BIR Commissioner Kim Henares on Manny Pacquiao’s tax issue: "Pakiusap ko ho, pakibayaran na po."

BIR Commissioner Kim Henares to Manny Pacquiao: "Pakiusap ko ho, pakibayaran na po. O kaya, kung kailangan niyo mag-apply under Section 204 for Abatement and Compromise, mag-apply na kayo. Para di na tayo magpunta sa susunod na step.”


Bukas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na makipagkasundo kay Manny Pacquiao kaugnay ng P2.2 billion na buwis na sinisingil ng ahensiya sa boksingero.

Sa panayam ni BIR Commissioner Kim Henares sa Unang Balita ngayong araw, November 29, sinabi niyang posibleng magkaroon ng compromise agreement sa pagitan ng ahensiya at ni Manny.

Ito ay alinsunod sa probisyon ng Section 204 ng Internal Revenue Code—o Authority of the Commissioner to Compromise, Abate and Refund or Credit Taxes.

Sabi ni Commissioner Henares, “Kailangan mag-apply siya under Section 204 ng National Internal Revenue. Nandun yung mga panuntunan.

“Kung papasok siya, walang problema.

"Kung di siya papasok sa panuntunan nun, wala ho kaming magagawa.”

Ayon sa nakalathalang Internal Revenue Code sa www.bir.gov.ph, maaaring bawasan o kanselahin ng commissioner ang tax liability ng isang taxpayer kung mapapatunayan ng huli na sobra ang sinisingil sa kanyang buwis.

Maaari ring maisakatuparan ang "compromise settlement" kung mapapatunayang walang kapasidad ang taxpayer na bayaran ang kabuuang buwis na sinisingil sa kanya.

Sabi pa rito, “The compromise settlement of any tax liability shall be subject to the following minimum amounts:

"For cases of financial incapacity, a minimum compromise rate equivalent to ten percent (10%) of the basic assessed tax; and

“For other cases, a minimum compromise rate equivalent to forty percent (40%) of the basic assessed tax.”

SUBJECT TO APPROVAL. Kung sakaling magsumite ng application si Manny at maaprubahan ito ng BIR, ibig sabihin ay maaaring mabawasan ang P2.2 billion tax liability na sinisingil ng ahensiya sa Pambansang Kamao.

Paliwanag pa ni Commissioner Henares tungkol sa proseso ng pagkuha ng compromise settlement sa BIR, “Kung papasok siya sa panuntunan ng Section 204.

“Pero siya ang mag-apply at siya ang magsasabi na entitled ako sa Section 204.

“Tapos, mag-offer siya kung magkano ang babayaran niya.

"Usually, hindi ‘yan puwede bumababa sa 40 percent ng hinahabol namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Commissioner Henares kung bakit umabot ng P2.2 billion ang sinisingil na buwis kay Manny.

“Alam niyo, yung P2.2 billion, kasama yung surcharge na 50 percent at kasama yung interes na 20 percent bawat taon.

“Pero kung titingnan niyo ’yan, ang buwis ay P1 billion dahil hindi siya nagbayad.

“Yun ho ang parati kong sinasabi. Kung hindi kayo magbabayad, magkaka-surcharge, magkaka-interes.

"Before you know it, magiging doble, triple [yung buwis].”

NO TAX EVASION CASE YET. Sa kasalukuyan, wala pa raw isinasampang tax evasion case ang BIR laban kay Manny.

Kaya’t ipinagtataka raw ni Commissioner Henares kung bakit nagkakaroon ng impresyon ang ilan na ginigipit ng kanilang ahensiya ang boksingero.

“Wala pa ho kaming hinahandang tax evasion. Yun ang sinasabi ko, nangongolekta lang kami ng buwis.

“Masyadong emosyunal lahat ng tao, pati si Mr. Pacquiao.

"Kaya huwag na muna natin pag-usapan kung may tax evasion o hindi.”

Ano ang susunod na hakbang ng BIR kung sakaling hindi makipagkasundo si Manny?

“Saka na natin pag-usapan. Ngayon, eto lang ang move namin.

"This is a step, sinisingil namin siya," sagot ni Commissioner Henares.

Sa huli, nagbigay ng mensahe ang BIR commissioner kay Manny: "Pakiusap ko ho, pakibayaran na po.

"O kaya, kung kailangan niyo mag-apply under Section 204 for Abatement and Compromise, mag-apply na kayo.

"Para di na tayo magpunta sa susunod na step.”

WAITING FOR MANNY’S DECISION. Samantala, nagbigay rin ng pahayag ang legal counsel ni Manny na si Atty. Tranquil Salvador kaugnay ng suhestiyong mag-apply si Manny para sa isang compromise settlement sa BIR.

Base sa pahayag nito, tila may posibilidad na makipag-ayos si Manny sa BIR.

Sabi ni Atty. Salvador, sa hiwalay na panayam ng Unang Balita, “Siyempre, una, ang magdedesisyon niyan ay ang kliyente, hindi ang abugado.

“Pangalawa, kung babasahin ang probisyon, kung nakikita ng taxpayer na nagda-doubt siya sa assessment… kung duda siya, puwede siyang mag-compromise.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganunpaman, pinanindigan ng abugado na nagbayad ng kaukulang buwis si Manny sa U.S. Internal Revenue Service, at nakapagsumite ng mga hinihinging dokumento ng BIR para naman sa buwis ng boksingero sa Pilipinas.

Pahayag ni Atty. Salvador, “Yung dokumento, sinasabi diyan na nakita ko na for the last few days na madali lang magpakita ng dokumento.

“Sa parteng legal, noon pang simula, sabi ni Manny Pacquiao, ang dokumento napakita na sa BIR, yung sa IRS.

"Yung sulat ng Top Rank, may attachments, di lang ito sulat.

“Kaya [ang] kanyang paniwala, na-submit niya.

"Ngayon, sinasabi wala, sinasabi na di orihinal.

"Ito ay matters of appreciation.”

Nakiusap din ang kampo ni Manny na hindi na sana lumaki ang buwis na sinisingil ng BIR.

“Malaki po talaga ang perang involved—higit P2 billion.

"Tama [ang] sinabi ng ahensiya na kada-araw, parang metro ng taxi.

"Ito ay pinaghirapan niya, kada pawis, dugo, blood money.

“Ang paniniwala niya, nagbayad na siya, e.

"Huwag naman double taxation,” diin ni Atty. Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN