Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida back to “Binibini” duties; open to entering showbiz

Ariella Arida says she’s willing to follow the footsteps of previous Binibining Pilipinas beauty queens who entered showbiz after their duties to the organization. The 24-year-old Miss Universe 2013 third runner-up said, “Kung ano talaga ang dumating sa akin, hindi na ako magiging choosy.”


Balik muna sa kanyang trabaho bilang Binibining Pilipinas beauty queen si Ariella Arida matapos ang kanyang kahanga-hangang third runner-up finish sa pamosong Miss Universe pageant.

Nakusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ariella sa ginanap na SunPIOLOgy Sunset Color Run noong Sabado, November 23, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Dito ay tinanong namin si Ariella kung ano na ang mga susunod niyang plano.

“May duty pa rin ako sa [Binibining Pilipinas]. So, ‘yon muna ang focus ulit,” sagot ni Ariella.

“After Binibini, talagang hindi ko pa po alam.

“Kung ano ‘yong opportunities na dumating sa akin, go naman ako.”

Kung sakali raw, hindi imposibleng sundan niya ang mga yapak ng mga naunang Binibining Pilipinas beauty queens, tulad nina Bianca Manalo, Venus Raj, at Shamcey Supsup.

Ang tatlong dating Binibining Pilipinas-Universe ay madalas na nakikita ngayon sa telebisyon bilang host at, minsan, bilang aktor.

Kung ganito ang mangyayari kay Ariella, aniya, “Kung bibigyan nila ako ng chance, go ako, kasi sayang naman, di ba?”

Walang raw problema kung alin man sa dalawa ang ialok sa kanyang trabaho.

Sabi ng 24-year-old Pinay beauty queen, “Kung ano talaga ang dumating sa akin, hindi na ako magiging choosy.

“Kung dumating, hosting, why not?

“Lahat naman pwedeng pag-aralan, e.

“Kasi, sa showbiz industry, wala talaga akong kaalam-alam.

“Lahat ng nangyayari sa akin, first time.

“Pero willing naman akong pag-aralan lahat.”

ERVIC’S CHANCES. Habang ini-interview namin si Ariella, matinding nakikinig ang nali-link sa kanyang celebrity at ngayo’y bagong miyembro ng PBA Team na Rain or Shine, si Ervic Vijandre.

Magkasamang tumakbo sa 5K Division ng SunPIOLOgy run sina Ervic at Ariella.

Bago pa man sila maintriga sa isa’t isa, agad na sinabi ni Ariella na may common friend silang nag-imbita upang sumali sa event.

Bagamat hindi pa kinukumpirma ni Ariella ang napapabalitang relasyon nilang dalawa, sinabi naman ng dalaga, “Siya lang naman ang nali-link sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman ng lahat na siya, nandiyan siya at supportive siya sa akin.”

Matatandaan na noong nagbigay ng negatibong opinyon si DJ Mo Twister sa sinabi ni Ariella sa isang panayam, agad na nakadepensa sa kanya si Ervic.

Read: (UPDATED) Mo Twister criticizes Ariella Arida’s "offensive comments" about Latinas

Read: PEP EXCLUSIVE. Ervic Vijandre on Mo Twister’s negative comments about Ariella Arida: "Ang intensiyon talaga ni Mo, sirain talaga siya."

Ang ganitong suporta at ang moral support ni Ervic sa kanya, bago pa man ng Miss Universe contest proper, ay maaaring ilan sa mga nagustuhan niya sa kilalang basketball player.

Sabi ni Ariella, “Nandiyan siya kahit nasa Russia ako, ‘yon naman ang importante.”

Sa Russia ginanap ang 2013 Miss Universe content.

Nang tanungin ng PEP bandang huli kung may pag-asang maging magkasintahan sila ni Ervic, natatawang sumagot si Ariella: “Grabe naman ‘yon. Tingnan natin next year—after one month!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN