Singers Bugoy Drilon and Liezel Garcia still buddies after breakup

Bugoy Drilon and Liezel Garcia maintain their friendship after ending their three-year relationship. “Hindi naman lahat ng breakup puro bitter, e,” says Bugoy.


Bagamat hiwalay na, patuloy pa ring nakikitang magkasamang nagpe-perform ang dating magkasintahang sina Bugoy Drilon at Liezel Garcia.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ex-lovers sa Star Magic Gives Back concert, pagkatapos ng SunPIOLOgy Run, noong Sabado, November 23, hindi inasahan ng dalawa na tatanungin din sila tungkol sa paghihiwalay nila.

Sa benefit concert, magkasunod na nag-perform ang dalawa.

Si Bugoy ay kumanta ng "Just Once" ni James Ingram. Samantalang si Liezel naman ay kumanta ng "Titanium," na pinasikat ni David Guetta.

Alanganin ang Pinoy Dream Academy Season 2 alumni, pero sagot nila: “Opo."

Hindi tulad ng ibang mga celebrity na naghihiwalay, maayos pa rin naman daw silang nakakapagtrabaho kasama ang isa’t isa.

Sabi ni Liezel, “Nag-start kami as friends, e.

“Hindi kami yung talagang magkaaway talaga.

“Hindi kami tulad ng ibang celebrity na naging sila, tapos nag-aaway.

“Di ba, may ganun naman talaga?

“Hindi naman porke’t naghiwalay, kailangan nang magkaaway.”

Dagdag ni Bugoy, “Hindi naman lahat ng breakup puro bitter, e.

“Hindi naman lahat ng breakup ganun.

“Yung sa aming dalawa, we’re happy because friends pa rin kami.”



HAPPPY AS FRIENDS. Ayon pa kina Liezel at Bugoy, wala sana silang intensiyon na isapubliko ang pagtatapos ng kanilang tatlong-taong relasyon.

Sabi ni Liezel, “Ayaw kasi naming nailalabas yung ganito.

“Actually, kahit noong naging kami, ayaw naming nailalabas.

“Siyempre, lalo na yung ganito, mas lalong ayaw namin.”

Hindi nagbigay ng detalye ang dalawa kung bakit sila naghiwalay.

Pero natutuwa naman daw sila dahil nanatili ang pagkakaibigan nila sa kabila ng nangyari.

Pahayag ni Bugoy, “Acually po, mahabang proseso po yung pinag-usapan namin.

“Still fresh po. Pero at least, I’m happy na friends pa rin kami.”

Sabi naman ni Liezel, “Actually, mas maganda yung ganyan na nag-focus muna kami sa kanya-kanya naming ginagawa.

“Happy naman po. Basta wala kaming tinatapakan na tao, wala kaming nasasaktan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mahalaga, hindi na namin nasasaktan ang isa’t isa.”

Dahil wala pa naman silang nakaka-date na iba, posible kayang magkabalikan silang dalawa?

Natawa ang dalawang Kapamilya singers.

Sabi ni Liezel, “Hindi namin masabi.”

Sagot naman ni Bugoy, “We don’t know yet. As long we’re friends, okay na ‘yon.”

Kahit hiwalay na, magkasama pa rin daw ipagdiriwang nina Liezel at Bugoy ang darating na Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya.

Sabi ni Liezel, “Magkakilala naman po ang family namin, so why not?

“Pasko naman, siguro naman puwede kaming magmahalan kahit Pasko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN