Manny Pacquiao shows proof of U.S. tax payment; BIR commissioner says no such document filed

Manny Pacquiao, refuting Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares’s allegation that he did not submit a copy to the BIR of his U.S. Internal Revenue Service record, showed the media a copy of an income tax return which he said he had submitted to the U.S. tax agency.

"She’s not telling the truth. We submitted a copy of IRS from the U.S., which they refused to honor because they want an original copy,&rdquo


Ipinakita ni Manny Pacquiao sa ilang news reporters ang kopya ng kanyang Income Tax Return (ITR) mula sa nakolekta ng U.S. Internal Revenue Service (IRS) para sa mga napanalunan niyang laban noong 2008 at 2009.

“Ito ang magpapatunay na nagbayad ako ng taxes sa U.S. Kopya ito galing sa IRS,” pahayag ni Manny, na nakapanayam ng Philippine Daily Inquirer sa General Santos City kahapon, November 27.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na hanggang ngayon ay wala pa ring ipinoprodyus na katibayan si Manny na nagbayad siya ng buwis sa U.S.

Tanging sulat lang umano mula sa Top Rank Promotions—na nagsasabing nagbabayad si Pacquiao ng tamang buwis sa IRS—ang nakarating sa BIR.

Sabi ni Commissioner Henares, "Alam niyo ho, ang ibinigay niya sa amin, e, sulat ni Top Rank.

"E, ano ba ang silbi ng sulat ng Top Rank?

"At kung sulat lang din ng ninuman, e, ako, puwede rin akong magsulat na nagbabayad ako ng buwis. Tatanggapin ko ba yun?

"Maski kayo, puwede niyo ring sulatin na nagbayad siya ng buwis, tatanggapin ba ng BIR yun?”

Ang Top Rank Promotions ang boxing company na nangangasiwa ng mga laban ni Manny sa ibang bansa. Ito ay pag-aari ni Bob Arum.


MANNY COUNTERS. Kontra-pahayag ni Manny hinggil sa sinabi ni Commissioner Henares, “She’s not telling the truth.

“We submitted a copy of IRS from the U.S., which they refused to honor because they want an original copy.”

Iginiit din ni Manny na hindi lang dalawang bank accounts niya ang na-garnish ng BIR.

Ang “garnishment,” ayon sa thefreedictionary.com, ay “drastic measure for collecting a debt."

Sabi pa rito, “Garnishment is regulated by statutes, and is usually reserved for the creditor who has obtained a judgment, or court order, against the debtor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A debtor’s property may be garnished before it ever reaches the debtor.”

Matatandaang sinabi ni Commissioner Henares na P1.1 million cash deposit mula sa dalawang banko ni Manny ang tanging nasaklawan ng freeze order ng Court of Tax Appeals (CTA) sa ngayon.

Ito ay sa kadahilanang dalawa lang “out of twenty-plus” na banko ang may laman na pera ni Manny.

READ: BIR claims Manny Pacquiao’s frozen bank deposits only amount to P1.1 million

Diin ni Manny, “That is not true. BIR commissioner Kim Henares was just referring to my wife’s accounts. All of my accounts were frozen.”

Ibinunyag din ng Pambansang Kamao na ang totoo ay hindi siya makapag-withdraw ng pera mula sa anim niyang bank accounts sa HSBC, China Bank, BDO, Security Bank, Union Bank, at Metrobank.

Saad pa ng boksingero, “Hindi naman ako tatakbo. At pinaghirapan ko ang pera na ’yan. Hindi ko ninakaw.

"Pagkatapos ng karangalan na ibinigay ko sa bansa, ganito lang ang mangyayari?”

Sa kabila ng sentimiyento ni Manny, umaasa siyang maaayos din ang gusot sa pagitan niya at ng BIR.

Nilinaw rin nito, sa gitna ng naging pahayag na may halong pulitika ang nangyayari sa kanya ngayon, na labas sa usapang ito ang Pangulo Benigno "Noynoy" Aquino III.

“Problema ito sa pagitan ko at ng BIR. Walang kinalaman dito ang Pangulo.

“Kaya lang, masakit at naperwisyo ako nang todo.

“May mga tauhan akong pinapasweldo, may mga scholars na pinapag-aral, at nangangailangan ng tulong ang mga kababayan nating sinalanta ng bagyo.”



HENARES DISAPPOINTED BY MANNY. Sa hiwalay na ulat ng ABS-CBN News online, umalma si Commissioner Henares sa ginawa ni Manny na pagpapakita ng kopya ng kanyang U.S. tax payment sa press.

Tila pinalalabas daw ni Manny na walang basehan ang mga naunang pahayag ng commissioner tungkol sa tax case ng boksingero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niyo, usapang legal ito, kaya gusto ko sabihin kay Mr. Pacquiao na ipakita niya yung income tax return na finile niya noong 2009 sa BIR.

"Tingin ko hihinto lahat ng usapan na ito…

“Yun lang, at matatahimik lahat ng usapin na ito kasi makikita niyo ano ang ginawa niya sa return niya.

“Ginagawa niya akong mukhang sinungaling.

"Siguro hindi naman ako magiging sinungaling kung ipakita niya lahat ng dokumento niya,” saad ni Commissioner Henares sa panayam ng DZMM, na nailathala sa ABS-CBN news online.

Ayon pa sa commissioner, ang mga ipinakitang ITRs ni Manny sa media ay hindi kasama sa mga isinumiteng dokumento ng boksingero sa Court of Tax Appeals (CTA), matapos isyuhan ang boksingero ng subpoena noong 2011.

“I’m very disappointed because what I’m doing is protecting the interest of the government, at lahat ng tao dapat sumunod sa batas.

“E, ‘di ba congressman siya? Siya dapat ang unang-unang susunod sa mga batas sa Pilipinas, at siya ang una dapat na makaintindi na kung may linabag siya na batas ay may consequence ‘yan.”



IRREGULARITIES BETWEEN SALN AND BIR RECORD. Ang imbestigasyon ng BIR laban kay Manny ay nag-ugat sa hindi tugmang Statements of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) na isinumite ni Manny at record ng buwis na binayaran niya sa BIR.

Ang sakop nito ay mula taong 2010 hanggang 2012.

Ayon sa www.gov.ph, ang isang public official—gaya ni Manny na Sarangani Representative sa Kongreso—ay kinakailangang magdeklara ng lahat ng kanyang assets, liabilities at networth, o SALN, alinsunod sa prohibisyon ng Republic Act 6713, o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Para sa kanyang 2010 SALN, nagdeklara si Manny ng net worth na P1,143,233,000. Umabot lang ng P9.19M ang binayaran niyang buwis sa BIR.

Para sa kanyang 2011 SALN, nagdeklara siya ng net worth na P1,352,689,980. Umabot lang ng P6.1M ang binayaran niyang buwis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa kanyang 2012 SALN, nagdeklara si Manny ng net worth na P1,770,566,772. Umabot lang ng P22.38M ang binayaran niyang buwis.

Bukod sa impormasyong ito, 2010 pa lang daw ay nasilip na ng BIR ang ilang irregularities sa pagbabayad ni Manny ng buwis.

Kapansin-pansin daw na malaki ang diperensiya sa pagitan ng binayarang buwis ni Manny noong 2008 (P125M) at 2009 (P7.14M).

Bunsod nito, mula sa pagiging number one taxpayer ni Manny noong 2008, bumaba nang husto ang ranking niya sa sumunod lamang na taon.

Naging 135th siya noong 2009, ayon sa listahan ng Top 500 Individual Taxpayers ng BIR.

Kwestiyonable raw ito, lalo pa’t naiulat noong 2009 na kumita si Manny ng $12M sa laban niya kay Ricky Hatton at $22M sa laban niya kay Miguel Cotto.

Sabi pa ni Commissioner Henares ukol dito, "Offhand, ang unang reaksyon namin ay ’Bakit nagkaganito?’

“Tinignan namin kung mayroong nag-iba sa 2008 at 2009. Wala naman kaming nakitang pagkakaiba.

“If there is no material difference or there is improvement, the tax should be the same or even higher.

“If there is a large discrepancy, we start thinking, and we ask the taxpayer what happened and why their tax payment is so low.”

MANNY’S LAWYER RESPONDS. Nang hingan ng ABS-CBN news online ng reaksyon ang kampo ni Manny, ito ang naging sagot ng kanyang legal counsel na si Atty. Tranquil Salvador:

"That is a matter within the competence of the Court of Tax Appeals. It would be best to ventilate our position in the court."

Sa kasalukuyan, umabot na ng P2.2. billion ang tax liability ni Manny sa Pilipinas, dahil sa hindi umano nito pagsumite sa BIR ng kopya ng U.S. tax payment niya para sa mga taong 2008 at 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN