Ryza Cenon still talks to her dead mother; refuses to talk about estranged father

Aminado si Ryza Cenon na hindi pa niya nakakamit ang inaasam niyang estado sa showbiz: “Minsan haharap ka sa salamin, ‘O, ano na ba ang nangyayari? Ano pa ba ang kulang?’ Marami pa, marami pa akong dapat kaining bigas o kanin o malagkit. Pero I know naman, time will come.”


Mag-isa lang namumuhay ang Kapuso actress na si Ryza Cenon.

Matagal nang pumanaw ang kanyang ina, samantalang estranged naman ang relationship nila ng kanyang ama. Wala rin siyang kapatid.

Mahirap ba ang mag-isa lang sa buhay?

Saad ni Ryza sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre, kapag nakikita ko ang iba kong friends na nandiyan ang parents nila, may guidance sila galing sa parents nila, nakakainggit din.

“Siyempre ako, tao lang ako. Nagkakaroon din ako ng problema.

"Gusto ko rin na may mag-advise sa akin as parents na, ’Okay lang ‘yan. Lakasan mo lang loob mo. Nandito lang naman kami.’

"So, parang ako, nakaka-miss... nakakaiyak!" medyo natatawang sabi pa niya.

“Pero totoo, nakaka-miss.

"Minsan, kapag may problema ako, kausap ko ang nanay ko sa picture.

"Minsan sabi ko, ’Paramdam ka naman sa akin kahit minsan. Para ma-feel ko lang na meron ako...’"

Kumusta naman sila ng kanyang tatay?

“Ayoko na muna sigurong pag-usapan,” iwas ni Ryza.

“Kung may probleman man kami, sa amin na lang muna yun. Kami na lang po muna siguro.

"Nakakahiya naman kung i-open ko pa sa public. Personal na po namin yun.”

Marami ba siyang dala-dala ngayong problema?

“Siguro, oo, yes… mabigat," pag-amin ni Ryza.

"Actually, hindi lang naman ito sa work, pero sa personal life ko.

"Sobrang challenging sa akin.

“Habang tumatagal, pabigat nang pabigat yung challenge na ibinibigay sa akin ni Lord.

"Minsan, hindi pa ako ready. Parang hindi pa ako handa.

"Parang, ’O, ano ‘to?’ Minsan, yun nga talaga, naiisip ko, nababaliw na ako sa bahay.

“Kailangan may mag-guide sa akin. Naiisip ko yung mga ganun.”

Sa edad na 25 ay marami nang pinagdaanan si Ryza, at nakaya niya ang halos lahat.

Pero aniya, “Yes, I am strong, but not enough.

“Kasi hanggang ngayon, bumibigay pa rin ako, e.”

Kanino siya lumalapit kapag may problema siya o pakiramdam niya ay hindi na niya kaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ibang problema ko, sinasabi ko sa Artist Center. Sinasabi ko talaga yun.

"Kasi siyempre, sila ang itinuturing kong second family.

"Sa kanila ako humihingi ng advice na, ’Ano ba ang dapat kong gawin sa ganito? Tama ba ang ginawa ko, ganyan…’"

Ang GMA Artist Center ang namamahala sa career ni Ryza.

Patuloy niya, “Siyempre, yung iba, sa ibang kamag-anak ko rin na close ko.

"Pero sabi ko nga sa sarili ko, hangga’t alam kong kaya ko, puwedeng ako, para matuto ako.

"Hindi ako mag-depend sa ibang tao.

"So, kung kaya ko ‘tong harapin mag-isa, kakayanin ko.”

NINE YEARS. Siyam na taon na ang nakalilipas mula nang manalo si Ryza sa reality-based artista search ng GMA, ang StarStruck Batch 2.

Kasabayan ni Ryza sina LJ Reyes, Megan Young, at Mike Tan.

Matapos mahirang bilang Ultimate Female Survivor, inasahang magtutuluy-tuloy ang magandang takbo ng career ni Ryza.

Nao-offend ba siya kapag may bagong artista sa Kapuso network na nabibigyan agad ng malaking break?

“Hindi naman,” sagot ni Ryza.

“Yun nga ang palagi kong sinasagot, pana-panahon lang ‘yan.

"Siguro, hindi pa panahon para sa akin.

“So, di ba? Kaya nga ako nakatagal ng nine years, kasi naghihintay pa rin ako ng araw na darating para sa akin.”

Kasama ngayon si Ryza sa bagong primetime series ng GMA, ang Adarna.

Pero bago ito ay halos pitong buwan siyang walang regular show pagkatapos ng huling teleseryeng ginawa niya, ang Indio.

Sa isang artista, matagal ang pitong buwan na walang regular show.

Paano niya ito pinalipas?

Sagot ni Ryza, “Well, yung seven months, wala akong ginawa kung hindi mag-bake.

“At saka, mga hobbies ko, like archery.”

Nahirapan ba siya sa loob ng pitong buwan na walang regular show at walang income?

“Siguro, oo, nakaka-miss din naman ang magtrabaho.

“Ikinulong ko ang sarili ko sa bahay!” natatawang sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako, kapag nagmu-mall, hindi ko mapigilan ang sarili ko na gumastos.

“So minsan, doon na lang ako sa bahay. Minsan naman, sa bahay ng tita ko.

“Pero sa seven months naman na yun, may mga guestings naman ako, may workshops.”



SUPPORTING ROLE. Sa Adarna, gumaganap siya bilang best ng bidang si Kylie Padilla.

Okay lang ba sa kanya na supporting role na naman ang naitoka sa kanya?

“Okey lang sa akin yun,” tugon niya.

“Sabi nga ni Direk Ricky Davao... actually na-inspire ako sa kanya nang sabihin niya na, ’Walang small roles dito. Basta magtulungan tayo. Hindi ‘to show ni Kylie, show nating lahat. So, kung ano ang ibinigay sa inyo, patunayan niyong kaya ninyo.’

“So, doon ako na, ‘Oo nga, tama!’ Doon ko na-realize na tama.”

Minsan ba ay naitatanong niya sa kanyang sarili kung ano ang mali o ano ang kulang sa kanya?

“Oo, hindi naman maiaalis yun,” pag-amin ni Ryza.

“Minsan haharap ka sa salamin, ‘O, ano na ba ang nangyayari? Ano pa ba ang kulang?’

“Marami pa, marami pa akong dapat kaining bigas o kanin o malagkit!

“Pero I know naman, time will come.”



FUTURE ROLES. Kung si Ryza ang papipiliin, anong klaseng role ang masasabi niyang puwede siyang mag-excel?

“Siguro ano, yung malayo talaga sa akin, sa personality ko—yung mga mature role na salbahe o lasengga.

“Kasi yun, magiging challenging sa akin.

“Yung mga ganoon kasi, mas mapapag-aralan kong mabuti yun dahil wala akong ideya kung paano ang pakiramdam ng maging ganito o ganyan.”



FHM COVER GIRL. Naging cover girl na si Ryza ng FHM May 2013 issue, pero hindi ito nasundan ng mature at daring roles.

Pero aniya, “Well, hindi man nasundan ng mature roles, pero nasundan naman ng projects.

“Like dito sa Adarna, bago kasi ang character ko rito.

"May pagka-bakla siya, talagang palengkera, kasi laki siyang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman siya, nae-enjoy kong gampanan ang role ni Mikay, kasi ang taas ng energy niya.

"Tao ako rito, tagapagtanggol ni Kylie.”

Hindi ba niya hinangad na mature role na sana ang ginagawa niya ngayon pagkatapos ng FHM?

Sagot niya, “Siguro ano, hinihintay ko lang ang plano sa akin ng Artist Center.

“Siyempre, sila ang makakapagbigay niyan sa akin, hinihintay ko lang.”

May limitasyon pa rin ba siya?

“Wala naman, wala naman,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN