Kristoffer Martin reveals what he misses most about ex-girlfriend Joyce Ching: “Lahat. Buong siya."

Kristoffer Martin on current status of relationship with ex-girlfriend Joyce Ching: “May communication pa rin naman kami pero hindi na, unlike before, na everyday, every night, every minute of the day magka-text. Ngayon siguro kumustahan na lang, ganyan. Pero happy ako kasi ano e, siguro we need this to grow. Pero hindi naman sinasarado yung pinto, e. Still open pa rin kami sa mga possibilities.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Kristoffer Martin nitong nakaraang Huwebes, November 28, sa Uniwide Mall sa Alabang-Zapote road para sa shooting ng pelikulang Basement ni Direk Topel Lee para sa GMA Films.

Gumaganap si Kristoffer bilang si Macoy sa naturang horror movie.

“Kasama ako sa grupo ng mga drug addict. Ang story kasi per sasakyan, may kanya-kanyang grupo. Parang sa sasakyan na ito may family. Dito sa van na ito may couple, tapos dun kami sa grupo ng mga drug addicts,” panimula niyang pahayag.

At sa kuwento, mapupunta sila sa basement ng isang mall na hindi nila alam ay may isang nakakapangilabot na lihim.

Hindi lang raw siya ang bida sa pelikula, marami raw sila at pantay-pantay raw ang papel nila nina Louise delos Reyes, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Dion Ignacio, Mona Louise Rey, Ellen Adarna at marami pang iba.

Ayon kay Kristoffer, hindi raw siya nakapaghanda para sa kanyang papel bilang isang addict.

Aniya, “May acting coach kami dito, sa kanya ako nagpatulong kasi hindi ako nakapag-ready, e. Na ganun pala dapat.”

“Addict talaga, addict. Kasi binalance ko. Kasi nung panahon na yun, apat kaming drug addicts. Hindi naman puwedeng lahat kami taas-high. So tinira ko siya very minimal lang, kumbaga tumira lang.”

Nahirapan daw siyang pagsabayin ang pag-arte bilang addict at takot na takot.

“Actually na-challenge ako dito kasi parang ang role ko dito duwag, e.

“Duwag, drug addict, laging takbuhin, hindi alam kung ano ang gagawin so parang ang hirap niyang gawin at the same time.

“Kasi hindi ko naman talaga alam yung feeling kung paano gumamit ng drugs, kung paano maging addict,” pag-amin niya.

Hindi naman daw siya matatakutin sa tunay na buhay.

Kakapirma lang ni Kristoffer ng tatlong-taong kontrata sa GMA. Ano ang inaasahan niya tungkol dito?

“Hindi naman ako nag-e-expect, e. Happy lang ako kasi binibigyan nila ako ng mga projects—ng mga soap, plus itong Basement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos happy ako ngayon kasi by next year, January, sana, sana matuloy yung bagong soap. Pero bawal pa sabihin, confidential pa kasi,” dagdag pa niya.

Sa palagay ba ni Kristoffer, pagkatapos i-build up ng GMA si Alden Richards, siya na kaya ang susunod na gagawing important male star ng Kapuso network?

“Siguro sabay-sabay kami nina Derrick, hindi ko alam, hindi ko pa alam,” ang natatawang sagot ni Kristoffer na ang tinutukoy ay ang kapwa niyang tween star na si Derrick Monasterio.

FOLLOWING DINGDONG’S FOOTSTEPS. Sino ba ang gusto niyang sundan ang yapak, si Dingdong Dantes o si Richard Gutierrez?

“Dingdong Dantes,” ang mabilis na sagot ni Kristoffer. “Kasi nakasama ko na si Kuya Dong sa Pahiram Ng Sandali. Naging kuya ko siya dun.”

Si Kristoffer rin ang naging young Dingdong sa Endless Love dati.

“Kasi yung dedication niya sa craft niya, sobrang kita e, sobrang mararamdaman mong gusto niya yung ginagawa niya.

“At the same time, may gusto pa siyang mangyari. Like nag-aaral siya, may mga other commitments siya abroad, ang dami niyang nagagawa.

“Kumbaga gusto niya kasi so siya yung ginagawa kong inspirasyon,” patuloy niyang pagpuri kay Dingdong.

Maganda ang lovelife ni Dingdong sa piling ni Marian Rivera. Kumusta naman kaya ang lovelife ni Kristoffer lalo na’t napabalitang wala na sila ni Joyce Ching?

“Next question,” at tumawa si Kristoffer.

“May communication pa rin naman kami pero hindi na, unlike before, na every day, every night, every minute of the day magka-text.

“Ngayon siguro kumustahan na lang, ganyan. Pero happy ako kasi ano e, siguro we need this to grow. Pero hindi naman sinasarado yung pinto, e.

“Still open pa rin kami sa mga possibilities.”

Wala raw third party sa pagkakalabuan ng relasyon nila ni Joyce, magulo lang daw ang mga bagay-bagay.

Cool-off ba sila o break na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang cool-off e,” at muling natawa si Kristoffer.

Wala raw siyang nililigawang iba.

“Ngayon ang focus ko studies, dun ako nagbabaling ng atensyon.”

BACK TO SCHOOL. Nag-aaral ngayon si Kristoffer ng kursong Entrepreneurship sa San Beda College.

Kuwento niya, “Itong sem lang na ito, kababalik ko lang. Irregular student ako pero T-Th ang pasok ko, twelve units lang yung kinuha ko. Kasi yung M-W-F, iyon naman usually yung target days ng mga tapings, e.”

Kinakarir daw niya na mapagsabay ang pag-aartista at pag-aaral.

“Pag na-miss ko yung class, make-up class, ganyan. Nagmamakaawa pa ako sa kanila kasi mahirap maghabol, e.

“Twelve units na nga lang, ibabagsak ko pa yung isa? For me kasi gusto ko talagang makapagtapos, desidido akong makapagtapos ng pag-aaral.

“First year pa lang ako [nung] nag-stop ako before,” patuloy niya.

Bakit iyon ang kursong napili niya?

“Actually, choice yun ni Daddy. Pero minahal ko na rin yung course nung inaaral ko na siya.

“Kasi it’s all about business... yung Entrepreneurship. It’s about building your own business, your own tactics in terms of business.

“So na-enjoy ko siya kasi tama naman si Daddy, yung pera ko maha-handle ko nang maayos,” saad niya.

Wala pa raw siyang naiisip na negosyong itatayo niya balang-araw.

Sabi ni Kristoffer, “So far hindi pa naman siya pumapasok sa isip ko. Mahirap kasi plano ka nang plano, ganyan-ganyan. Natutunan ko sa Entrepreneurship, failure is a process.”

Marami na raw siyang napagdaanang pagsubok sa buhay.

Pakli niya, “Lahat naman ng tao, napagdadaanan yan.”



MISSING JOYCE. Anong pagkabigo ang nadaanan niya kamakailan? Sa lovelife ba?

Pagklaro ni Kristoffer, “Hindi, ano yun, lesson yun, lesson. I consider it a lesson.”

Ano ang nami-miss niya kay Joyce?

Agad-agad niyang sagot, “Lahat! Buong siya. Mahirap kasing magbigay ng specific kasi lahat sa kanya special.”

So mahal pa niya si Joyce?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang pag-amin, “Oo naman. Hindi naman mawawala yun, hindi naman agad mawawala yun.”

Sa palagay ba niya ay mahal pa siya ni Joyce?

“Ah, yun ang hindi ko alam. Kasi alam ko sa amin iyon yung iniwasan naming maramdaman ng isa’t isa kasi mahirap nang umasa.

“Kumbaga kung ano yung nararamdaman namin, sa amin na lang [yun]. Sinarili. Iyon yung feeling kong set-up namin, e.

“Kasi parang baka mamaya kumapit, umasa... iyon yung parang iniiwasan namin.

“Kasi for now ang focus namin is: Siya, yung career niya; ako, career at saka yung studies ko,” detalye pa niya.

Okay lang raw sa kanya kapag nalaman niyang may ibang nanliligaw kay Joyce.

Hindi siya masasaktan?

Pag-amin niya, “Siyempre andun yung factor na masasaktan ka pero anong magagawa mo, you have no right na, e. Kumbaga, if that will make her happy then I’m happy with it.”

Ano ang mas mahalaga sa kanya, ang maging sikat na sikat na artista o ang manalo ng acting award?

“Manalo ng acting award. Kasi for me yung kasikatan [ay] because of the looks, ganyan-ganyan. Ako kasi, ang pinasok ko yung acting, e.

“Kasi passion ko ito e, minahal ko na itong acting. For me pag nakuha ko yun, yung mga awards na yun, malaking achievement yun sa akin kasi iyon naman talaga ang ipinunta ko rito.

“For me, kasi it’s not the fame. It’s about the craft at yung mark na gagawin mo sa industry,” diin niya.

Dahil ang Basement ay tungkol sa mga taong nakulong sa isang basement, tinanong namin si Kristoffer, halimbawang mangyayari iyon sa kanya sa tunay na buhay, sino ang gusto niyang makasama, bukod sa miyembro ng kanyang pamilya?

“Si Joyce, si Joyce, si Joyce. Kasi matatakutin yun, sobra, e. Dun lumalabas yung tapang ko, e.

“Lumalabas yung tapang ko pag nandiyan siya kasi parang pag natatakot siya, ako yung nandiyan para sa kanya,” pangwakas niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nararamdaman ko na guarded ko siya, na parang, ‘I won’t let anything happen to you!’”

Kung may aswang o halimaw sa basement, isasakripisyo ba niya ang sarili para kay Joyce? Siya na lang ang magpapakain sa halimaw?

“Bakit naman ako magpapakain, puwede ko namang patayin yung creature for her para at the end of the day, magkasama pa rin kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN