Angel Locsin confirms time is one cause of breakup with Phil Younghusband; denies money is another

Angel Locsin explains why it took time for her and Phil Younghusband to issue official statements about their breakup: “Medyo natagalan lang kasi, kahit sa amin, di pa nagsi-sink in yung nangyayari. Tulala pa kami, nag-uusap pa naman kami, pero naunahan kasi ng mga balita.”


Ilang ulit binalak ng media na ma-interview si Angel Locsin tungkol sa breakup nila ng Azkal player na si Phil Younghusband.

Buhat nang kanilang aminin ang breakup, iwas nang magbigay ng dagdag pang pahayag ang aktres.

Nag-post si Angel sa kanyang Twitter account ng opisyal na pahayag tungkol sa breakup nila ni Phil nuong October 25, na naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nuong araw ding yun.

Iba’t ibang kuwento na ang lumalabas na tunay na dahilan daw ng breakup ng dalawa. Mayroong kakulangan daw ng oras sa isa’t isa at mayroong pera naman daw ang pinagmulan.

Sa nakaraang fashion presentation ng isang clothing outfit sa Trinoma Activity Center noong November 27, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Angel.

Dito umpisang inamin ng aktres na nasa proseso siya ng pagmo-move on mula sa paghihiwalay nila ni Phil.

Saad ni Angel, “Wala naman tayong choice but to move on.

“Siguro nga, yung iba mas mabigat pa ang pinagdaraanan nila kumpara sa pinagdaanan natin.

“Wala tayong choice kungdi i-accept, pasa lahat ng mga worries natin sa Diyos at patuloy ang buhay.

“Yes, I’m moving on, patuloy ang buhay—kahit na nasaktan, kahit gumagapang—patuloy ang buhay.”


COPING. Ilang relasyon na rin nagkaroon si Angel na nauwi sa paghihiwalay kaya tinanong namin ang aktres kung paano niya ginagamot ang sarili kapag nasa ganitong sitwasyon.

Sagot niya, “Di ko alam, iba-iba, depende sa sitwasyon.

“Yung last, last relationship ko, di ako nagpakita, matagal akong nawala, di ko kasi kinaya.

Matatandaang nagkarelasyon si Angel sa actor-host na si Luis Manzano, na malao’y nakipag-break din sa huling karelasyon namang si Jennylyn Mercado.

Patuloy ni Angel, “Siguro, habang nagma-mature siguro, mas matured siguro nating naso-solve ang mga problema, naha-handle ang mga problema.

“Iba-iba lang siguro, depende sa napagdaanan din ng tao at depende din sa tao kung paano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LIMITED COMMUNICATION. Paalala pa ng aktres na ang relasyon nila ni Phil na nagsimula sa Twitter ay nagtapos din sa nasabing social media.

Labis-labis naman niyang pinasasalamatan ang mga taong sumuporta at sumubaybay sa kanilang relasyon.

Kuwento ni Angel, “Ano naman kami, nagte-text-text, pero siyempre iwas munang magkita.

“Kasi, paano ka makakapag-move on kung usap kayo nang usap?

“Yes, nag-usap kami, pinag-usapan naman namin yung decision namin.

“Di naman kami magkaaway and siguro utang na rin namin ito sa mga sumuporta sa amin sa Twitter.

“Kasi, doon nga nagsimula ang lahat at nasubaybayan ang relasyon namin.

“Para ano na lang, matigil na rin kung anuman ang mga issues, aminin na once and for all.

“Medyo natagalan lang, kasi kahit sa amin, di pa nagsi-sink in yung nangyayari.

“Tulala pa kami, nag-uusap pa naman kami, pero naunahan kasi ng mga balita."


BREAKUP ISSUES. Hiningan namin ng reaksyon si Angel sa isyung lumabas na pera raw ang isa sa pinag-awayan nila ng ex-boyfriend.

Ang isa pang isyu ay kakulangan daw ng oras sa isa’t isa.

Tinugunan at ipinaliwanag naman ito ng aktres.

Saad niya, “Nabalitaan ko nga ‘yang isyu raw sa pera.

“Wala naman kaming napag-uusapan, kaya nagulat ako na mas updated pa sa akin yung chika.

“Kasi sa amin ni Phil, hindi, wala kaming napag-usapan, never naming napag-usapan.

“Mas updated siya, baka makibalita pa ako kung ano ang nangyayari sa buhay ko.”

Pag-amin naman niya, “Isa yung oras. Akala namin noong una, advantage, pero isa yun.

“Pero siyempre, kung anuman ang totoong nangyari sa amin, mas better kung sa amin na lang.

“Bilang respeto sa pagiging magkarelasyon namin, kasi wala namang away namagitan sa aming dalawa.

“Mabait naman na tao si Phil and he will always be special to me.”


FIRST CRUSH. Nali-link ngayon si Phil kay KC Concepcion, na una raw naging showbiz crush ng Azkal player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Angel, hindi raw siya makakapagsalita tungkol dito, pero kung saka-sakali man na totoo ay doon siya sa makakapagpasaya sa ex-.

Kuwento ni Angel, “Nabalitaan ko nga rin ‘yan.

“Medyo nagulat, pero kagaya nga ng mga tinanong ninyo sa akin kanina, marami ngang mga tsismis-tsismis lang, di ba?

“Bigyan na lang natin ng benefit of the doubt. Ako naman, kung saan magiging masaya si Phil, doon ako.

“Di ko naman talaga alam, di ko kino-confirm o kung ano.

“Bilang ex-, siyempre parang ang bilis, pero di naman sure kung totoo—buhay naman nila yun, labas na ako doon.”


FORMER BOYFRIEND. Halos sabay lumabas ang tungkol sa breakup nila ni Phil at ang paghihiwalay din nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

May ilang tao tuloy ang nagsasabing hindi kaya sa huli ay sina Angel at Luis pala ang magkatuluyan?

Reaksiyon niya, “Naloloka lang din ako kasi sabay kaming nagpasabog ng ano.

“Ako, di ko naman sinasadya, kung maiiwasan ko naman po, iiwasan ko naman makipag-break, pero ewan ko.

“Nirerespeto ko si Luis, mabait na tao siya, so ayoko na rin sigurong dagdagan kung anuman ang mga hinanakit niya ngayon sa buhay.

“Magkaibigan naman kami, di lang kami nag-uusap talaga ni Manzano.”


LESSONS LEARNED. Sa mga breakup na pinagdaanan, aminado ang aktres na quota na siya sa dami ng kanyang mga natutunan.

Masakit man ang mga pinagdadaanan, nandoon pa rin ang pagnanais ni Angel na sana ay makita niya ang tamang tao para sa kanya sa tamang panahon.

“Lessons? Marami, siguro nga, pagkatapos nitong mga relasyon ko, ang tali-talino ko na, ang galing ko na, promise.

“Lahat naman ng breakup masakit, kasi siyempre, nag-exert ka ng time, ng effort, emosyon, pero wala… ganyan talaga.

“Sana lang, mahanap ko na talaga kung sino ba talaga.”

Bilang isa sa pinakamaganda at pinakasikat na aktres sa kasalukuyan ay hindi kataka-taka kung marami ang may balak manligaw sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Angel ay di niya ito prayoridad sa ngayon.

Deklara niya, “Wala pa, wala pa. Very dense kasi ako sa mga ganoon.

“Basta kung darating, darating, di naman ako naghahanap. Di siya priority ko sa ngayon, gusto ko lang magtrabaho.

“Magko-concentrate uli ako sa trabaho at sa pamilya ko, sa relief operations, kaibigan—yun na muna ang priority ko.”


NO RECONCILIATION. Sa isang interview namin noon kay Angel ay nabanggit nito na wala siyang ex- na binabalikan.

Naniniwala siya na kapag tinuldukan niya ang isang relasyon ay nangangahulugang ibinigay na niya ang lahat para mag-work ang relasyon.

Ngayong kahihiwalay lang nila ni Phil, sarado na ba si Angel sa mga magiging posibilidad sa kanila ng ex-?

Sabi naman niya, “Kasi mahirap, dahil baka magkasumbatan, baka may lamat na nga, di ba?

“Pero mahirap magsalita ng tapos talaga.

“Di natin alam kung ano ang nangyayari sa buhay natin with all the trahedyas, prophecies, pero ewan ko.

“Right now, gusto ko munang tumigil, mag-concentrate sa pamilya ko, sa trabaho ko, yun na muna ako.

“Sagad-sagad na ito, e,” nasabi na lang ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN