Rodjun Cruz elated to join the cast of Akin Pa Rin Ang Bukas

Ikinuwento ni Rodjun Cruz sa PEP ang pagkikita nila ng dating movie queen na si Gloria Romero, na co-star niya sa GMA primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas. Lahad ng young actor, "Sabi niya, ‘Pinapanood kita.’ Nanonood daw siya ng My Husband’s Lover. Sabi niya, ‘Ang galing-galing mo.’ Alam niya ang story. Sabi niya, ‘Natutuwa ako sa ’yo. Love na love mo pa rin si Dennis


Masayang-masaya si Rodjun Cruz dahil kasama na siya sa cast ng Akin Pa Rin Ang Bukas, ang primetime drama series ng GMA na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Cesar Montano, at Rocco Nacino.

Nagpapasalamat si Rodjun sa Kapuso Network dahil siya ang napili para gumanap bilang imbestigador na tutulong sa mga karakter nina Cesar at Lovi sa paglutas ng isang murder case.

Hindi raw niya inaasahan na makakasali siya sa cast ng Akin Pa Rin Ang Bukas dahil hindi siya contract star ng GMA at katatapos lamang ng kanyang huling teleserye, ang My Husband’s Lover.

Noong Miyerkules, November 27, ang first taping day ni Rodjun, at si Cesar ang kasama niya sa lahat ng mga eksena.

Hindi raw nailang ang young actor kay Cesar dahil matagal na silang magkakilala.

Si Cesar ang estranged husband ng first cousin ni Rodjun na si Sunshine Cruz.

Kuwento ni Rodjun sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Halos lahat ng mga eksena, kami ang magkaeksena ni Kuya Buboy [Cesar].

"Kapag nagkikita kami, nagkukuwentuhan lang... tawanan. Mabait si Kuya Buboy."

Hindi raw nila napag-usapan ang problema sa pagsasama nina Cesar at Sunshine.

Sabi ni Rodjun, “Siyempre, ayoko rin makialam sa buhay nilang mag-asawa dahil desisyon nila ‘yon. Labas naman ako doon.

“May communication kami ni Ate Shine, sa Instagram. Nagkikita naman kami, pero bihira.

"Yung mga cousin ko, okey kami, pero hindi yung super-close dahil sa age gap namin, tapos may mga asawa na rin sila."

MEETING GLORIA ROMERO. Kasama rin sa cast ng Akin Pa Rin Ang Bukas ang veteran actress na si Ms. Gloria Romero.

Ikinuwento rin ng young actor ang pagkikita nila ng former movie queen.

"First taping ko, nagkasalubong kami ni Miss Gloria.

"Sabi ko, ‘Good afternoon po,’ tapos binati niya ako.

"Sabi niya, ‘Pinapanood kita.’ Nanonood daw siya ng My Husband’s Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ‘Ang galing-galing mo.’

"Sabi ko, ’Miss Gloria, maraming salamat po.’ Siyempre, Miss Gloria Romero ‘yon, sabay binati ka.

"Alam niya ang story. Sabi niya, ‘Natutuwa ako sa ’yo. Love na love mo pa rin si Dennis [Trillo].’

"Nanonood talaga siya.

"Sabi ko, ’Miss Gloria, pa-picture po sa inyo. Masyadong idol ko po kayo.’

"Nakakatuwa na isang Gloria Romero, ganoon sa ’yo—mabait.

"Sana nga magkaroon kami ng eksena sa Akin Pa Rin Ang Bukas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN