Rocco Nacino still mum about “unlabeled” relationship with Lovi Poe

Rocco Nacino believes in Saint Pedro Calungsod, despite his being a Born Again Christian: “Tingin ko, tingin ko he’s watching over me—from doing the TV special, to doing the movie, to taking care of us sa set. I see him everywhere. Ewan ko, pero naniniwala ako sa kanya.”


Hindi mawalawala at maiwaksi sa usapang showbiz ang tungkol sa relasyong Rocco Nacino at Lovi Poe.

Hanggang ngayon kasi ay tikom pa rin ang bibig nilang dalawa kapag nauungkat ang tunay nilang kalagayan.

Kaya minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na usisaing muli si Rocco tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Lovi.

Inasahan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sagot ni Rocco na, “Same old, same old.”

May nagdiretso naman ng tanong kay Rocco na kapag nag-break daw sila ni Lovi, saka na lang sila aamin na naging sila nga.

Natawa ito, saka sumagot, “Wala, wala kayong makukuhang ganoon kasi—we’re not together naman.”


NOT DATING. Pero may nakakasama o nakaka-date ba siyang iba?

Giit niya, “Wala, walang ganoon. I have no time, I’m doing so much.”

Nasabi niya dati na parang wala lang “label” sa pagitan nila ni Lovi, ganoon pa rin ba?

“Yes, ganoon pa rin,” sambit niya.

May unawaan sila, pero wala lang label?

“I guess, I guess… but she’s special to me.

“Humahanga ako kay Lovi, but then, we’re happy with what we are having right now.”

Napag-uusapan ba nila na “Okay tayo, wala lang label, wala lang official?”

Sagot ni Rocco, “Minsan, minsan oo, pero, tinatawanan na lang namin, ine-enjoy na lang kasi namin.”


CONSISTENT. Sa kanilang dalawa, mas hindi ba handang mag-commit si Lovi?

Yung huling na-link sa kanya na si Jake Cuenca, tila wala rin silang naging label.

Sabi naman ni Rocco, “Tingin ko, pantay lang.

“Kaya rin kami nagkakaintindihan, kasi we set our priorities na trabaho na lang muna.

“At saka, basta masaya lang kami kung ano meron kami. Yun muna ang pinanghahawakan namin.”

Hindi na ba siya naa-attract sa ibang babae?

“Sa ngayon, hindi,” natawang sabi niya.

Sabay dugtong ng, “Si Lovi pa rin ang pinakamaganda para sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


RELIGIOUS THEME. Iba-iba ang mga ginagawa ni Rocco ngayon—mula sa Pedro Calungsod Story, Out of Control, at sa Akin Pa Rin Ang Bukas kung saan kontrabida ang ginagampanan niya.

“Medyo nahirapan ako,” kaunting angal niya.

“May time rin na paiba-iba ang character, na parang nawawala na si Rocco. Hinahanap ko ulit si Rocco,” natatawang sabi niya.

“Yun din, napapadalas ang pagdarasal ko. It was a hard time for me rin, doing all these projects together.

“But then, masaya ako na hindi ako na- out-of-control, hindi ako nawala.”

Kasama raw sa pagdarasal ni Rocco ay marami sanang manood ng ginagawa niyang Pedro Calungsod Story para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December.

Pinaka-bonus na raw ang Best Actor award kung sakali.

Bukod pa rito, inilahad din niya ang layunin ng pelikula.

Ayon kay Rocco, “To spread the word, lalo na sa mga nangyayari ngayon…

“Makapag-enlighten kami, makapag-touch kami ng buhay ng mga tao, to give them positivity.

“Same way na naramdaman ko, after doing the movie, mas malaking award yun para sa akin.”

Ironically, si Rocco—na gumaganap na Pedro Calungsod, isang martir ng simbahang Katoliko, na pinangalanan nang isang santo ng Papa sa Roma—ay hindi Katoliko sa totoong buhay.

Masasabi ba niyang may nabago sa kaniyang paniniwala dahil sa pagkakaganap niya bilang si Pedro Calungsod?

“Tingin ko, tingin ko he’s watching over me—from doing the TV special to doing the movie, to taking care of us sa set. I see him everywhere.

“Ewan ko, pero naniniwala ako sa kanya.”


BORN AGAIN CHRISTIAN. Isang Born Again Christian si Rocco, naniniwala na ba siya sa mga santo ngayon?

Tugon niya, “Possibly, pero, hindi pa rin mababago ang faith ko as Born Again.

“I’m open to everything naman, open pa rin ako sa lahat, at wala naman sigurong masama kung maniwala man ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagdarasal na ba siya kay Pedro Calungsod?

“Sometimes, sometimes,” nakangiting pag-amin niya.

“Nagpapasalamat ako sa kanya.”

Nagsa-Sign of the Cross na rin ba siya?

“Sa movie, pero hindi ako sanay na mag-Sign of the Cross. I just talk to Him directly.”

Naranasan na rin ni Rocco na pumasok sa isang Catholic church, sa mismong simbahan ni Pedro Calungsod.

Kuwento niya, “Nag-Mass kami sa San Pedro Calungsod chapel, sa Cebu.

“Tapos, talagang they prayed to him, may kanta siya. Siyempre, si God yung nasa gitna, pero may sariling rebulto siya.

“They prayed to Him, naiyak nga ako, e. Doon ko naramdaman ang koneksiyon namin nang hawakan ko ang paa niya.

“Medyo naging emotional ako roon, mas naramdaman ko si Pedro Calungsod. So after noon, mas naging madali sa akin.”


SUPER BUSY. Dapat ay kasama si Rocco sa Point of Entry, isang Singaporean series kunsaan si Bela Padilla, ang sexy GMA Network rising star, ang tanging natuloy.

Ipinagdasal ba niya ito kay Pedro Calungsod?

“Hindi, hindi ko napagdasal yun,” natawa niyang sabi.

Naka-recover na ba siya sa hindi niya pagkakatuloy sa Metro Manila Film Festival ngayong December?

“Oo, pero ngayon, may mga usap-usapan na projects na gagawin. So, siguro, yun ang magiging kapalit. At least, may blessing pa rin.”

Dito na lang ba at hindi na sa Singapore?

“Oo, pero sabi ng Point of Entry [production], kapag ang Season 5 nila dito pa rin, Philippine setting pa rin, isasama nila ako… sana.

“I’m really happy for Bela, nag-e-enjoy siya sa shooting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN