Andre Paras on hosting stint: “I’m having fun. And learning at the same time.”

Andre Paras on hosting GMA-7’s Sunday All Stars with younger brother Kobe: “Getting used to it pa lang. Pero it’s really fun getting to interview other people and also being with other artistas. I’m trying to be more like…funny. Pero mahirap. Si Kobe kasi, seryoso. So minsan, if I try to make like a comedy thing, he’ll be like… hindi niya magi-gets. Pero we’re gonna work on it pa naman.


Enjoy daw si Andre Paras sa hosting stint niya linggu-linggo sa Sunday All Stars (SAS).

Bagamat unang sabak lang nila ng kapatid niyang si Kobe Paras sa ganitong larangan, nagpapasalamat daw siya na nabigyan sila ng ganitong pagkakataon ng GMA Network.

“Getting used to it pa lang,” panimulang kuwento ni Andre sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Pero it’s really fun getting to interview other people and also being with other artistas.

“I’m trying to be more like… funny. Pero mahirap.

“Si Kobe kasi, seryoso. So minsan, if I try to make like a comedy thing, he’ll be like… hindi niya magi-gets.

“Pero we’re gonna work on it pa naman. But as much as possible, we deliver the lines and let people know what’s next.

“I’m having fun. And learning at the same time.”

Okay daw kay Andre na ang nakababatang kapatid niyang si Kobe ang kanyang kapareha sa pag-host sa SAS.

“Comfortable ako na si Kobe ang kasama ko. Kasi it feels more natural talaga.

“Mas na-e-enjoy ko na kasama ko ang kapatid ko. Close kasi talaga kami,” saad niya.

Ang ama nilang si Benjie Paras ay dating professional basketball player na sumabak sa showbiz bilang komedyante. Ano naman ang reaksiyon nito ngayong nasa showbiz na rin ang mga anak?

Ayon kay Andre, “Actually, he’s happy for us. Na step by step… host muna, before doing something big. Or before having a show.

“Pero kapag may show naman, payag naman siya for sure. Basta may workshop naman.

“Ang advice lang niya sa aming dalawa ni Kobe… ’Just be yourself, continue to learn, and enjoy what you’re doing.’

“Have fun daw. Kasi mga bata pa kami.”

BUBBLE GANG STINT. Bukod sa paghu-host ng magkapatid sa SAS, kasali na rin sila sa gag show na Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw nila inaasahan na kaagad-agad ay mabibigyan sila ng ganitong pagkakataon.

“Sobrang saya! That’s my favorite show also sa GMA. Kaya sobra akong grateful.

“It was fun. Kasi usually alam ko kapag taping, it’s more of antok kapag inaabot kayo ng morning.

“Pero masaya sa set. Tawanan lang po,” dagdag pa niya.

Patuloy pa niya, “I’m enjoying ‘yong taping namin sa Bubble Gang. It’s really fun.

“Pero gusto ko ring i-try mag-portray ng serious roles o maging part ng isang drama series. I’m looking forward to it.

“Since my dad is known in comedy. Para maiba naman.”

Alam kaya ni Andre na maraming babaeng kinikilig sa kaguwapuhan niya?

“I’m not aware. Ang alam ko… kay Kobe!” sabay tawa niya.

Pero may mga nagsasabi na mas guwapo siya kay Kobe.

“Thank you!” nangiting reaksiyon lang ni Andre.

“I’m grateful na may napapasaya kaming fans. And hopefully, sana lagi lang nila kaming suportahan.”

NO SIBLING RIVALRY. Hindi maiwasang mapagkumpara sila ni Kobe. Ano ang reaksyon nila dito?

“Okay lang. There’s nothing wrong with that. Kapatid ko naman ‘yon.”

Hindi kaya kalaunan ay magkaroon sila ng sibling rivalry?

“No!” paniniyak ni Andre.

“I respect him. He respects me.

“Kung meron mang rivalry, siguro it’s just for fun naman. But if ever it happens, we don’t take anything personal naman.”

Dahil sa kasikatan ng magkapatid na basketbolistang sina Jeric at Jeron Teng, hindi maiwasang ikumpara dito sina Andre at Kobe.

“Ah… ibang level sila!” nangiti ulit na sabi ni Andre.

Bakit iba ang level ng Teng brothers para sa kanya?

“Sobrang respect… I have respect for them. Kasi nag-abot sila ng championship.

“And we just admire how they love each other. How they respect each other.

“So gano’n din kami ni Kobe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Andre ay kabilang sa UP Fighting Maroons, ang collegiate basketball team ng University of the Philippines na kinabilangan din ng kanyang ama noong ’90s.

Si Kobe naman, na 16-anyos, ay kasama sa koponan ng La Salle Greenhills para sa junior o high school division ng NCAA (National Collegiate Athletic Association).

Wala bang pangarap si Andre na makapasok din sa PBA?

“We’ll see po. I’m looking forward to it.

“I’m just taking one day at a time,” sabi niya.

CRUSHES. Kapag natatanong kung sino ang kanyang crush na female celebrity, consistent si Andre sa kanyang paghanga kay Solenn Heussaff, kahit may kasintahan na ito.

“Okay lang. Crush ko pa rin siya.

“Kasi I really admire her. The way she acts and the way she works. Kasi you can see na hardworking naman talaga siya,” paghanga niya kay Solenn.

Pero pagdating naman sa crush na gugustuhin niyang ligawan, aminado si Andre na wala pa raw siyang nakikita.

“Kaka-start ko pa lang kasi, e. I mean… wala pa akong masyadong nakikilala.”

Okay lang kaya kay Andre na magkagusto sa isang artista? Karamihan kasi sa mga artista ay umiiwas makipagrelasyon sa kapwa taga-showbiz para raw iwas-intriga.

Pagsang-ayon niya, “Yeah! Tama!

“I think that’s one of the things I should look forward to. Kasi, naaawa ako kapag… I don’t know how to explain it.

“Pero… we’ll see na lang. I’m young pa naman. I’m only eighteen.”

Anong mga katangian ba ang hinahanap niya sa isang babae?

Aniya, “Siguro more of… respect sa parents. And plus points kung ano siya… matangkad.

“Na… siguro mga 5’9” or 5’10” ang height niya.”

TOO YOUNG TO BARE. Kung saka-sakali, papayag kaya si Andre na gumanap sa mga sexy roles o kaya’y makilala dahil sa kanyang sexy image?

“Hindi pa. They know naman I’m young pa so they won’t offer me that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And… I still don’t have a body pa for it!” nangingiting pag-amin ni Andre.

Kung sakaling gumanda na ang hubog ng kanyang katawan, magkakaroon na ba siya ng lakas ng loob para tumanggap ng sexy roles?

“Maybe, no muna. Kasi I’m still young, you know.

“And you know… respect lang sa parents.

“I don’t wanna show it all. I just wanna… nothing daring,” pag-ulit pa niya.

Magagalit kaya ang dad niya?

Mabilis niyang sagot, “Hindi naman. I just wanna show respect lang.

“I don’t wanna show off my body for people.”

Sa ngayon daw, mas maganda na ihanda raw muna niya ang sarili habang naghihintay ng bigger breaks o mas malaking projects.

“I do workshops now. Hinihingi ko po talaga workshops para hindi po ako mabigla,” pahayag ni Andre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN