Rihanna teams up with UNICEF for "There for the Philippines" campaign to help children affected by typhoon Yolanda

Bukod sa pakikipatulungan sa international organization para matulungan ang mga batang nasalanta ng super-typhoon Yolanda, nag-donate din ng $100,000 si Rihanna para sa mga biktima.


Nakipagtulungan ang international music icon na si Rihanna sa United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) sa paglulunsad ng isang kampanya para matulungan ang mga batang biktima ng bagyong Yolanda—na may international name na Haiyan—hanggang sa tuluyan silang makabangon.

Higit sa dalawang linggo na ang nakararaan mula nang manalasa ang super typhoon sa central Visayas, sa Pilipinas, noong November 8, 2013.

Ang UNICEF ay humanitarian program ng United Nations na naka-base sa New York, USA.

Ang pangunahing misyon nito ay makapagbigay ng long-term humanitarian at developmental assistance sa mga bata at mga ina sa developing countries.

Isa si Rihanna sa mga kilalang personalidad na sumusuporta sa UNICEF.

Ang programang inilunsad ng international agency at ng Barbados-born singer ay tinawag na "There for the Philippines."

Ang pangunahing misyon nito ay tulungan ang mga batang biktima ng bagyo hanggang sa makabangon mula sa nangyaring kalamidad.

Ayon sa website ng UNICEF sa Amerika, ang www.unicefusa.org, inilunsad nila ang "There for the Philippines" noong November 25, Lunes, "to support the immediate and long-term relief efforts for children and families whose lives were upended by Super Typhoon Haiyan."

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts—Twitter at Instagram—ay inanunsiyo ni Rihanna ang nasabing kampanya.

Bukod pa rito, nagbigay rin si Rihanna—na pinarangalan kamakailan bilang first-ever American Music Awards Icon Awardee—sa UNICEF ng $100,000 donasyon, o higit sa P4 milyon.

Bukod kay Rihanna, nakiisa rin sa kampanyang ito ang Major Baseball League star na si Robinson Cano, ang High School Musical star na si Vanessa Hudgens, at ang Women’s National Basketball Association player na si Skylar Diggins.

SAVING FILIPINO KIDS. Sa pahayag ni Rihanna sa website, sinabi niyang hindi natatapos ang problema matapos ilabas sa mga balita ang nangyaring kalamidad sa Pilipinas.

"Emergencies make headlines, but the recovery continues long after the news cameras leave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Having been a fan and supporter of UNICEF’s work over the years, I am honored to join them in helping children who have been impacted by Typhoon Haiyan.

"More than five million kids in the Philippines need our help.

"UNICEF is there for them today, and for the long road ahead, and so am I."

Tinatayang nasa 13 milyong katao ang naapektuhan ng bagyong Yolanda at 5.5 million sa kanila ay mga bata.

Ang tulong na inihahatid ng organisasyon ay kinabibilangan ng mga gamot, nutrisyon, malinis na tubig, at hygiene supplies.

Bukod dito, kumikilos din ang UNICEF para makasama ng mga bata ang kanilang pamilya, at pagtatayo ng mga ligtas at protektadong masisilungan para makapaglaro at makapag-aral.

Inilunsad din nila ang website kung saan maaaring makapagbigay ng donasyon: www.thereforthephilippines.org/.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN