Rufa Mae Quinto wins her seventh Best Comedy Actress trophy from Star Awards for TV

Inamin ni Rufa Mae Quinto na may idini-date siya ngayon. Ngunit pasubali niya, “Pero hindi pa kami. Nanliligaw pa lang siya, friends-friends lang muna. Saka na yun... hindi ko masabi kung kailan ko siya sasagutin."


Si Rufa Mae Quinto ulit ang nanalong Best Comedy Actress sa 27th PMPC Star Awards For Television, na ginanap noong Linggo, November 24, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo.

Read: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Ito ang ika-pitong Best Comedy Actress ni Rufa Mae mula sa Star Awards, at pang-apat para sa pagganap niya sa GMA gag show na Bubble Gang.

Tatlong panalo na lang at maluluklok na si Rufa Mae sa PMPC Hall of Fame.

“Kaya pa kaya ng powers ko?” natatawang sabi ng comedienne sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertanment Potal) pagkatapos ng awards night.

Pero dagdag din niya, “Sana! Iyon ang talagang todong-todo na kapag nangyari.”

Sa muli niyang pagtanggap ng karangalan, naalala raw ni Rufa Mae ang inaasam-asam niya noong kanyang kabataan.

“Bata pa lang ako, ito na ang pangarap ko—ang makapagpatawa.

“Iba kasi ang pakiramdam kapag marami kang napapasayang tao.

“Tapos, may bonus pang award na ganito. Ano pa ba ang mahihiling ko?”

Bukod sa kanyang award, nanalo rin ang Bubble Gang ng Best Gag Show (ka-tie ang Banana Split: Extra Scoop ng ABS-CBN) at Best Comedy Actor para kay Michael V.

"Tuwang-tuwa siyempre!" bulalas ni Rufa Mae nang hingan namin siya ng reaksiyon.

“Masaya ako dahil naniniwala pa rin sila, tapos nae-entertain pa rin sila—natutuwa, natatawa.

"So, iba yun, very touching.

“Masarap maramdaman na effective pa rin ang pagpapatawa namin sa Bubble Gang, na marami pa rin ang natutuwa at natatawa.

“Dagdag-inspirasyon iyon, hindi lang para sa akin, kundi sa aming lahat na bumubuo ng Bubble Gang.

“Talagang pagsisikapan namin na laging todo ang pagbibigay namin ng kasiyahan at katatawanan para sa lahat."

Labinwalong taon nang umeere sa GMA ang Bubble Gang.



LOVELIFE. Nangiti naman si Rufa Mae nang mausisa tungkol sa kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi niya ipinagkaila na may isang non-showbiz guy na nagpapasaya sa kanya ngayon.

Pasubali ng 35-year-old comedienne, “Pero hindi pa kami.

"Nanliligaw pa lang siya, friends-friends lang muna.

“Saka na yun... hindi ko masabi kung kailan ko siya sasagutin.

"Siguro, matagal pa.

“Ayoko nang mabilisan, di ba? Gusto ko, matagalan.

“Mabuti na kilatisin ko muna siyang mabuti.

"At kapag okey naman talaga, e, di yun na!

“Todo na!” tawa pa niya. “Di ba? I-expose na lahat!”



EXCLUSIVELY DATING. Marami raw nagpaparamdam kay Rufa Mae, pero ang naturang lalaki lang daw ang ini-entertain niya ngayon bilang manliligaw.

“Kasi mahirap mag-focus kapag maraming ini-entertain, di ba? So, isa lang.

“Para maka-focus ako ng pagkilatis sa kanya,” sabay bungisngis ng sexy comedienne.

Sa kabila nito, bakit may balitang nagkabalikan daw sila ng ex-boyfriend niyang si Boy2 Quizon?

“Hindi totoo. Bakit magkakabalikan?” balik-tanong ni Rufa Mae.

Linggu-linggo silang nagkakasama ni Boy2 sa taping ng Bubble Gang.

Kahit closeness man lang bilang magkaibigan, wala na ba talaga?

Sagot ni Rufa Mae, “Friends-friends pa rin naman kami, pero hindi na masyado.

“Kumbaga, busy na lahat, e, so hindi na kami masyadong nakakalabas kasama ng ibang friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN