Aiza Seguerra gushes over Vic Sotto: "He’s family, he’s a mentor, a friend, an inspiration, an idol…"

Mapa-comedy man on drama, sobrang kumportable raw si Aiza Seguerra na katrabaho si Vic Sotto. Sabi ni Aiza, “Kasi sa sobrang haba na ng relationship namin, kahit pa anong gawin namin e hindi na nagiging mahirap para sa amin. Magtitigan, magtinginan lang kami, alam na namin yung gustong sabihin ng isa’t isa, e. Basta ganun katindi na yung koneksiyon namin.”


Labis na pinapahalagahan ni Aiza Seguerra ang patuloy na pagmamahal at concern na ipinapakita sa kanya ng isa sa mga tatay-tatayan niya sa showbiz—si Vic Sotto.

Masaya ang dating child superstar na hindi siya nakakalimutang isama ni Vic sa mga pelikula nito, lalo na tuwing panahon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), katulad ng Okay Ka Fairy Ko at Enteng Kabisote movie series.

Ngayong 2013 ay muli silang magkasama sa My Little Bossings—ang entry ng OctoArts, M-Zet Films, APT Entertainment, at Kris Aquino Productions sa taunang filmfest na nagsisimula sa araw ng Kapaskuhan, Disyembre 25.

Kasama rin nila sa pelikula sina Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, James “Bimby” Aquino Yap, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Sabi ni Aiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kaya nga natutuwa ako, e, kasi never niya akong kinalimutan.

“Yun ang maganda sa grupo ng Eat Bulaga! at M-Zet, ang turingan namin ay talagang family.

“Hindi uso yung kali-kalimot. We really care for one another.

“Para sa akin, sa industriya na ang daling mawala ng mga friends, iba yung samahan namin.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza, habang palabas na siya ng venue ng presson ng My Little Bossings, sa 55 Events Place, Scout Rallos, Quezon City, kagabi, Nobyembre 27.

Tatlong taon pa lang si Aiza nang sumali siya sa “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga! noong 1987.

Bagamat hindi siya ang naging grand winner ay natuwa sa kanya ang main hosts ng show na sina Vic, Tito Sotto, at Joey de Leon kaya siya napabilang sa longest-running noontime show.

Si Vic ang madalas niyang maging tatay sa mga palabas sa telebisyon at pelikula.

Maganda ang naging samahan nila, kaya naman kahit nasa ibang istasyon na si Aiza ay bukas pa rin siyang nakakapag-guest sa Eat Bulaga!



BOSSING’S BABY. Sa naunang interview kay Vic, bago nagsimula ang presscon, sinabi nito na kahit may bago na siyang batang mine-mentor at inaalagaan ngayon, sa katauhan ni Ryzza Mae Dizon, mananatiling "baby" niya raw si Aiza habambuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Aiza rito?

“Same thing with him, he will always be my second father,” sagot niya.

Noon hanggang ngayon, paano niya ilalarawan ang relasyon niya kay Bossing Vic?

“He’s family. I can’t say anything better than that.

"He’s family, he’s a mentor, a friend, an inspiration, an idol… lahat-lahat na—siya yun.”

Saan siya mas kumportableng kaeksena si Bossing—sa comedy o sa drama?

Sagot ni Aiza, “Pareho, e.

“Kasi sa sobrang haba na ng relationship namin, kahit pa anong gawin namin e hindi na nagiging mahirap para sa amin.

“Magtitigan, magtinginan lang kami, alam na namin yung gustong sabihin ng isa’t isa, e.

“Basta ganun katindi na yung koneksiyon namin.”



RYZZA MAE. Ano naman ang masasabi niya kay Ryzza Mae?

Sabi ng dating child wonder, “Ako, natutuwa ako, you know, seeing her.

“Si Ryzza, sobrang she’s really doing good.

“I’m just happy, and she deserves it, alam mo yun?

“She’s very witty.

“It feels good na after twenty-five years, meron na ulit bago [child superstar sa Eat Bulaga!].”

Nakikita niya ba ang sarili niya kay Ryzza noong bata pa siya?

Ani Aiza, “Oo, nakakatuwa nga, kasi dahil sa movie na ito, nagkasama kami.

“Ito yung first time na masasabi kong nakasama ko siya talaga.

“Nag-e-enjoy akong kasama siya dahil ano lang, e… very natural.

“And natutuwa ako na kung ano ako para kina Bossing before, nagagawa ko sa kanya ngayon, natuturuan ko siya.

“Ang kaibahan ko lang siguro sa kanya, mas matangkad ako sa kanya noong bata ako!” sabay-tawa ni Aiza.

Pagpapatuloy niya, “Pero nakikita ko yung pagiging hardworking niya, pagiging bibo.

“Bibo itong bata ito, sobrang bibo.”



BIMBY & KRIS. Ikinatuwa rin ni Aiza ang pakikipagtrabaho niya kay Bimby, lalo pa nga’t ang My Little Bossings ang launching movie nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, natutuwa rin ako kay Bimby.

"Kasi, kahit alam natin na hindi pa siya sanay sa ganitong mundo, nakikita mo talaga yung effort para makisama, and nae-enjoy niya, e.

“So, I’m happy that eto sa first movie niya, I’m part of it.”

Isa pang memorable para kay Aiza ay ang pagsasama nila ni Kris Aquino.

Dahil nga rito ay isang pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan nila.

Paano nabuo ang friendship nila?

Kuwento ni Aiza, “Well, si Ate Kris naman kasi, nakakasama ko siya pag guesting kung saan-saan, like sa Kris TV.

“But this is the first time na nakatrabaho ko siya.

“And, ang sarap, kasi she really takes care of the people around her.

“Kumbaga, kung anuman ang baon niya, isini-share niya sa lahat.

“And yun, napakadaldal, walang dull moment.

“Walang pagod, doon ako bilib sa kanya, walang pagod.

“Kahit pagod siya, alam mo yun, she makes time, especially for her son.

“Nakita ko talaga kung gaano siya kabuting ina.”

Naramdaman daw talaga niya ang pag-aalaga ng isang Kris Aquino.

“It feels good na, kumbaga, sa stature niya, ganun ang pag-aalaga niya.

“She’s a wonderful mom and friend—yun ang masasabi ko.”

Dahil nga sa nabuong pagkakaibigan nila ni Kris ay hindi raw nahirapan si Aiza na kumbinsihin ang Queen of All Media na tulungan siya nito sa isang malaking proyekto.

Sa ngayon, confidential muna raw kung anong proyekto ito dahil inaayos pa raw nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN