Jessy Mendiola admits Sam Milby has an advantage over her other admirers

Bagamat maraming nagpapahayag ng kanilang damdamin para kay Jessy Mendiola, wala namang nakikita o nararamdaman ang aktres na nanliligaw sa kanya. Sabi niya, “Ako naman, sa ngayon, wala naman talaga yung talagang nanliligaw… yung sobrang dumadalaw sa taping. Para sa akin, yun ang ligaw talaga—yung masugid na nanliligaw, dumadalaw sa taping, bibili ng pagkain. Kahit anong busy mo, nakikita mo siya kahit five minutes lang. Pero, I guess, all of them are busy


Tila hindi masyadong siniseryoso ni Jessy Mendiola ang mga hayagang pagpaparamdam sa kanya ng ilang male celebrities—kasama na sina Jake Cuenca, Sam Milby, at ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng.

Sa interview na lumabas sa Buzz Ng Bayan noong November 24, Linggo, may halong birong hinamon ng Teng brothers si Jake sa larong basketball, upang magkasukatan daw sila kung sino ang nararapat sa atensiyon ni Jessy.

Game namang sumagot si Jake at sinabing payag siyang maglaro ng basketball kung sasang-ayon ang magkapatid na maglaro ng football, ang sports na hilig ng Kapamilya actor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Jessy kagabi, November 25, sa premiere ng Call Center Girl.

Kinunan siya ng pahayag hinggil sa pahayag ng mga nauugnay sa kanya.

Sabi ng magandang aktres, “Ewan ko sa kanila, parang nagbibiruan naman yata sila sa TV.

“Ako naman, sa ngayon, wala naman talaga yung talagang nanliligaw… yung sobrang dumadalaw sa taping.

“Para sa akin, yun ang ligaw talaga—yung masugid na nanliligaw, dumadalaw sa taping, bibili ng pagkain.

“Kahit anong busy mo, nakikita mo siya kahit five minutes lang.

“Pero, I guess, all of them are busy, and I am busy.

“Kahit tulog, wala ako, so paano ko ba iha-handle ‘yon, kung di ko man ma-handle ang tulog?”

Pagpapatuloy ng Maria Mercedes star, “I mean, kung seryoso man, hindi ko ma-feel.

"Kasi, if ever man nanliligaw sa ‘yo... alam mo yun?

“Para sa akin, ngayon, trabaho ang napagtutuunan ko ng pansin.

"So, hindi ko masyadong alam kong nanliligaw ba sila o nagpaparamdam ba, or they just want to be friends with me.”



ON SAM MILBY. Gayunpaman, sa lahat ng mga nauugnay kay Jessy, aminado ang aktres na si Sam ang mas nakakalamang kumpara sa iba.

Paliwanag niya, “Si Sam kasi, mas vocal sa ibang lalaki, sa ibang nali-link sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I guess, lahat ng tao kinikilig sa kanya, kasi siya ang may lakas ng loob na magsabi, ‘Yes, I’m courting her and everything…’

“But right now, hindi na rin kami masyadong nagkikita, e, kasi I’m really busy and he’s busy with Kimmy Dora.”

Sundot na tanong ng PEP: Patuloy pa rin ba ang komunikasyon nila ni Sam kahit hindi na sila masyadong nagkikita?

“Yes, I still talk to him,” pag-amin ni Jessy.

“Actually, I talk to everyone naman—pero siya, mas madalas siya.”

Dagdag pa ni Jessy, natutuwa siya na outspoken ang mga lalaking may gusto sa kanya.

Pero aniya, hindi na raw ito bago sa kanya.

“Nakakatuwa naman sila, ganun ang nararamdaman nila sa akin.

“Tingnan natin kung ano ang mangyayari.

“Ako, hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari, hindi ko din alam ang dadating, so we’ll see.”


DREAM COMEDY MOVIE. Sa Star Cinema movie na Call Center Girl, ginagampanan ni Jessy ang role na Regina, anak ng karakter ni Pokwang na si Teresa.

Kasama rin sa pelikula sina Enchong Dee, John Lapus, Chokoleit, Ejay Falcon, Arron Villaflor, K Brosas, at Ogie Diaz.

Sabi ni Jessy, “First time kong makatrabaho ang magagaling na komedyante, gaya ni Mamang Pokwang.

"And natuwa din ako that they gave me a very nice role na makatrabaho sila.

“Ako naman, siyempre, aaminin ko, di ko kayang makipagsabayan sa kanila, siyempre kasi ang bilis nilang lahat, e.

"So, ako na lang yung nag-drama sa dramedy movie na ito.

“Actually, it’s my dream na magpatawa, pero hindi ko kaya.

“Siguro, if given the chance, sana yung full-fledged comedy naman, hindi yung talagang ako yung seryoso sa movie.

“Sana ako naman yung magpapatawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN