Arjo Atayde looking for a "way out" of mom Sylvia Sanchez’s shadow

Napanalunan ni Arjo Atayde ang kanyang ikalawang award mula sa PMPC Star Awards for Television nang itanghal siyang Best Drama Supporting Actor (ka-tie si Arron Villaflor) para sa pagganap niya sa Dugong Buhay.


Hindi makapaniwala ang Kapamilya young actor na si Arjo Atayde nang tawagin ang pangalan niya bilang winner, sa kategoryang Best Drama Supporting Actor, sa nakaraang 27th PMPC Star Awards for Television.

Nakuha ni Arjo ang award para sa pagganap niya sa nagwakas nang serye sa ABS-CBN, ang Dugong Buhay.

Katuwang ni Arjo sa award si Arron Villaflor, para naman sa pagganap nito sa nagwakas na ring primetime series na Juan dela Cruz sa parehong istasyon.

Read: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Ito na ang ikalawang tropeyo ni Arjo mula sa Star Awards.

Noong 2012 ay siya ang nanalong Best New Male TV Personality para sa pagganap niya sa "Bangka" episode ng Maalaala Mo Kaya.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arjo matapos niyang tanggapin ang award, noong Linggo, November 24, sinabi niyang nagdalawang-isip siya kung dadalo siya sa awards night.

Saad niya, “Honestly speaking, this morning, I was thinking of whether I was going or not.

“Kasi, for me, parang, ‘Ano ito? Kalokohan ito, wala naman akong tsansa dito.’

“Honestly, that was my type of thinking kaninang umaga.

“Ayokong pumunta… ‘Anong chance ko diyan? Tirso Cruz, Pen Medina, Carlo Aquino, Ronaldo Valdez... mga iniidolo ko ‘yang mga ‘yan!’ pagbanggit niya sa mga kalaban niya sa kategorya.

Patuloy ni Arjo, “Sabi ko sa sarili ko, ‘Wow! Ma-nominate lang ako, naiiyak na ako.’

"Sabi ko pa, ‘This is good enough.’

“Noong ma-nominate naman si Mommy, sabi niya, ‘Malay mo, one of us might win.’

"’O, sige, let’s go.’"

Ang ina ni Sylvia Sanchez ay na-nominate naman bilang Best Drama Supporting Actress para sa Be Careful With My Heart.

Nabigo si Sylvia na makuha ang award. Ang nanalo ay si KC Concepcion para sa pagganap nito sa Huwag Ka Lang Mawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOM’S INFLUENCE. Sa parangal na natanggap ni Arjo, sa tingin niya ba ay unti-unti na siyang nakakawala sa anino ng kanyang ina?

Naintriga kasi noon si Arjo na ginamit lang daw ng inang si Sylvia Sanchez ang impluwensiya nito para makapasok ang anak sa showbiz.

Sagot ng 23-year-old actor, “Honestly po, hindi ko iniisip ko yun.

“Wherever the wind takes me, that’s where I wanna go.

“As much as possible, I just wanna get out from the shadow of my mother, of my dad [Art Atayde], pero if I’m still there, I’m still there.

“But still, I will try to find my way out because I want to have my own image as well.”

Ano naman ang nararamdaman ni Arjo sa hindi pagkapanalo ng mommy niya?

“Of course, I feel bad,” pag-amin niya.

“Ang gusto ko, manalo kaming dalawa—that’s gonna be a parang pasabog.

“Pero of course, I’m happy that I won.

“I guess she won so many times na rin, and I think it’s time for KC Concepcion to win naman.”

Read: Sylvia Sanchez gives way to showbiz newbies: “Bigyan naman natin ng chance yung mga baguhan kung talagang magaling panalunin.”


SHEER TALENT. Kumpara sa iba na ilang taon munang nagsikap bago nabigyan ng malaking break, hindi naging mahirap para kay Arjo na makakuha ng magagandang roles.

Pinatunayan naman ng batang aktor na may ibubuga siya sa pag-arte.

Nakita ito sa pagganap niya sa isang episode ng drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya (MMK), na nagbigay sa kanya ng unang acting award sa Star Awards for TV.

Pahayag niya, “Hindi ko po alam, e.

“The only thing I can say is, I’m really thankful.

"And winning an award for me is a bonus, na after the hard work in a teleserye or in an MMK...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every time I do something, I make sure na I give my best and not to compete with each and every one of the people.

“But I’ll try to make sure na I can be the best actor in the industry.”

Patuloy pa niya, “If I don’t win kanina, honestly speaking, okey lang.

“Basta ma-nominate lang ako at yung mga ka-bracket ko, mas matagal na talaga sa akin.

“Kaya nga nagulat po ako, e, sobra.

"Pero okey naman po, it’s a… hindi pa nagsi-sink in sa akin dahil init na init ako sa suot ko, e.

“Feeling ko, paglabas ko dito, doon ko na mararamdaman at bago ako matulog na, ‘Uy, nanalo pala ako!’

“Pero kanina, giving out my speech, I just had to make sure to thank everyone.

“Lahat naman ng binanggit ko kanina ay tinulungan ako nang sobra-sobra.

“Thanking them on national television is not even enough… that’s how appreciative I am sa tulong na naibigay nila sa akin.”


MORE PRESSURE. Ngayong may acting award na siya, sinasabing mas malaki ang pressure sa napagkalooban ng karangalan dahil lumaki rin ang expectation sa kanya ng mga manonood.

Opinyon naman ni Arjo, “Hindi naman po.

“Puwede pong maging pressure, pero for me, it’s more of do better and just prove to them na you are deserving of the award.

“Yun po ang gagawin ko.

"Siguro naman, in a span of two years, I’ve proven something naman kahit paano, and I’ve shown naman what I am capable of doing.

“Pero at least, meron naman akong capabilities na magagawa ko naman at mairaraos ko naman ang sarili ko from being a newbie.

“Yun nga po, very thankful ako… sobra!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN