Megan Young returns to the Philippines to bring Miss World donations to typhoon victims

Megan Young on devastation left by typhoon Yolanda/Haiyan: “It’s insane. I mean, the whole area was wiped out. Kids [are now] parentless, parents [are] childless now. Just thinking about it really breaks my heart.”


Bukas, Nobyembre 27, ay nakatakdang umuwi sa Pilipinas si Miss World 2013 Megan Young, para bisitahin ang mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Sa interview niya sa Associated Press, na lumabas din sa YouTube, sinabi ni Megan na gagamitin nila ang proceeds mula sa recent fundraising efforts ng Miss World sa Amerika para tulungan ang mga survivors ng trahedya.

Sabi ni Megan, “We’re headed back on the 27th to the Philippines.

“And from the charity work that we have been doing, the fundraisers that we have been having in New York, New Jersey, and L.A. [Los Angeles], we will be giving one hundred percent of that to the Philippines, to Tacloban, in the area that was hit.”



LOOKING BACK. Nagbalik-tanaw pa si Megan sa pagsasabing dati na niyang napuntahan ang Tacloban at mga kalapit-lugar nito noong artista pa siya.

“These are areas that we have had tours before. I mean, with my job before as an artist.

“We do national tours and we go to these places, in Tacloban, especially, and it’s going to be different from what I remember…

“I don’t know if I’m emotionally prepared yet for that, but it doesn’t matter because I’m just going to go there and see what I can do,” sabi niya.

Paglalarawan pa niya sa nangyaring trahedya, “It’s insane. I mean, the whole area was wiped out.

“Kids [are now] parentless, parents [are] childless now. Just thinking about it really breaks my heart.”

Natutuwa naman si Megan dahil sa dami ng mga taong tumutulong sa mga nasalanta—mapa-Pilipino man o banyaga.

Pero sa tingin niya, may mga lugar pang hindi nabibigyan ng atensiyon.

“So many people are helping out. I mean, the relief centers are full every single day.

“But some areas are also neglected and need attention.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, when we go back, we can focus our attention on those things.”



THE WORK CONTINUES. Tuloy-tuloy ang pagkilos ni Megan sa pamamagitan ng fundraising activities.

Patuloy rin ang panawagan niya ng tulong para sa survivors ng trahedya.

Kasama na nga rito ang kanyang interview sa American television show na Good Morning America.

Samantala, sa ulat naman ng TFC Balitang America, ipinalabas doon ang pagdalo ni Megan sa isang pagtitipon ng mga Filipino-American community sa New York.

Dito ay nakaipon sila ng $20,000 para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sabi ni Megan sa pagtitipon, “Kailangan magsama-sama tayong mga Pinoy para sa ikabubuti ng ating bansa, ng ating mga kababayan.

“Hindi niyo po alam kung gaano kadaming tao ang matutulungan ninyo.

“Kahit maliit man na bagay o halaga… o malaki man.

“Isa mang pamilya o bayan ang matutulungan niyo, tulong pa rin po ’yon.”

Ang ginagawa raw ni Megan na pagkilos ay hindi lang para sa mga biktima ng bagyo, kundi maging sa mga taong may mabubuting puso na nagbibigay ng tulong.

“This is for everybody back at home, not only for those that were a part of the tragedy back there, but also for the heroes, the unsung heroes, the people on the ground helping those in need.”

May mensahe rin si Megan sa lahat ng kanyang mga kababayan:

“Para sa mga nasalanta ng bagyo, hang in there.

“Alam kong mahirap itong pangyayari sa inyo, pero nandito lang kaming mga kababayan niyo para tumulong sa inyo.

“At para sa mga tumutulong sa relief works, maraming salamat sa kanila kasi sila ang nagbibigay-lakas sa ating mga kababayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN