Alice Dixson open to constructive criticisms about her acting

Itinanggi ni Alice Dixson na napikon siya sa pagkukumpara sa kanila ni Laurice Guillen sa pagde-deliver ng pamosong linya na: "Nandiyan ba ang asawa ko, na asawa mo, na asawa ng buong bayan?" Si Alice ang gumanap sa dating role ni Laurice sa pelikulang Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi, na ginawan ng remake at may titulong When The Love Is Gone.


Usap-usapan sa mga kumpulan ng entertainment press ang diumano’y pagkapikon ni Alice Dixson sa huling presscon ng pelikula niyang When The Love Is Gone, na ginanap noong November 19.

Nag-ugat diumano ang pagkapikon ni Alice nang ikumpara ang delivery niya ng famous line na "Nandiyan ba ang asawa ko, na asawa mo, na asawa ng buong bayan?" sa delivery noon ni Laurice Guillen sa original version ng pelikula.

Ang When The Love Is Gone (idinirek ni Andoy Ranay) ay remake ng 1983 classic film na Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi (idinirek ng yumaong si Danny Zialcita).

Ngunit nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alice, sa 27th PMPC Star Awards for Television noong Linggo, November 24, itinanggi nito na napikon siya dahil doon.

Aniya, “Hindi naman.

"I’m just anticipating... I’m waiting for somebody to have enough balls and come up and say hindi nila nagustuhan yung performance ko.

"Kaya sabi ko, ’Wala pa akong naririnig.’

"Kung merong gusto magsabi, makakapag-react ako.

“E, wala. Walang naglakas-loob.

"Kaya ganon lang ang sabi ko, ’If there’s criticism, I’m willing to accept naman.’

"Wala namang problema, di ba?"

CONSTRUCTIVE CRITICISMS. Walang problema sa kanya ang criticisms?

Sagot ng 44-year-old actress, “Gusto ko ngang makarinig, e.

"Kaya nga inaantay kong may magsabing, ’We didn’t like because ganito-ganito...’ Di ba?”

Bakit gusto niyang makarinig ng puna sa acting niya sa When The Love Is Gone?

Paliwanag ni Alice, “Because this way, if you hear criticism, especially constructive, you’ll learn, di ba?

"Open naman ako sa ganun. Walang problema yun sa akin.

"Ako pa? Ako pa, di ba?

“But I guess, it was just... they want it to make intriga about it.

"And, you know, everybody likes to interpret in every way.”

Hindi naman naging harsh o mataray ang press sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No," nakangiting sagot ni Alice.

"Yung mga tanong nga, related naman sa movie.

"At hindi lang naman ako ang tinanong about my personal experience and preference naman. Everybody was asked.”

Napanood daw ni Alice ang Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi, pero tumanggi siyang magsalita kung nabigyan ba niya ng justice ang role niya.

Panoorin na lang daw ito.

STILL ACTIVE IN MOVIES. Kung may mga bumabatikos sa kakayahan ni Alice ngayon bilang aktres, marami naman ang pumupuri sa laki ng iniangat niya sa kanyang propesyon, kumpara sa mga nagdaang pelikulang ginawa niya noong kabataan niya.

Reaksiyon ni Alice tungkol dito, “I’ve said a couple of times already, the reason why I still have followings when I came back, kasi yung mga movies ko noon, especially Viva Films and Regal Films, were films that people were watching at that time. Kaya they remember me.

“Tapos, pag pinapalabas sa cable, nai-introduce naman ako sa mga younger audience.

"I guess I’m very lucky rin sa pelikula dahil doon ako nagsimula.

"And up to now, gumagawa pa rin ako.”

Matatandaang anim na taon nagpahinga mula sa showbiz si Alice, pagkatapos niyang magpakasal sa dating asawa na si Ronnie Miranda at manirahan sa Canada.

Noong 2011 ay bumalik ng Pilipinas si Alice upang ipagpatuloy ang kanyang acting career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN