Alice Dixson ready for another relationship: "I wouldn’t open my door if I was not ready."

At 44 years old, game pa rin si Alice Dixson sa love scenes at pagsusuot ng bathing suits sa TV and movie projects niya. Sabi niya tungkol dito, “I think I’m just experimenting with my career right now. I’m really confident about myself, about my body."


“It’s getting hot. The show is getting very hot.”

Ito ang paglalarawan ni Alice Dixson sa teleserye nila ni Derek Ramsay sa TV5, ang For Love Or Money.

Sabi pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “We’re still doing really good and our ratings are doing very well.

"I don’t know the real ratings, pero I think we’re second.

"The last time I heard, we’re second after Madame Chairman sa ratings ng audience-share ng TV5."

LOVE SCENES WITH DEREK. Sa mga susunod na episodes ng For Love Or Money ay magkakaroon na raw sila ng affair ni Derek sa kuwento.

Dahil dito, magkakaroon din sila ng love scenes.

Sabi ni Alice tungkol dito, “For television, we’re tame actually. Very professional naman.

“We became good acquaintances naman sa set.

"Siyempre, we talk, we have small talk. But siyempre, we don’t share one dressing room."

Dagdag pa ng aktres tungkol sa kanyang co-star, “Derek is a little aloof, especially nung sinabi niya sa akin na ayaw na niyang magkaroon ng girlfriend na showbiz.

"And then, nakain niya yung sinabi niya kay Cristine [Reyes].

“So, nanahimik na siya. Hindi na siya nagkukuwento tungkol sa lovelife niya.”

Si Cristine ang huling naging girlfriend ni Derek.

Kumusta namang katrabaho si Derek?

Sagot ni Alice, “I think he’s very... as a co-worker, he’s very dedicated.

"I say this because he wants to know his lines. He wants to say his lines in Tagalog perfectly.

"So, nakikita kong nagsisipag siya and he really studies his lines.

"And he’s professional on the set."

Patuloy ng aktres, “As a person, I know... sa mga kuwento niya sa akin... I don’t know if he’s still loveless.

"Pero sabi niya, you know, he’s happy right now with his personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think he’s really busy with his sports.

"Di ba, nanalo siya ng frisbee? Ikinuwento niya sa akin na the Philippine team won gold. Tama ba?

“And he was kinda complaining that he’s really working hard, kasi yung work, almost every day.”

NOT HER TYPE? Matitipuhan kaya ni Alice ang isang lalaking kagaya ni Derek?

Sagot niya, “Kung matitipuhan ko? Well, honestly, he wouldn’t fall under my top category, kasi he’s in showbiz.

"I don’t really go for guys in showbiz.

“But if he’s in my second category, he would have to be taller than me. So, medyo hindi rin.

“My third category is... personality-wise and funny-wise, pasok siya.”

Dahil sa love scenes ni Alice sa For Love Or Money, sinasabing nakikipagtalbugan siya nang paseksihan sa younger actresses, gaya ni Ritz Azul.

Pahayag niya tungkol dito, “I think I’m just experimenting with my career right now.

"I’m really confident about myself, about my body.

"So, wala naman akong dapat... I don’t feel that I should be, in any shape, way or form, conservative.

“What you’re seeing right now is just the character I play and the confidence I have about myself right now—even I’m in my 40s.”

"LUKEWARM CHRISTMAS." Hiwalay na sa kanyang asawa si Alice na si Ronnie Miranda, kaya tinanong namin siya kung magiging malamig ba ang Pasko niya ngayon.

Tumawa muna si Alice at saka sinabing, “Katamtaman lang. Lukewarm!”

Ngunit pag-amin ni Alice sa kasalukuyang estado ng kanyang personal life: “I’m dating. Natanong niyo na sa akin ’yan, e... but he’s non-showbiz.”

Gaano na siya katagal nakikipag-date sa non-showbiz guy na ito?

“Ayaw ko munang sabihin, kakaumpisa pa lang.

"Hindi pa todo ito, getting my feet wet lang."

Handa na ba siyang pumasok sa panibagong relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Alice, “Maybe, because I’m dating, e.

"I wouldn’t open my door if I was not ready.

"So, dating-dating lang.”

Ano ang natutunan niya sa pakikipagrelasyon na hindi na niya gustong maulit?

“Mahirap na tanong ’yan, a! What would I avoid?

"Hmmm.... I would avoid not expecting somebody to change.

"Parang for me kasi, I thought that love could change things, change the person, the character, ganyan.

“But once you meet somebody, you really have to know them.

"Yun, either you accept them or you don’t accept them."

Ngayong nakikipag-date na siya ulit, mas open na ba siya? Wala na siyang expectations, limitations?

Sabi ni Alice, “No, I’m just enjoying myself, getting-to-know -you stage, getting to know him, them or whoever.”

Kinikilig ba siya ulit ngayon?

“I haven’t felt this in a long time naman kasi, e.

"I don’t know how you call it, basta ang alam ko sa ganito, dating, e.

“Meron [kilig]. Siyempre, if somebody gives you flowers or somebody you know, mga text-text.”

Pagdating naman sa kung paano isi-celebrate ni Alice ang Pasko, wala pa raw siyang plano ngayon.

“My original plan kasi was I’m supposed to be in the States for Christmas with my family.

"Kaya lang, yung schedule namin ng For Love Or Money, baka umabot ng malapit sa Pasko.

“So ang mangyayari, instead of Christmas, New Year na lang ako mawawala.

"Pero hindi pa sure, kasi nagpa-finalize kami ng schedule ngayon.

“Saka my mom is here. Priority ko naman ang mom ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN