Pedro Calungsod star Rocco Nacino not intimidated by big movies in MMFF

Hindi raw iniisip ni Rocco Nacino ang kumpitensiya sa darating na Metro Manila Film Festival 2013. Ayon sa bida ng Pedro Calungsod: Batang Martir, “Iniisip ko lang po yung pag-showcase nito. Para sa akin po, maipakita namin nang maayos ito sa mga tao at maging eye-opener din para sa kanila itong film na ito, instead of thinking of this whole festival as a competition. Kasi, how often do you get the chance to be in a film sa Metro Manila Fim Festival, di ba


Naramdaman daw ni Rocco Nacino ang guidance at blessing ni San Pedro Calungsod, ang pangalawang Pilipinong santo, sa buong panahon ng shooting nila ng pelikulang pinagbibidahan niya—ang Pedro Calungsod: Batang Martir.

Mula sa panulat at direksiyon ni Francis Villacorta, ito ang entry ng HPI Synergy Group at Wings Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013, na magsisimula sa araw ng Kapaskuhan, Disyembre 25.

Pahayag ni Rocco, “Definitely a wonderful experience at naramdaman naming lahat na may blessing siya ni San Pedro Calungsod.

“Yung pag-shooting namin habang may bagyo, habang nasa Zambales kami, we were fighting ten-feet waves going back to Zambales.

“Yung eksena ko na muntik na akong mamatay, I almost drowned.

“So, feeling namin, inalagaan kami ni San Pedro Calungsod.

“This experience has made me more, I would say, optimistic sa buhay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Lhar Santiago ng GMA News si Rocco bago magsimula ang grand presscon ng Pedro Calungsod: Batang Martir kagabi, Nobyembre 28, sa Area 05 resto-bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Itinuturing ba ni Rocco na patron saint niya si San Pedro Calungsod?

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi naman sa ganun. But then, ina-appreciate ko si San Pedro Calungsod.

“Although I’m a Born-Again Christian, naiisip ko na may blessing itong 2013 ko from him.

“With what’s happening ngayon, nagpapasalamat ako sa kanya.

“I pray to him, nagpapasalamat ako, kasi tingin ko sa mga nangyari sa buhay ko nitong 2013, may kinalaman siya.

“But then, of course, number one pa rin si God, of course.

“But then, sinasabi ko lang na, through this film, naging eye-opener siya sa akin.

“For me, I believe in San Pedro Calungsod.”

Kasama ni Rocco sa cast ng Pedro Calungsod sina Christian Vasquez, Jestoni Alarcon, Ryan Eigenmann, Robert Correa, Victor Basa, Carlo Gonzalez, Arthur Solinap, Miko Palanca, Jao Mapa, Andrew Schimmer...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alvin Aragon, Johan Santos, Migui Moreno, Charlton Villanueva, Geoff Taylor, Isadora Vilasquez, Johnron Taðada, Mercedes Cabral, Juancho Triviño, Jojo Riguerra, Marc Justine Alvarez, at Kimo Paez.



ALMOST DROWNED. Ano ang pinaka-memorable na eksenang ginawa niya sa pelikula?

Ayon kay Rocco, “Siguro yung muntik na akong malunod, nung ginawa namin yung ending.

“Masyadong mabigat yung bato [na nakatali sa akin].

“At paglingon ko paakyat, malayo pa yung lalanguyin ko.

“So, almost… muntik akong mahimatay under water.

“Buti na lang may diver na humabol at binigyan ako ng mask [oxygen]. Yun siguro ang hindi ko makakalimutan.”

As in, nakainom na siya ng tubig?

“Nakainom akong konti, tapos nagwa-white flashes na ako. So, umabot sa ganung point.

“But then, after mangyari yun, sinabi ko pa rin na, ‘Halika, tapusin natin yung eksena.’”

Masasabi ba niyang ang pelikulang ito ang pinakamahirap sa lahat ng ginawa niya?

Tugon ni Rocco, “Yes, unang-una, hindi ko siya puwedeng paglaruan, yung character ko.

“Hindi ko puwedeng lagyan ng pagka-Rocco Nacino yung character dahil very well-researched yung film, e, like two years for the research.

“So, all I had to do was listen to Direk Francis.”



PREPARATIONS & PRESSURE. Paano niya pinaghandaan ang pagganap kay San Pedro Calungsod?

Saad ng StarStruck alumnus, “Nakatulong yung ginawa kong TV special dati tungkol kay San Pedro Calungsod.

“So, kahit papaano, may konting foundation na po ako tungkol sa buhay niya.

“Well, this one is more exact, well-researched, at alam ni Direk Francis yun.

“So, kung paano ko pinaghandaan, nag-usap kami nang nag-usap ni Direk Francis tungkol sa character, at pinag-usapan namin kung ano ang gusto niyang makita sa film.”

Nararamdaman niya ba ang pressure ng pagiging bida?

“Ngayon na nasabi niyo iyan, oo.

“But then, I have nothing but high hopes for this film.

"At excited ako na i-showcase kung ano yung buhay ni Pedro Calungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ve been dubbing at nakita ko yung product, sobrang ganda.

“Nae-excite lang po ako na makita ng mga tao ito.”

Hindi ba siya kinakabahan o natatakot na pawang malalaking pelikula at artista ang makakalaban nila sa MMFF?

Sabi ni Rocco, “Hindi po ako natatakot dahil hindi ko po iniisip yung kumpetisyon, e.

“Iniisip ko lang po yung pag-showcase nito. Para sa akin po, maipakita namin nang maayos ito sa mga tao at maging eye-opener din para sa kanila itong film na ito, instead of thinking of this whole festival as a competition.

“Kasi, how often do you get the chance to be in a film sa Metro Manila Fim Festival, di ba?

“So, kumbaga sa akin, award na ito.”

Umaasa ba siyang mananalo ng acting award para sa pelikulang ito?

Pag-amin niya, “Siyempre po.

"Lahat naman po siguro ng actors na kasama sa film festival ngayon, may konting hope na, ‘Sana manalo ako.’ Kasama din po ako doon, of course.

“Pero para sa akin, bonus iyon.”


NO VACATION. Dahil may entry siya sa MMFF at magiging abala siya sa promotion ng pelikula niya, ibig sabihin ba nito ay hindi makakapagbakasyon si Rocco sa darating na Kapaskuhan?

Tugon niya, “Mukha nga po.

“Lalo na po on Christmas, we’ll be going around Manila, sa mga SM malls, para i-promote yung movie.

“So, this will be my first Christmas na hindi ko makakasama ang family ko.

“Pero ang kapalit naman ay itong napakagandang project.”

Bagamat magiging busy siya, itutuloy pa rin daw niya ang nakagawian niyang charity work tuwing Pasko.

“Maisisingit namin iyon. Pinag-uusapan na namin ng manager ko.

“Kailangang gawin ko iyon before mag-Christmas.

“So, we might be going to Villamor Air Base para magbigay saya sa mga bata at magbigay ng mga goods na puwede nilang kainin.

“So, one of these Sundays for sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very supportive naman yung Pedro Calungsod at yung soap [Akin Pa Rin Ang Bukas] na meron ako, na give me time para gawin ko iyon.”

Sa Villamor Air Base nanunuluyan ngayon ang ilan sa mga survivors ng bagyong Yolanda na lumikas mula Tacloban papuntang Manila.


LOVI POE. Ikinukuwento niya ba sa kanyang Akin Pa Rin ang Bukas leading lady na si Lovi Poe ang mga nangyayari sa shooting ng Pedro Calungsod, lalo na iyong muntik na siyang malunod?

Pag-amin ni Rocco, “Opo. Iyon, naparamdam naman niya yung concern niya, kung okay lang daw ako.

“So, nakakatuwa.

“She’s one of the people na I talked to kapag ano… kunwari stressed ako sa mga lines ko in Bisaya, Latin, Spanish. Isa siya sa mga una kong tinatawagan.”

Si Lovi ang una niyang tinatawagan. Ibig sabihin, ang aktres talaga ang pinaka-close na babae sa kanya ngayon?

“Well, siya yung pinaka-close na kaibigan ko ngayon. I’ve been talking to her almost every day, nagkakasama pa kami sa taping.”

Kaibigan lang ba talaga? Hindi ba nila itutuloy sa totoong buhay ang pagmamahalan nina Jerry at Lovelia—ang mga karakter nila sa Akin Pa Rin Ang Bukas?

“Puwede half-half?” sabay tawa ni Rocco.

“Hindi, hindi ko alam. But then, what we have is definitely special.”

Si Lovi ba ang date niya sa premiere night ng Pedro Calungsod?

Sagot niya, “Of course, mag-e-extend ako ng invitation.

“Kung may time siya, kung pasok sa schedule niya.

“But then, nirerespeto ko rin kung may trabaho siya.

“Of course, I’m gonna invite her.”

Kung hindi sila magkakasama sa panonood ng Pedro Calungsod, may pinaplano ba siyang ibang Christmas date para sa kanila ni Lovi?

“Why not? Sana may oras.

“Sana nandito siya kasi baka nasa ibang lugar kasi siya with her family.

“But then, why not? I would be glad to go out with her during the holidays.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May naisip na ba siyang gift para kay Lovi?

“Wala pa nga, e. Meron na siya ng lahat, e.

“Pero, something simple lang siguro. Simple but meaningful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN