Bea Alonzo dispels rumors of cooling off with Zanjoe Marudo: “Ewan ko ba, mukha ba akong nakikipag-cool off? Hindi! ”

Bea Alonzo on cool-off rumors: “Ewan ko ba, ba’t gusto niyo kami mag-cool off? Hindi ko alam. Ewan ko ba. Bakit gusto ng mga taong naghihiwalay ang mga tao? Ewan ko, hindi ko rin alam kung bakit nai-issue, wala nga kaming ganun, sana nga meron e, para magka-spice.”


Magtatatlong taon na ang relasyon nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Marami ang nagsasabing lalong tumitibay ang samahan ng dalawa dahil walang napapabalitang away o selosan sa pagitan nila.

Pero kamakailan, may lumutang na balitang nag-cool off daw ang showbiz couple.

Hindi naman ito ikinagulat ng Kapamilya actress. Nakangiti niyang tugon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media:

“Ewan ko ba, mukha ba akong nakikipag-cool off? Hindi! Ewan ko ba, ba’t gusto niyo kami mag-cool off? Hindi ko alam.”

Dagdag pa niyang natatawa, “Ewan ko ba. Bakit gusto ng mga taong naghihiwalay ang mga tao? Ewan ko, hindi ko rin alam kung bakit nai-issue, wala nga kaming ganun, sana nga meron e, para magka-spice.”

Nakausap ng PEP si Bea sa nakaraang back-to-back event na SunPiology Sunset Color Run at “Star Magic Gives Back” concert noong nakaraang Sabado, November 23, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Dagdag pa ni Bea, kahit daw pagtatalo ay wala silang ganung naranasan ni Z, ang tawag niya kay Zanjoe.

Ito raw ang sikreto ng kanilang tumitibay na relasyon.

Patotoo pa ng 26-year-old actress, “It doesn’t… it doesn’t affect us anymore. Wala, wala ngang selo-selosan e, nakakatawa.”

NOT READY TO SETTLE DOWN. Kahit daw walang nagiging aberya sa kanilang relasyon, hindi pa rin daw sila handang lumagay sa tahimik.

Napag-uusapan na ba nila ang pag-aasawa?

Tugon ng actress, “Joke. Parang lumalabas lang na… ‘Siguro pag magkaanak tayo ganito hitsura, sana ganito yung makuha sa akin.’ Ganun. Puro mga joke lang.”

Pero handa na ba siya sakaling mag-propose ang dating Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Zanjoe, na 31 years old na ngayon?

Medyo alanganing tugon ni Bea, “Huwag naman. Huwag muna. Hindi pa, ’tsaka hindi rin niya gagawin yun. Alam niya na pareho kaming hindi ready.”

Hindi pa raw sila handa ngayon. Kailan ba nila balak lumagay sa tahimik?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sana mga five years from now.”

Five years from now, o sa taong 2018, 31 years old na si Bea at si Zanjoe naman ay 36 years old.

May mga panaginip ba siya o mga gusto pang gawin bago siya mag-asawa?

Kuwento ni Bea, “Hindi pa. Alam mo, lagi ko sinasabi ‘to, hindi ko na mababalikan ‘to, e. I’d rather na ma-meet ko lahat ng ano…

“Ma-explore ko lahat ng dapat… na dapat kong ma-explore, bago ako mag-asawa, kasi ang pag-aasawa naman, pakiramdam ko naman, madali naman ‘yan.

“Once you’re there, ‘di mo na mababalikan kung anong meron ka ngayon. ’Tsaka, 26 pa lang naman ako.”

GROWING, LEARNING TOGETHER. Aminado si Bea na mas naging mature at outgoing siya simula nang maging magkasintahan sila ni Zanjoe nuong March 16, 2011.

Taong 2010 nang magkakilala ang dalawa sa pelikulang Sa ‘Yo Lamang, kung saan parehong galing sa painful breakup ang dalawa—si Bea kay Gerald Anderson, at si Zanjoe naman kay Mariel Rodriguez.

Simula noong umamin sila, marami na raw silang napagdaanang nagpapatibay lalo ng kanilang pagmamahalan.

Katunayan, kailan lang ay nagbakasyon ang dalawa sa Hongkong at dito raw ay marami silang nadiskubre sa isa’t isa.

Lahad pa nito, “Yup, recently. Wala naman kaming ano… I think we’re growing together.

“Halimbawa, nung nagpupunta kami sa Hongkong, nung mga past years, nung nagpunta kami dun, shopping talaga ako na parang mauubusan, ganyan.

“Itong nakaraan, chill lang kami, parang alam mo yung we’re growing together, parang we’re learning things together, parang ganun. Nagiging praktikal na kami sa buhay, parang ganyan.”

Sa ngayon ay nasasabi na raw niya ang mga gusto niyang sabihin na walang pag-aalinlangan.

Aniya, “Mas meron ako… e, di siguro kasi, yung mga kaibigan niya rin nagiging kaibigan ko na, ganun. Yun siguro yung, yung nabago niya sa akin.

"Parang mas ano na ako, parang I can speak my mind openly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kagaya noon na parang, ‘Baka i-judge nila ako, hindi ko sasabihin yung nararamdaman ko, hindi ko sasabihin, kung ano lang yung tama, yun lang ang sasabihin ko.’ Yung ganyan.

“Parang right now, kahit na ano yung sabihin ng ibang tao, mas parang I care less about what other people think about me.”

STAYING TOGETHER? At dahil nga matagal na rin naman ang kanilang relasyon, magkasama na ba sila sa iisang bahay?

Pagtanggi ni Bea, “No, he has his own [place].”

Sa ngayon, si Zanjoe na ang “the one” para kay Bea?

Seryosong sagot nito, “I hope so, yeah, I hope so. ’Tsaka di ba lahat naman ng nakakarelasyon natin… di ka naman siguro papasok sa isang relasyon na hindi mo iisipin na sana siya na. Parang nagwi-waste ka lang ng time.”

Hindi rin nito ikinakaila na nag-iisip na rin siya ng kanyang dream wedding.

Kuwento pa niya, “Lahat naman yata, dyusko parang 10 years old pa lang ako, naiisip ko na yung dream wedding ko, di ba? And laging nag-iiba, laging nag-iiba yung naiisip ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN