Marian Rivera ignores negative reactions to her outreach efforts for typhoon victims

Marian Rivera on what she wants this Christmas: "Minsan, may mga pagkakataon sa buhay na hindi mo na kailangan humiling dahil kusa na lang itong ibinibigay ng Diyos. Ang sa iyo na lang, ipagdasal yung mga taong mas nangangailangan talaga."


Nagsimula nang lumibot si Marian Rivera sa mga lugar na nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.

Umalis siya kahapon, November 25, papuntang Cebu City, kasama ang GMA Kapuso Foundation, upang tumulong sa pamamahagi ng relief goods sa mga survivors doon.

Sa Huwebes, November 28, ay pupunta siya sa Iloilo para mamahagi rin ng tulong, kasama naman ng Yes Pinoy Foundation.

Ang nasabing foundation ay pinamumunuan ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

Nilinaw ni Marian na hindi siya ang kumakatawan kay Dingdong kapag hindi ito puwede sa mga ganitong outreach program.

Sabi ng aktres, “Hindi naman sa nagre-represent.

“Nagkakataon lang din kasi na ako yung walang masyadong trabaho ngayon.

“So, ako yung pupunta sa mga dapat puntahan.”

Ibig bang sabihin ay honorary member siya ng Yes Pinoy Foundation?

“Sa ayaw at sa gusto niya, oo!” natatawang sagot ni Marian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian pagkatapos 27th PMPC Star Awards for TV noong Linggo, November 24.



NEGATIVE REACTION. Bagamat malaki-laki na rin ang naitulong ni Marian at hindi siya masyadong vocal sa kanyang naiambag sa mga biktima ng kalamidad, may mangilan-ngilan pa ring bumabatikos sa kanya.

Kibit-balikat na sabi ng aktres tungkol dito, “Okey lang ‘yan.

“Sabi ko nga, maliit man o malaki ang naitulong mo, ipaalala mo man sa tao ‘yan o hindi, ang importante, nakakatulong ka sa kapwa mo.

“Siguro sa panahon ngayon na maraming sakunang nagaganap, maraming nawalan ng buhay e wala akong panahon na isa-isahin o i-entertainin yung mga ganung klaseng komento.

“Ang mahalaga sa akin, matulungan natin sila.

“At kahit artista man o hindi, ang importante, nakatulong ka at nagmalasakit ka.”



CHRISTMAS. Ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, wala pa raw plano sina Marian at Dingdong kung paano nila ito ipagdiriwang.

Sabi ni Marian, “Wala pa kaming plano, kasi ang nasa isip namin ngayon, GMA Kapuso Foundation at yung Yes Pinoy Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After nun siguro, at pag medyo naging okey na lahat, baka mag-isip kami kung paano.”

May gusto ba siyang matanggap ngayong Pasko?

“Matanggap ngayong Pasko? ‘Yan yung sinasabi ko. Minsan, may mga pagkakataon sa buhay na hindi mo na kailangan humiling dahil kusa na lang itong ibinibigay ng Diyos.

“Ang sa iyo na lang, ipagdasal yung mga taong mas nangangailangan talaga.”

"KABIYAK." Naging usap-usapan naman ang pagtawag ni Marian kay Dingdong bilang “kabiyak” nang tanggapin niya ang parangal ng aktor sa Gintong Palad Public Service Awards noong November 20.

Read: Marian Rivera refers to Dingdong Dantes as her "kabiyak" in a public speech

Nag-speculate tuloy ang ilang fans na baka matuloy na ang pinakahihintay na kasalan nina Marian at Dingdong sa susunod na taon.

Paglilinaw naman ni Marian, “Echos lang! Pinakilig ko lang.

“Kasi ang kulit ni Kuya Robin [Padilla] nung araw na yun, e.

“Parang sigaw kasi nang sigaw. So, niloloko ko si Kuya Robin.

“Pero, sa totoo lang, ang aking minamahal o ang aking nobyo… pinakilig ko lang sila.

“Kasi tumitili sila nung sinabi yung pangalan ni Dong.

“So, pinakilig ko lang yung mga tao doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN