Jeric Gonzales wants to be the "next Richard Gutierrez" of GMA

Jeric Gonzales regrets Richard Gutierrez’s decision to leave GMA Network: “Siguro bilang taga-GMA din, sayang, kasi dito siya talaga nag-start. Tsaka dito siya maraming nagawa. Marami pa siguro siyang magagawa kung dito siya nag-stay.”


“Opo! Next Richard, next Dingdong! Pipilitin po natin ‘yan!”

Ito ang natatawang sagot ni Jeric Gonzales nang tanungin kung siya na ba ang susunod na Richard Gutierrez o Dingdong Dantes sa bakuran ng GMA.

Pero kung isa lang ang pipiliin niya, sino kina Richard at Dingdong ang mas gusto niyang sundan ang yapak?

Sagot ng Protégé winner sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Richard po.

“Kasi mahilig din po ako talaga sa action and hero na role. Iyon po talaga yung dream role ko, e.

“Kaya every movie na may hero, katulad ng mga Thor, pinapanood ko agad yun.

“Tapos yung Captain Barbell, yung Asero niya [Richard], gusto ko po iyon.”

Nakasama ni Jeric si Richard sa huling teleseryeng ginawa ng huli sa GMA, ang Love & Lies.

Pagkatapos nito ay hindi na nag-renew ng kontara sa Kapuso network ang aktor.

Ano ang naramdaman ni Jeric sa pag-alis ni Richard sa GMA?

Sagot niya, “Siguro po, bilang taga-GMA din, sayang, kasi dito po siya talaga nag-start.

“Tsaka dito po siya maraming nagawa. Marami pa siguro siyang magagawa kung dito siya nag-stay.

“Pero choice niya po iyon, e. Kung iyon po yung gusto niya, wala po tayong maaano doon.

“Pero bilang may pinagsamahan po kami sa Love & Lies, masaya po ako na nakasama ko siya and may natutunan po ako sa kanilang lahat.”



NEW IMAGE. Ramdam ba ni Jeric na artista na talaga siya ngayon?

Sagot niya, “Opo, feeling ko po talaga artista na ako, hindi tulad noong una.

“Ngayon po talaga sa mga pinupuntahan, sa mga suot, sa kilos mo po sa mga lugar, kailangan ingat na ingat na po.

“Kasi, yung tingin sa iyo ng mga tao, naka-base doon sa kilos mo, e, tsaka sa image mo.

“So, bilang artista po, kailangan nating pangalagaan iyon.”

Mahirap ba iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po, kasi ipinapakita ko lang po talaga kung ano ako.

"Tapos, nakikisama ako. Kasi iba-iba naman po ang tao, e.

"Kung ganoon po talaga siya, na may pagkamasungit siya, siguro po sa concern na lang niya iyon sa family... hindi natin alam kung ano.

“Pero iba-iba po kami, pero ako po, ipinapakita ko lang po kung sino ako.”

Marami na bang nagkakagusto sa kanya?

“Opo,” sagot ni Jeric.

Paano niya nalalaman na nagkakagusto sa kanya ang isang tao?

“Sa Twitter po at saka sa Facebook, marami pong nagme-message sa akin tsaka nagtu-tweet, tsaka nagpa-follow sa Instagram, iyon po.”



SINGLE AND AVAILABLE. Twenty-one years old na si Jeric, pero wala raw siyang nililigawan ngayon.

Apat na ang naging girlfriends niya, at Grade 6 daw siya nang unang nagkaroon ng girlfriend.

“Pero hindi pa po serious iyon,” sabi niya.

Dalawang taon na raw ang nakalilipas mula nang mag-break sila ng huli niyang girlfriend.

Madali ba niyang mapaibig ang isang babae?

“Sa experience po, opo!” at natawa si Jeric.

Paano si Jeric kapag in love?

“Halos lahat po ng time nasa kanya, tapos masaya ka, palagi kayong lumalabas.

“Iyon nga lang po, yung time mo sa family tsaka sa ibang bagay, nawawala na, kasi palaging sa kanya.

“Tapos, palagi kang may something na gustong ibigay, mag-iisip ka palagi, ganoon... flowers.”


HOLIDAY PLANS. Sa Laguna magdiriwang ng Pasko si Jeric.

Malamang ay magkita sila ng ka-loveteam at leading lady niya sa Pyra na si Thea Tolentino sa Pasko dahil pareho silang taga-Calamba.

Sabi ng binata, “Kasi may gift din po ako sa kanya panigurado.”

Hindi pa raw niya nabibili ang Christmas gift niya kay Thea.

Ano ba ang plano niyang bilhin?

“Ang sigurado po noon, may design ng butterfly kasi mahilig si Thea sa butterfly.

“Tsaka yung mga gamit po sa taping para lagi niyang nagagamit,” sagot ni Jeric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN