sumunod na post ni Regine ay ang close-up photo nila ni Alicia.

Sa Twitter naman ay inilarawan ni Regine ang kanyang karanasan bilang “super kilig at kaba.”

Samantala, hindi naman inasahan ng mga nanood ng concert ni Alicia ang paglabas ni Regine sa stage.

Sa YouTube video ay maririnig ang malakas na hiyawan ng mga nanood nang lumabas sa entablado ang Pinay singer.

Sa dulo ng performance nila ay nakangiting sinabi pa ni Alicia: “Surprise!”

Bukod kay Regine, ang isa pang surprise guest ni Alicia sa concert niya kagabi ay si Apl.de.ap.

Kinanta ng dalawa ang Black Eyed Peas song na “Where Is The Love.”

Ang Black Eyed Peas ay ang American group na kinabibilangan ni Apl.de.ap.

MORE SPECIAL. Mas naging espesyal din ang concert ni Alicia dahil, sa isang punto ng kanyang pagtatanghal, ipinahayag niya ang kanyang concern sa mga naapektuhan ng super-typhoon Yolanda (na may international name na Haiyan).

Kahit noong katatapos pa lang manalasa ng bagyo noong November 8, isa si Alicia sa nagpahayag agad ng kanyang pakikiramay sa typhoon victims sa kanyang Twitter account.

Dumating ang American singer sa Pilipinas noong Linggo ng gabi, November 24.

Ilang oras bago ang concert niya kahapon ay bumisita muna siya sa Villamor Air Base, sa Pasay City, para kamustahin ang ilang typhoon victims mula sa central Visayas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: American singer Alicia Keys visits typhoon evacuees; calls them "most resilient, beautiful spirits I’ve ever met"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN