Raymond Gutierrez denies Showbiz Police hosts walkout rumor

Hindi raw nasaktan si Raymond Gutierrez sa pagkansela ng mga programa niya noon sa GMA Network. Saad niya, “Because I’m not a very sentimental person, life goes on. I’ve been through so many changes in my life. I used to live in the States, and now I’m here. I used to be a student, and now I’m in showbiz. I used to be in showbiz. and now I became a magazine editor [for Esquire]. So, I’m used to change. Sana


Pinabulaanan ni Raymond Gutierrez ang balitang nag-walkout diumano ang mga host ng showbiz-oriented show ng TV5 na Showbiz Police, sa mismong taping ng show, dahil hindi raw sila sang-ayon sa mga naganap na pagbabago sa programa.

Ngunit inamin ni Raymond na nagkaroon sila ng meeting kasama si Wilma Galvante, head ng TV5 entertainment division, tungkol sa mga pagbabagong gagawin sa show.

Kuwento ng TV host, “Tita Wilma called us up for a meeting and, I think, they just wanted to…

“Siyempre, when you’re doing a showbiz talk show, trial and error naman ‘yan, in any new show.

“So, there’s gonna be a bit of change, pero hindi naman siya ganun ka-drastic.”

Diin pa ni Raymond, “Walang walkout. How do you walk out on someone like Tita Wilma?

“All of us there, all the hosts were very respectful.

“We just listened as to what they have decided, and respected what they decided.

“Honestly, all the changes were a little bit surprising, pero ganun talaga. That’s the world of television.

“May mga ganun talaga na changes na mangyayari.

“Ang importante, all of us were retained in the show.

“I’m not sure about Ms. Lucy [Torres-Gomez], because she’s concentrated on Ormoc.

“Pero Direk Joey Reyes will still have his own segment.

“Nay Cristy [Fermin] will still have her own segment.

“Ang mangyayari lang, ako lang ang magtatahi ng show.

“Meaning, from opening to closing, ako yung magtatahi ng mga VTRs. So, parang si Mario Lopez.

“Tita Cristy will still retain her one-on-one interview, yung ’Cornered with Cristy.’

“And Direk will have his ’Direk Statement,’ yung mga opinion niya tungkol sa mga issues sa showbiz.

“Nandun pa rin si Divine [Lee] at saka si MJ [Marfori].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymond sa 27th Star Awards for Television noong Linggo, November 24, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila ng kakambal niyang si Richard Gutierrez ang nag-host ng programa, kasama ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

ROCK THE BOAT. Kung si Raymond daw ang masusunod, wala raw siyang babaguhin sa kanilang show.

“Kaka-start pa lang namin, e. It’s hard to rock the boat this early.

“I’m happy that all of us will still be there on the show.

"Ang mangyayari lang naman ngayon, it’s gonna be outdoors na. They want to feel, like, with the people.

"It’s more on the visual treatment.

"It’s not actually the lineup of hosts or anything like that na major.

"Ang mangyayari lang, yung treatment lang visually ang maiiba.”

Wala pa raw ideya si Raymond kung hanggang kailan tatakbo sa ere ang Showbiz Police, pero ang kontrata niya sa programa ay isang taon.

Mayroon din daw offer kay Raymond ang TV5 para sa isang daily show.

Hindi nga lang niya masabi ang detalye nito dahil inaayos pa raw ang kabuuang frame ng project.

“Because I still don’t know if I can commit to a daily show.

"Kasi, aside from TV, I’m also doing stuff behind the scenes, you know, like magazines, I’m opening a restaurant and a bar...

"I have all these projects on the side that I’m doing.

“I don’t know if I can commit to a daily.

"Kasi pag daily, ibang level na yun. You really have to give up a lot of time."

LEAVING GMA. Malaking katanungan sa marami kung bakit umalis si Raymond sa GMA, ang network na pinagtrabahuhan niya sa loob ng sampung taon.

Nasaktan ba siya sa pagkakasibak ng mga programa niya sa Kapuso network—ang H.O.T. TV at Sunday All Stars?

Sagot ni Raymond ay hindi iyon ang dahilan.

“Because I’m not a very sentimental person, life goes on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve been through so many changes in my life.

"I used to live in the States, and now I’m here.

"I used to be a student, and now I’m in showbiz.

"I used to be in showbiz, and now I became a magazine editor [for Esquire].

“So, I’m used to change. Sanay na ako.

"Naging okey lang. Na-cancel ang shows ko nang sabay-sabay, I took it. That’s fine.

“I rested for three months—but rest on television, I should say.

"Pero sobrang busy ko naman outside of TV, busy with the rest of the projects that I’m doing.”

May nakakausap pa rin ba siyang mga taga-GMA?

“Of course, Solenn [Heussaff] and Belle [Isabelle Daza] are my best friends.

"Minsan nagkikita pa rin kami nina Rhian [Ramos], Lovi [Poe], pero not as often na.

"Pero, whenever I see them, yung mga friends ko naman still remained my friends.”

RICHARD GUTIERREZ. Unang umalis sa Kapuso network si Raymond, at sumunod naman ang kambal niyang si Richard.

Pinag-usapan ba nila ang kanilang pag-alis sa GMA?

Sabi ni Raymond, “I know kasi, si Chard, he wants to take it easy for the rest of the year.

"And by 2014, he’s gonna decide which station he wants to be part of.

"Nagkataon lang na nauna yung kontrata ko na natapos.

"So, no’ng natapos ang kontrata ko, I’ll rest first, and I’ll concentrate on my restaurant and my bar. And then also for my consultancy firm.

“And then Tita Wilma reached out, sabi ko, ’I’m open, wala naman akong kontrata.’

"So ngayon, ang contratct ko with TV5 is actually free lance.

"So, I can actually appear in other TV stations.”

Posible bang bumalik siya uli sa GMA, pero non-exclusive na ang kontrata niya?

“When I saw Tita Avin [Marivin Arayata, GMA’s VP for Entertainment TV], sabi niya, ’Hoy, ha, let’s work together soon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Oh, yeah, I’m free lance. Anytime.’

"Being free lance, for me, is really the way to go.

"Sa States, it can bring you anywhere. Dito lang naman sa atin uso ang hindi ka puwedeng mag-appear dito.

“So, as a free-lance artist, and I think I’m of age to be one, mas you’re flexible, e.

"Like this showbiz show [Star Awards for TV] airs in ABS-CBN 2.

"If we have an exclusive contract, we won’t be able to do this. Things like this na okay din.

“Tapos si Chard, nakapag-guest sa GGV [Gandang Gabi Vice], kasi ni-request siya ni Vice [Ganda].

"And since Vice is a friend, you know, puwede siyang mag-guest doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN