Bea Alonzo bridges gap between friends Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz: “Oo, kasi pare-pareho ko silang kaibigan.”

Bea Alonzo on bridging the gap between her friends Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz during her birthday party last October: “Oo, kasi pare-pareho ko silang kaibigan, kaya lahat sila naiimbita. ’Tsaka it’s not the first time na naimbitahan sila sa party. In fact, nung birthday ni Zanjoe, andun sila pare-pareho. So yun, pare-pareho ko silang kaibigan. So, ayokong mag-single out na ayoko ’tong i-invite kasi andun si ganito. Parang it’s up to the


Ayaw ni Bea Alonzo magkuwento kung paano siya tumulong sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda dahil ayaw daw niyang may masabi ang mga tao tungkol dito.

Kuwento niya, “Mahirap kasi, to brag about it. I’d rather help quietly.

“Alam mo yun, na parang I’m sure naman lahat, alam mo yun, lahat tayo in our own little way, may nagagawa. So para sa ’kin… sa opinion ko, ako sa pagkatao ko, I’d rather not brag.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling media ang 26-year-old Kapamilya actress sa nakaraang back-to-back event na SunPiology Sunset Color Run at “Star Magic Gives Back” concert noong nakaraang Sabado, November 23, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Layunin ng naturang fun run at concert ang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nagdulot ng labis na pinsala sa Visayas region noong November 8.

NEW PROJECT FOR 2014. Nitong nakaraang taon, sunud-sunod ang mga naging blockbuster films kung saan kasama si Bea.

Nauna rito ang Four Sisters and A Wedding, na umabot sa lagpas 150 milyong piso ang kinita sa takilya. Ipinalabas ito noong June 26, 2013, kung saan nakasama ni Bea sa pelikula sina Angel Locsin, Enchong Dee, Shaina Magdayao at Toni Gonzaga.

Noong October 16 naman ipinalabas ang She’s The One, kung saan kasama ni Bea sina Dingdong Dantes at Enrique Gil. Matapos ang dalawang linggo nito sa mga sinehan, lumagpas rin sa 100 milyong piso ang kinita nito.

Ano pa kaya ang mga sunod niyang proyekto?

Tugon ni Bea, “Meron sa January, soap opera, pero hindi pa… niluluto pa lang siya ngayon. Actually, hindi pa namin masyadong napagtuunan ng pansin because of what happened [Yolanda].

“But nagkaroon na kami ng isang meeting before Yolanda, so ‘yun. January ’ata kami magru-roll.”

Excited daw siya na naturang proyekto. Hindi pa raw niya alam ang mga final na makakasama niya pero may mga ikinunsidera na rito. Hindi nga lang siya sigurado kung mag-aayon ang schedule ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya tungkol sa proyekto, “Isa siyang soap na na-excite ako because… parang ang tagal ko na ring hindi nakakagawa ng ganitong ano… ganitong panlasa. Ano ba tawag nun? Ganitong feel ng soap. Yung last ko was Maging Sino Ka Man, parang ganung feel.”

Ang Maging Sino Ka Man ay isang teleserye na umere sa ABS-CBN noong October 2006, kung saan nakatambal niya si John Lloyd Cruz.

Mas magaan ba ang tema nito?

Saad niya, “Hindi e, hindi siya lighter e, para siyang ano e, soap opera… Yung na-miss natin na ganung klaseng soap…sina Amor Powers, yun ganun, ganun.”

Ang karakter na Amor Powers ay sumikat noong taong 2000, mula sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Ginampanan ni Eula Valdez ang role na Amor Powers sa soap opera, na umabot ng halos dalawang taon sa ere at nagkaroon na ng iba’t ibang television run sa ibang bansa.

BEING SELECTIVE? Sa susunod na taon na raw ulit gagawa ng pelikula si Bea. Dahil puro mainstream films ang ginagawa niya, ikinunsidera kaya niya ang paggawa ng indie film?

Tugon nito, “Merong mga nag-aalok, meron din akong mga kinu-consider, pero magtatanong muna ako sa ABS kung puwede na, e.”

Sa ngayon daw kasi, mas kampante siya sa namamahala ng career niya pagdating sa pelikula. So, namimili din ba siya ng mga proyektong tatanggapin?

Kuwento ni Bea, “Parati naman tayong ganun, pero parang naniniwala din… Sobra kasi akong nagtitiwala sa Star Cinema, kasi sila ang nakakalalam talaga ng bagay sa akin.

“Minsan may mga pagkakataon na naisip ko na hindi bagay sa akin yung project, tapos gagawin ko pa rin because of them.

"Tapos, it turned out na tama pala yung ginawa ko. So ngayon mas nadagdagan yung tiwala ko sa kanila.”

Mas nagiging maganda raw ngayon ang aura niya dahil natuto na siyaNG magpahalaga sa mga grasyang dumating sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Bea, “Oo, saka alam mo, parang every day of my life now, parang I have learned to count my blessings dahil sa mga nangyari sa iba.

“Kumbaga, parang minsan nga sabi ko, ba’t parang napakasuwerte kong tao para everything in my life right now, parang sobrang okay, alam mo yun?

“Tapos mapapanuod mo sa TV may mga taong alam mo hindi okay yung buhay nila, nawalan sila ng mahal sa buhay, so yung ganun.

“Siguro, kaya ganito yung pakiramdam ko ngayon, ganito yung aura ko ngayon, it’s because… it’s because I have learned to count my blessings.”

BRIDGING THE GAP. Habang wala raw siyang ginagawa sa ngayon, mas maganda raw ang naging bonding ni Bea sa kanyang mga kaibigan.

Aniya, “Paminsan, minsan, mas busy sila sa akin, e. Ako ngayon, si text ‘O, anong ganap niyo?’ Sila kasi yung busy.”

Nuong October, sa birthday niya, ay nagkabati na raw sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

Parehong naimbitahan ni Bea sina John Lloyd kasama ang girlfriend nitong si Angelica Panganiban, at si Shaina na kasama naman ang nababalitang boyfriend nitong si Piolo Pascual.

Noong April 2012 naghiwalay sina Shaina at John Lloyd, at marami ang nagsasabing hindi maganda ang kanilang breakup.

Siya ba ang nagsisilbing tulay sa mga pagkakaibigang nasira?

Patotoo ni Bea, “Oo, kasi pare-pareho ko silang kaibigan, kaya lahat sila naiimbita. ’Tsaka it’s not the first time na naimbitahan sila sa party. In fact, nung birthday ni Zanjoe, andun sila pare-pareho.

“So yun, pare-pareho ko silang kaibigan. So ayokong mag-single out na ayoko ’tong i-invite kasi andun si ganito.

"Parang it’s up to them to go and attend. Parang they’re nice enough and they love me enough, na para pumunta sila dun, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN