Kris Aquino says she allowed son Bimby to do a movie because of Vic Sotto

Kung sakali mang magdesisyon ang anak na si Bimby na pasukin ang showbiz paglaki nito, gusto sana ni Kris Aquino na matulad ito kay Luis Manzano. Sabi ni Kris, “Ako, honestly ha, I kept telling him na, "Bimby, sana let’s follow the footsteps of Luis [Manzano]. Di ba, Lucky siya noong bata, then naging Luis noong tumanda? Sabi ko, ’When you’re older, you can also be a host.’ It’s really up to him."


Aminado si Kris Aquino na may pagka-stage mother siya sa bunsong anak na si James "Bimby" Aquino Yap sa unang pelikula nitong My Little Bossings.

Ang My Little Bossings ay entry sa Metro Manila Film Festival 2013. Kasama rin sa cast sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, at si Kris.

Sa presscon ng pelikula noong Miyerkules, November 27, sa 55 Events Place, sinabi ni Kris na kapag wala siyang ibang commitment at kahit wala siyang eksena, nasa shooting daw siya at sinasamahan ang anak.

Nandoon siya sa lahat ng shooting days ng anak?

Sagot niya, “I’m out ng three days, tatlong araw, because I shot sa TVC noong time na yun.

"Pero apart from that, nandoon ako.”

Kapag wala siya, hindi ba nahihirapan ang iba sa set at hindi siya hinahanap ng anak?

“Alam mo, mas enjoy sila kapag wala ako dun.

"Yung nanay, medyo ano talaga, tumatabi sa director, sinasabi na, ’Direk, isa pang close-up!’

“OC lang!” natatawang pag-amin ni Kris.

Mahirap bang alagaan si Bimby sa set?

"Ay, hindi siya mahirap alagaan," pagmamalaki ni Kris sa kanyang six-year-old son.

“Ano talaga... at yung acting, kumuha ako ng acting coach. Umaamin naman ang nanay!

"Yung baby coach niya was really handling him since he was four months old, when we did his first Pampers [commercial].

"Yun ang kinuha ko para tulungan din si Direk Marlon [Rivera].

“Mahirap sa set, di ba?

“If this is his first and last, gusto ko naman na later on, kapag napanood niya at nakita ng mga anak niya, mapa-proud sa trabaho niya.

"At natutuwa naman ako sa naging resulta.”

VIC SOTTO. Isang dahilan din kung bakit pinayagan ni Kris si Bimby na gumawa ng pelikula ay dahil si Vic ang makakasama nito.

“Ako, super grateful ako na ang first work experience ni Bimb was with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, lahat ng magagandang work ethics at work habits, nakuha niya.

“As in, sa kanila talaga, walang pa-star, walang bida, walang uma-attitude.

“I can tell you that, Vic as huge as he is, pero he arrives sa set na walang entourage. Siya lang, driver.

"Hindi nagpi-feeling superstar kahit ganyan siya kasikat.

"Sobra talaga akong natuwa na unang experience ni Bimb sa pag-arte, ganyan ang mga katrabaho niya.

"Kasi, ‘yan ang bibitbitin niya for the rest of his life.”

Sinasabi ni Kris noon na nagseselos si Bimby kapag nali-link siya sa kanyang kapareha.

Kay Vic ba, hindi nagselos si Bimby?

“Hindi, kasi sinabi ko sa kanya... Pauleen [Luna, Vic’s girlfriend] was always on the set and she’s super-bait siyang talaga. And then, naging close si Bimb sa kanya.

"So, sinabi ko, ’If we have moment na pa-cute with each other, don’t, because she’s the real girlfriend.’

“And I said, ’Bimb, di ba, we want to continue working pa after this? So, dapat naman, lahat tayo, maganda ang samahan natin.’”

OUTSPOKEN. Kapansin-pansin din na parang nate-tense si Kris kapag tinatanong ng entertainment press si Bimby sa presscon.

Paliwanag niya, “Actually kasi, outspoken siyang talaga. So, doon ako natatakot.

"Kaya bago naman ito, nag-practice session kami sa bahay para to make sure na hindi kami parehong ma-trouble.

“Pero yung ano talaga, mas mabait siya sa akin.

"Very, very obedient talaga. And I want to say thank you kay Vic for noticing that.

"Considering also na siya lang ang maliit sa amin. Siya lang ang pinakamaliit among my pamangkins.

“Showered siya with so much attention talaga, but he’s really obedient at hindi siya pasaway.

“So, doon ako napa-proud.”

Bakait nasabi ni Kris na puwedeng "first and last movie" na ni Bimby ang My Little Bossings?

Paliwanag niya, “Gusto niya [ang pag-aartista] but, honestly, he’s only Grade One.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I think, yung one step at a time.

"Meron naman akong mga nakatatandang kapatid na parating ipinapaalala sa akin na my first responsibility as a mother is to make sure he’s a healthy child as possible.

“So far, so good naman ang grades.

"Pero yun, ayokong later on masabi niya sa akin na, ’Pinagtrabaho mo ako when I was so young, e, dapat nag-aaral lang ako.’

"Kaya nga when they offered this, it came at a time that I have to grab this opportunity.

“Kasi, ngayon lang siya magiging six years old.

"Ngayon lang magiging cute ang lahat ng ito, and the chance to work with Vic, di ba?

“So when we talked about it, at nakita ko ang anak ko na one of the title-rolers, sino ba naman ako para tumanggi pa?

"And I know that it’s something that my son would be proud of for the rest of his life.”

WHATEVER BIMBY WANTS. Okay lang ba kay Kris na mag-artista si Bimby paglaki nito?

Sagot niya, “Ako, honestly ha, I kept telling him na, Bimby, sana let’s follow the footsteps of Luis [Manzano].

"Di ba, Lucky siya noong bata, then naging Luis noong tumanda?

"Sabi ko, ’When you’re older, you can also be a host.’ It’s really up to him.

“Siguro, I’m not working naman this hard para hindi maibigay ang best possible for him.

"Kung gusto niyang mag-aral abroad, gusto niyang maging abugado, gusto niyang mag-artista, support ako dun dahil yun naman kasi dapat talaga ang gawin ng mga magulang.”

Alam naman daw ni Kris na kapag lumaki na ang anak niya, may sarili na itong desisyon kung ano talaga ang gusto nitong gawin.

“Mas lalong wala akong control kapag lumaki na siya.

"Especially, he has the skill and the discipline for it, pero it’s really up to him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung maging artista siya after all, I’ll give my support to him.

“Also, if he wants to be a basketball player, all the doors are open to him.

“Kasi, six years old pa lang naman siya.

"There’s so much time left and he can decide on his own kung ano ang gusto niya, at susuporta lang akong talaga.

"Basta huwag lang pababayaan ang pag-aaral.

"Yun din ang hiningi ng mom ko [the late President Cory Aquino] sa akin, that I graduate in college.

"Yun din naman ang hihingin ko sa kanya.”

Patuloy ni Kris, “Kasi ako, buti na lang, may mga kapatid akong nagko-control.

"At yun ngang sabi ni Direk Marlon na 9 o’clock on the dot, pauwiin naman.

"Sila yung nagsasabi sa akin talaga na, ’Child abuse ‘yan, we’ll gonna report you. Huwag mong igaya sa ‘yo.’

“So, sinisigurado ko naman na hindi kulang ang tulog, hindi mag-a-absent, at talagang priority dapat ang pag-aaral.”

Ayaw namang pag-usapan ni Kris kung magkano ang talent fee ni Bimby sa unang pelikula nito.

“Let it be confidential na lang. Hindi yata magandang nanay ang nagsasabi.

"Kasi, sinusunod ko naman.

"Everything that he is earning now, I put it in a trust, either when he graduates in college or when he turns 25 years old.

“I want him to see also na when he grow older, he can say na, ’Wow, Mama, ganyan na pala ang naitabi mo for me.’

"But he’s so good also na sinasabi niya, ’When I grow up, I’ll give or I’ll share with you and Kuya.’

“Maganda rin naman para hindi niya ma-feel na nilustay ko ang pinaghirapan niya.”



CO-PRODUCER. Isa rin si Kris sa co-producers ng My Little Bossings, via her own Kris Aquino Productions; kasama ang OctoArts Films, APT Entertainment, at M-Zet Productions ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya bukod sa pagtutok kay Bimby, hands-on din daw si Kris sa promo at iba pang aspeto ng pelikula.

Saad niya, “First time din kasi na ganito kalaki ang investment namin. Hindi lang yung personal kung hindi pati yung capital din.

"First time ito na yung equal, na hati-hati kami rito, tig-25 percent. So, maglalabas ka na ng pera.

“Nagulat yata si Vic sa pagka-hands-on kasi kagabi [November 26], ultimo yung TV spot na makukuha namin sa TV rights, kagabi, habang nagti-taping ng Vampire [Ang Daddy Ko], iniisa-isa namin.

"First time ito na hindi produced ng Star Cinema, hindi kagaya noon, kaya that’s why kinarir.”

Dagdag niya, “And I’m also preparing for the time that I’m no longer in front of the camera, but still working independently and, hopefully nga, as a producer.”

Hindi rin daw nagpabayad ng kanyang talent fee si Kris sa pelikula.

“No, gugulo lang ang account kung magpabayad pa ako!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN