Maxene Magalona describes non-showbiz boyfriend as her "lucky charm"

Maxene Magalona on her current non-showbiz boyfriend of five months: “He came at such an opportune time na ang daming dumating na blessings sa buhay ko. I feel that he’s my lucky charm and alam mo yun, dumating siya parang perfect timing, e. He’s the only guy I’ve ever talked to about everything. Kasi yung mga past [boyfriends], parang hindi kami click in that aspect. And with Chino, talagang we can talk about everything.”


“The kontrabida with an angelic face.”

Iyan ang ginawang pagpapakilala kay Maxene Magalona sa presscon ng Flawless kahapon, Nobyembre 29, sa Cerchio restaurant sa Scout Limbaga, Quezon City.

Bilang pinakabagong endorser ng nasabing skincare clinic, dumalo si Maxene sa presscon kasama ang ibang endorsers na sina Jasmine Curtis-Smith, Enzo Pineda, Yasmien Kurdi. Nandoon din ang owner ng clinic na si Ruby Sy para ipaalam ang mga activities at promotion kaugnay ng month-long celebration ng kanilang 12th anniversary ngayong Disyembre, na tinawag nilang National Flawless Month.

Pagkatapos ng presscon ay agad tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene kung ano ang reaksyon niya sa ginawang pagpapakilala sa kanya na “the kontrabida with an angelic face.”

Natawa muna si Maxene bago sumagot, “Siyempre nakaka-proud kahit papaano kasi you know, yung pagiging kontrabida ko is only my… that’s just me being an actress.

“But... in real life, I’d like to think naman na mabait talaga ako. Siyempre we all have that kontrabida side. But definitely, I’m not a kontrabida in real life.”

Ang huling teleserye niyang ginawa kung saan gumanap siyang kontrabida ay ang Mga Basang Sisiw ng GMA-7.

Ine-enjoy niya ba talaga ang pagiging kontrabida?

“Masaya siya because it’s different from what I’ve been doing. Definitely it’s something new and nakaka-challenge.

“Nakakapagod but at the same time it’s fulfilling as an actress na nagawa ko na rin yung pagiging kontrabida because ayoko rin naman na forever na lang akong iisang role na lang ang ginagawa,” dagdag pa niya.

Hinahanap-hanap niya rin ba ang pagganap na bida?

“Nakaka-miss, but whatever they give me I would gladly accept if the story is right. If the script is good, then why not?

“I accept every role they give me because you know, I’m an actress. I still need to do my job. Kung yun ang binigay sa akin, yun ang tatanggapin ko,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVELIFE. Samantala, “flawless” din ang paglarawan ni Maxene sa lovelife niya ngayon sa piling ng non-showbiz boyfriend niyang si Chino Copuyoc, isang banker.

“Definitely, I’ve had my, you know, ang dami nang flaws ng lovelife ko. But my feeling now is flawless, yun. I feel so refreshed, I feel so calm, so peaceful, and very, very happy talaga,” masaya niyang saad.

Paano ba sila nagkakilala?

Kuwento ni Maxene, “Through my sister [Saab Magalona]. My sister was the one who introduced us. And it’s the first time my sister paired me with someone and I trust my sister.”

Lucky charm nga kung ituring niya ang kasintahan.

“He came at such an opportune time na ang daming dumating na blessings sa buhay ko. I feel that he’s my lucky charm and alam mo yun, dumating siya parang perfect timing, e.

“I’m at this age na I’m definitely wiser, stronger but he’s more mature than me kahit na he’s three months younger.

“I can attest to that. I’m still a brat sometimes. He’s more mature and that’s what I needed, someone who I can talk to about everything.

“He’s the only guy I’ve ever talked to about everything. Kasi yung mga past parang hindi kami click in that aspect. And with Chino talagang we can talk about everything,” pagmamalaki pa ng 27-year-old actress.

Sa unang pagkikita raw nila ay nag-click na agad sila.

Sabi pa niya, “Well, nakakatawa kasi siya, e. And I like it when someone makes me laugh because to be able to get that kind of humor it’s very important.

“You know pag nage-get n’yo yung joke n’yo sa isa’t isa, medyo makukuha n’yo rin ang loob ng isa’t isa. And that’s what happened to us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOR KEEPS. Natanong ng PEP si Maxene kung seryoso na ba sila ni Chino.

“He’s definitely a keeper. I can say na I don’t want to let him go. Stupid if I let him go, that’s what I can say. Because he’s one-of-a-kind, he’s a gem. And I’m so happy I found him,” pagpapasalamat niya.

Gaano katagal na ang relasyon nila?

“Five months pa lang kami. And I really hope na tatagal pa. I wanna take it one step at a time, one day at a time. Slowly but surely we’ll get there,” panalangin ni Maxene.

Nagkakilala na rin ang mga magulang nila at magkasundo naman ang pamilya ng isa’t isa.

Aniya, “I spend time with his mom, and his sister and his dad. And he spent time with my family and everyone’s okay with each other and no problem talaga. My mom loves him, super.”

"WALA AKONG PAKIALAM." Kung naiintriga man si Maxene, ito ay madalas na tungkol sa kanyang lovelife. Ano ang reaksyon niya kapag may nagsasabing mabilis siyang magpalit ng boyfriend?

Mabilis nitong sagot, “Wala akong pakialam, because it’s my life. I appreciate their concern.

“You know, everyone goes through different kinds of breakups, makeups, you know, you meet new people. But nagkataon lang kasi na artista ako, nakikita n’yo yun.

“But it happens to other people. And what I can say lang is I’m happy and I wish they can find that happiness, as well.

“The reason why I’m this happy now is because I never stop loving. That’s it, I’m proud to say that I never give up, that I always want to love. And ’eto yung nakuha ko.”

Hindi lang daw alam ng iba na may mga pagkakataon na hindi naman siya nagkaroon agad ng karelasyon pagkatapos makipag-break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, may time na five months akong single, may time na three months. Akala lang nila sunud-sunod, but really I’ve had my time na single ako.

“But for me I don’t regret any of my past relationships. I am happy that I met each and every one of them.

“Naging kaibigan ko rin naman iyang mga iyan. It’s really the people na wala lang silang masabi, but they can say what they want to say, but it’s my life and I’m living it the way I want to.

“What I can say lang is I definitely made mistakes but what I take pride in is that I learn.

“That’s the most important thing, na you can [go] from one relationship to [the next] without learning. Kasi, alam mo yun, sige ka lang nang sige pero hindi ka natututo.

“Definitely ako, natututo. Every time I fall, I get up and learn, yun lang,” paliwanag niya.

FIRST CHRISTMAS TOGETHER. Ang parating na Disyembre 25 ang unang Pasko na magkakasama sina Maxene at Chino. Napag-uusapan na ba nila kung ano ang gagawin nila para ipagdiwang ito?

“Oh my gosh, I’m so excited! It’s his favorite holiday and he’s so excited that we will be celebrating it together for the first time.

“We’re a very simple couple lang kasi, e. We’re very quiet lang. We love to travel, that’s what we love doing.

“I don’t know yet what I’m gonna give him because ang dami kong naiisip na puwede kong ibigay. But I want it to be really special and meaningful because that’s how he is to me.

“And he wants everything to be special, too. He wants me to feel special. He makes me feel special,” pangwakas niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN