Arjo Atayde on bagging his recent Star Awards Best Supporting Actor honor: “Hindi lang ’to basta trip. I love acting, period.”

Arjo Atayde on getting recognition for his acting: “Ever since ang gusto ko talaga... ever since I started here, gusto ko na talaga ’to. There were times na ayaw nila, pero I really fought for this. I just wanted them to be proud of me and, yun nga, nanalo ako. Hopefully, proud din siya [ama niya] sa na-receive ko. I guess, yung dalawang awards ko, they would speak [about my] passion sa acting.”


Lutang pa rin sa hangin ang pakiramdam ng baguhang aktor na si Arjo Atayde tatlong araw matapos niyang tanggapin ang kanyang acting award.

Hinirang si Arjo bilang Best Drama Supporting Actor sa 27th Star Awards for Television na ginanap noong November 24 sa AFP Theater, Quezon City.

Eksklusibong nakapanayam si Arjo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, November 27, sa tahanan nila sa Quezon City.

Ito ang pangalawang acting trophy niya mula sa Star Awards, na taunang idinaraos ng Philippine Movie Press Club (PMPC), pagkatapos ng halos dalawang taon lang niya sa showbiz.

Nakuha niya ang award dahil sa magaling niyang pagganap sa ABS-CBN teleserye na Dugong Buhay.

Nag-tie sila rito ni Arron Villaflor, na nagwagi naman para sa nagtapos na ring seryeng Juan de la Cruz, sa pareho ring istasyon.

Noong 2012 ay tinanggap ni Arjo ang unang acting award niya mula sa parehong award-giving body, bilang Best New TV Personality, para sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na “Bangka.”

I FOUGHT FOR THIS.” Bungad ng award-winning actor na halatang excited pa rin, “Kahapon [Nov 26] pa lang nagsink-in sa akin... two days [matapos] ng awards night.

“Yung feeling na hindi ko expected yun... yung feeling na hindi ko alam na ako ang mananalo.

“Yung sa acceptance speech ko, ang dami pa ngang hindi ko nabanggit na pangalan.

“I wasn’t ready... yung speech ko, napaka-natural nun. I felt it, e. I dedicated it to the most important people in my life, kaya siguro sabi nila, marami ang naluha.

“When I [went] up the stage, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, basta kung ano lang ang lumabas. That was it, e.”

Para sa isang baguhan sa larangan ng pag-arte, mas lalo pa raw niyang na-appreciate ang kahalagahan ng isang acting award.

Masasabing ito ay isang katibayan na hindi nabigo si Arjo sa desisyon niyang sumabak sa larangan ng showbiz, sa kabila ng kagustuhan ng kanyang amang tumutok siya at mag-pursige sa negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama niya ay si Arthur "Art" Atayde, isang malaking businessman.

Kuwento ng 23-year-old actor, “Ah, yeah. Before kasi, gusto talaga nila [magulang] yung work na, yung sa business, at saka sa school.

“Pero, ever since ang gusto ko talaga... ever since I started here, gusto ko na talaga ’to.

“There were times na ayaw nila, pero I really fought for this.

“I just wanted them to be proud of me and, yun nga, nanalo ako. Hopefully ay proud din siya [ama niya] sa na-receive ko.

“I guess, yung dalawang awards ko, they would speak [about my] passion sa acting.

“Ever since, it’s my dream to receive this award. Kahit sino naman sigurong artista, new ka man o hindi, dream namin itong lahat.”

Sino naman ang inspirasyon niya sa patuloy niyang paggaling sa larangan ng pag-arte?

Saad niya, “Other than my mom, wala talaga, e."

Ang ina ni Arjo ay ang beterana at respetadong character actress na si Sylvia Sanchez, na kilalang-kilala ngayon bilang si Nanay Teresita sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Arjo, “I guess it’s more of yung love ko sa craft.

“Parang gusto ko talagang mangyari sa sarili ko, habang ako ay nasa industry na ito, gusto kong maging isang respetadong aktor.

“That’s why I’m learning and learning and learning kasi before parang ano ako... It was a struggle for me dahil hindi ako open-minded until my mom talked to me, at dun naging broad ang tingin ko sa industry.

“This is one thing I really love, hindi lang ’to basta trip. I love acting, period.”

HE DREAMS OF ACTING WITH MOM. Si Arjo ang panganay na anak nina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Ayon kay Arjo, “I just wanna improve some more.

“Now it’s up to ABS-CBN kung ano ang projects na ibibigay nila sa akin to showcase my acting ability. Pero, they’re doing it naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just want to prove na I deserve the two awards they [PMPC] gave me.”

Sa palagay ba niya ay taon na niya ang 2013?

“Yeah,” masayang saad niya. "This is my year ’cause they gave me the break, which is ang Dugong Buhay.

“Every show naman is a break. You could consider Dugong Buhay as my launching project.

"Pero, in every show, there’s something you have to prove naman, e. You have to show a different type of character in acting para makita nila yung versatility mo.”

Kaya nga raw pangarap niyang makasama ang kanyang ina sa isang drama show.

“Gustung-gusto ko talagang makatrabaho ang mom ko,” mariing sabi niya. “Isang MMK... isang solid na MMK.

“Hindi ko alam kung maiilang ako sa kanya. It’s character-to-character naman. Let’s see how it goes.

“Si Mom naman kasi, turo lang siya nang turo. Things to do, what not to do.

“She says if my acting is good or may kulang.”

JOHN LLOYD. Ang makagawa ng pelikula at makasama ang ilang magagaling na artista ang hinahangad niya sa ngayon.

“Movie, yes,” sabi pa ni Arjo. “Sana makagawa na rin ako ng movies.

“Masarap ding makatrabaho yung magagaling na aktor.

“Sila kasi yung hihila sa iyo to be better, di ba?”

Tulad nga raw nila Piolo Pascual, Gerard Anderson, at ang idolo niyang si John Lloyd Cruz.

“Sila na talaga yung magagaling,” pagsisiguro niya.

“Sila yung idolo ko, lalung-lalo na si John Lloyd.

“It is my dream to be where they are now, kaya nga, sobra kong tinatrabaho and I’m serious with my craft.

“Sa akin, Lloydie [palayaw ni John Lloyd] is the best actor of this generation. Ibang klase siyang aktor. Sabi nga, tagos siya kung umarte.

“There are lots of good actors pero John Lloyd has this magic that everyone wants to try.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVELIFE. Tungkol naman sa kanyang lovelife ang aming napag-usapan.

“Wala pa,” nangingiting sabi niya.

Pero crush niya raw si Alex Gonzaga.

“Well, it’s because her sense of humor is kakaiba talaga.

“Actually, it’s not about having a crush [on her], it’s more of... I admire her. I admire her the way she is.

“Magkakatrabaho kami, pero, right now, it’s work, e. When it’s work, it’s work. Wala pa naman akong iniisip na iba,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN