Piolo Pascual wants to keep his promise to son Iñigo before settling down

Piolo Pascual on getting married: "You know, there are things that are inevitable, I guess. Lahat naman ‘yan mangyayari, hindi natin kinakailangan na ipilit na yung gusto mo ngayon…"


Wala raw reklamo si Piolo Pascual sa mga kaganapan ngayon sa kanyang buhay.

Sabi niya, “Oo naman, we cannot complain.

“I’m very fulfilled, you know, with all the things... I’m happy with all the blessings that I’m given.

"I can never be thankful enough.

"You know, I’m so humbled by… I’m grateful, of course.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa Star Magic Gives Back benefit concert noong November 23, sa Bonifacio Global City.

Patuloy ng 36-year-old actor, “Matatapos na yung pelikula namin ni Toni, we’re shooting almost every day.

“Next week, I’ll be in U.K. naman for Kapamilyas’ ‘One Kapamilya Go.’

“And yun, a lot of preparations for Christmas.

“So, I’m blessed, I’m thankful.”

Ang tinutukoy ni Piolo na pelikula nila ni Toni Gonzaga ay ang Unlove You under Star Cinema. Kasama rin dito si Iza Calzado.

Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Piolo at Toni pagkatapos nilang magkasama sa isang soda commercial, halos isang dekada na ang nakararaan.



NOT READY TO SETTLE DOWN. Sa ipinapakitang kasipagan ni Piolo sa trabaho, ano kaya ang makakapigil sa kanya sa mga ginagawa niyang ito?

Ito kaya ay ang paglagay na sa tahimik?

Sagot ng Kapamilya matinee idol, “You know, there are things that are inevitable, I guess.

“Lahat naman ‘yan mangyayari, hindi natin kinakailangan na ipilit na yung gusto mo ngayon…

“And I still have a son to attend to… and I promised him to spend time, spend more time with him before he’s eighteen.

“So, you know, gusto kong tuparin yung pangako ko sa kanyang yun.”

Ang tinutukoy ni Piolo ay ang kanyang binatang anak na si Iñigo, na ngayon ay 16 years old na.

May ideal girl ba siyang matatawag?

Tugon ni Piolo, “A, hindi naman… hindi naman pinag-uusapan… hindi ko naman iniisip ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman, you know, whatever it is, sa akin na lang yun.

“Okay naman, steady lang.

"Okay na yun!” sabay pakawala ng malutong na halakhak ng aktor.



SHAINA AND KC. Nakahanap ng tiyempo ang PEP kaya inusisa na rin namin si Piolo sa masasabi niya sa pag-amin ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcion na nakikipag-date ito ngayon sa aktor na si Paulo Avelino.

“Okay!” natatawang sagot ni Piolo.

October 2010 nang maging magkasintahan sina Piolo at KC.

Pero makalipas ang lagpas isang taon ay nagkahiwalay rin ang dalawa.

Kalagitnaan naman ng 2013, umingay ang balitang may namamagitan daw kina Piolo at Shaina Magdayao.

Pero parehong itinanggi ng dalawa na higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila.

Nagkita na ba sina Iñigo at Shaina?

“Oo naman. Oo naman,” sagot ni Piolo.

Sabay biro nitong, “Mainit na, halika na!”

May espesyal bang namamagitan sa kanila ni Shaina?

“Oo, Pasko,” nakangiting biro ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN