KC Montero on girlfriend Rhian Ramos: "Everything she does drives me crazy, in a good way."

Inamin ni KC Montero na dumaan siya sa pagiging babaero noong kabataan niya. Pero kinalaunan daw ay natutunan niya kung paano pahalagahan ang isang relasyon.


Nilinaw ni KC Montero, 35, na hindi niya pinatatamaan ang girlfriend na si Rhian Ramos, 23, sa mga tweets niya na may hashtag na “SheDrivesMeCrazyWhen.”

Nagkataong ito ang naging sentro ng usapan sa radio show ni KC noong Lunes, November 25.

Kasabay nito ay nag-post si KC sa kanyang Twitter account ng ilang pag-uugali ng isang babae na madalas ay kinaiinisan ng mga lalaki.

Bunsod nito, nagkaroon ng impresyon ang ilang Twitter followers ni KC na may reklamo ang radio host sa pag-uugali ni Rhian.

Agad namang sinagot ni KC ang tweet ng isang fan upang klaruhin ang kanyang panig.

PERFECT GIRL. Sa totoo lang daw ay sobra ang paghanga ni KC para kay Rhian, at tila walang magagawang mali ang aktres para sa kanya.

“Actually, she’s the perfect girl.

“Nothing really drives me crazy about her.

"Everything she does drives me crazy, in a good way.

“Even the little things [that most guys find irritating about their girlfriends], I adore those still.

“That’s why I wanted to make it clear that I wasn’t speaking about her,” sabi ni KC.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC sa Windows Glass House exhibit ng Microsoft Philippines na ginanap sa Greenbelt 5, Makati, kagabi, November 26.

Noon pa man ay bukas na si KC sa pagsasabi kung gaano niya kamahal si Rhian.

Kaya’t tinanong ng PEP si KC kung paano naman ipinapapakita ng aktres kung gaano siya kaespesyal para rito.

Sagot ni KC, hindi masyadong showy si Rhian pagdating sa nararamdaman nito.

“She’s just always there to help if ever I need anything.

"She’s very independent, so she expects me to be independent as well—and I am.”

Kadalasan ay si KC daw talaga ang mas sweet at romantic sa kanilang dalawa ni Rhian.

Kaugnay nito, minsan ay nagpapaligsahan daw sila para patunayan kung sino ang mas magaling magbigay ng sorpresa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni KC, “For Valentine’s Day, we were very sweet because we had competing dates, so we tried to outdo each other.

“I won that one because sobrang OA [overacting] ako.

"I got a limo. I put lights on the balcony. I blindfolded her. I gave her favorite food, which was mga streetfood.

“In turn, she took me to a restaurant in Tagaytay. It’s a very quiet, nice place.

“That’s me. I’m kind of OA sometimes. I like to show [my feelings].

“She’s a little more reserved to her feelings and her actions.”

Naniniwala ba siyang importante ang “grand gestures” sa magkasintahan para tumagal ang isang relasyon?

Sagot ni KC, “I think it’s nice to surprise people once in a while.

"They keep them on their toes. Not every day is an ordinary day.

“I’m sure, any girl likes to be surprised once in a while and be swept off her feet.”



SWEET JUST LIKE HIS BROTHER. Kuwento pa ni KC, natural sa kanya ang pagiging malambot ang puso pagdating sa babaeng minamahal.

Ganoon din daw ang nakakatanda niyang kapatid na si Troy Montero, na madalas mag-post sa Instagram account ng sweet messages para sa longtime partner nitong si Aubrey Miles.

“Yeah, we’re very sweet. We’re kind of pushovers.

"We’re very sweet, romantic, soft.

“That’s the way I am in a relationship.

"Sometimes it backfires. But whatever, that’s life, I guess,” pag-amin ni KC.

Sa kabila nito, aminado si KC na dumaan din sila ni Troy sa pagiging babaero.

Ngunit natuto raw sila sa kanilang mga pagkakamali noon, at mas naging mature pagdating sa pakikipagrelasyon.

“I can say that there were times when we were younger na medyo hindi naman mayabang, not brusko... I guess more of a player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But when you get a little bit older, you kind of learn to respect women more.

“And you don’t want that to happen to you.”

Walang dudang committed si KC sa relasyon nila ni Rhian.

Pero sa ngayon, wala pa raw silang balak lumagay sa tahimik dahil marami pa silang gustong gawin sa kani-kanilang career.

Hindi ba niya naisip na magkaanak na rin tulad ng kanyang kapatid na si Troy?

Hindi nagkaroon ng anak si KC sa pagsasama nila ng dating asawa na si Geneva Cruz.

“One day. I am not ready myself.

"Of course, there’s that feeling that it would be nice to have a kid.

“But for now, I’ll borrow my brother’s kid [five-year-old Hunter] and just play with him.

“And then, I’ll just give him back. ‘Ok na, ubos na ang pasensiya ko!’” natatawang sabi ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN