Louise delos Reyes on rekindled romance with Enzo Pineda: “Siguro, ano lang, mas naging mature yung tingin namin sa pagmamahal.”

Louise delos Reyes (left) on having a more mature relationship with boyfriend Enzo Pineda (right): “Siyempre inspired din ako na mag-weekends, kasi parang mas malaki yung time na magkasama kami, since meron kaming mga technical rehearsals. So, parang nagiging isa na lang yung minsan yung work and yung personal and yung friends namin. So nakaka-inspire in a way na ibang-iba na siya kumpara noon. Ngayon nakakasama na niya ako, kasama ng mga kaibigan niya, so parang nagiging isa


Pangatlong horror movie na ni Louise delos Reyes ang Basement ng GMA Films.

Una rito ay ginawa na niya ang Shake, Rattle & Roll 13 at ang The Road.

“Pero kakaiba siya, kasi although sa Shake, Rattle & Roll merong aswang, dito kasi [Basement] may interaction talaga kami ng aswang.

"Tapos, ano siya, suspense talaga, kasi kahit ako, nung pinapanood ko yung preview, nagugulat ako.

"Kasi parang, ‘O, andiyan na pala yan!’” kuwento ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa shooting ng Basement, nitong Huwebes, November 28, sa Uniwide Mall sa Alabang.

Matatakutin pala si Louise.

Pag-amin niya, “Medyo. Takot ako sa mga bagay na hindi ko pa nakikita, like kunyari mga multo.”

SCARY ENCOUNTER. Hindi pa siya nakakita ng multo?

Kuwento ng dalaga, “Hindi ko alam kung guni-guni ko ba yun, pero nakakita na ako once, at kinilabutan talaga ako nun.

“Sa San Jose del Monte [Bulacan], may isang matandang bahay dun na pinag-taping-an namin. Tapos ano yun e, parang nag-ano siya, yung nanggagaya siya ng tao.

“Dun ako natakot kasi nakita ko talaga umakyat yung CMB [set lighting staff] sa taas, tapos nung nakita ko yun, sabi ko, ’O sige, okay.’

“Tapos biglang sabi nila ’Bantayan ninyo yung ilaw sa itaas kasi walang nagbabantay.’ Sabi ko, ‘Seryoso kayo walang nagbabantay diyan? May umakyat po diyan nakaputi!’

“Sabi, ‘Wala!’

“Simula nun nagpapabantay na ako, to enter, kasi ako sa isang eksena, sabi ko, ‘Bantayan ninyo po ako!’”

Napuri naman si Louise ng direktor ng Basement na si Topel Lee.

Mahusay raw na artista si Louise, na kapag mga eksenang nakakatakot ay very convincing ito, at kahit daw maraming eksenang nakakapagod, tulad ng takbuhan, ay walang reklamo ang young actress.

“Nakakatuwa naman. Thank you!" reaksyon ni Louise sa sinabi ng mahusay na direktor.

“Hindi, kasi ano, ini-imagine ko lang, parang nilalagay ko talaga yung sarili ko sa situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, since matatakutin ako, maisip ko pa lang siya, parang mapapraning ako. So pinapraning ko yung sarili ko dun sa mga scenes na ginagawa ko.”

Kasama rin sa Basement sina Sarah Lahbati, Kristoffer Martin, Dion Ignacio, Mona Louise Rey, Ellen Adarna, at Enzo Pineda.

WORKING WITH ENZO. Tinanong namin si Louise kung masarap bang kasama sa trabaho ang kasintahan niyang si Enzo? Mas nai-inspire ba siyang magtrabaho?

Natawa muna sa Louise bago sumagot.

“Hindi nga kami masyadong nagkasama dito, e. Meron akong scene kasama siya, pero isa lang yun, patay pa siya,” at natawa muli si Louise.

“Dumaan lang siya.”

Hindi pa sila nagkakasama ni Enzo sa isang proyekto na pelikula o soap opera.

Kumusta ang pakiramdam na katrabaho niya ang mahal niya?

“Medyo weird,” sabay tawa muli ni Louise.

“Hindi, kasi parang sanay ka na makita siya na siya. Hindi mo siya nakikita bilang artista na, ‘Eto ako sa taping.’

“Alam mo yun? Iba kasi ang ugali ng mga tao kapag nakikita mo na sa taping, e. May kanya-kanyang routines, kumbaga, so iyon nakikita ko lang, yung isang shoot lang kami nagkasabay, e.

“Ay, twice pala. Yung first, hindi kami magkasama sa eksena, mas nauna akong natapos sa kanya. Tapos yung pangalawa, isang eksena niya, patay pa siya,” at muling natawa si Louise.

“So, parang ako, ‘Okay wala tayong interaction kahit ano, wala.’”

Mas nakaka-inspire ba na kasama ang mahal sa trabaho?

Estima niya, “Sakto lang din kasi, ako kapag nasa work ako, work.”

Maayos at maligaya pareho sina Louise at Enzo sa takbo ng relasyon nila ngayon.

Matapos nilang maghiwalay pansamantala nitong kalagitnaan ng taon, nanumbalik ang maganda nilang pagsasamahan, na nauwi sa pagiging magkasintahan nilang muli.

“Siyempre, inspired din ako na mag-weekends, kasi parang mas malaki yung time na magkasama kami since meron kaming mga technical rehearsals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang nagiging isa na lang yung minsan yung work and yung personal and yung friends namin, so nakaka-inspire in a way na ibang-iba na siya kumpara noon.

“Ngayon, nakakasama na niya ako kasama ng mga kaibigan niya, so parang nagiging isa na lang yung mundo, tapos kahit sa gym magkasama rin kami.

“Parang ini-inspire niya ako in a way na nagiging masipag ako sa mga priorities ko, like siyempre kailangan ko ring maging healthy.

“Hindi puwedeng puro fastfood yung kinakain ko, kailangan ko ring mag-diet, yung mga ganun,” detalye pa niyang kuwento.



BETTER THE SECOND TIME AROUND? Masasabi ba ni Louise na mas mahal na nila ang isa’t isa ngayon?

Pag-aanalisa niya, “Siguro, ano lang, mas naging mature yung tingin namin sa pagmamahal.”

May plano na ba sila ni Enzo sa darating na Pasko?

“Wala pa, wala pa. Meron pa lang kaming mga napaplano, kaya lang kasama yung mga kaibigan namin.

"Parang gusto naming magkaroon ng Christmas party kasi nagkaroon kami recently ng Halloween party, mga ganun.

“Pero yung mismong Christmas day, siyempre, kailangan nasa pami-pamilya din kami,” saad ni Louise.

Hindi pa rin daw alam ni Louise kung ano ang ireregalo niya kay Enzo sa Pasko. Mahirap bang regaluhan ang mayaman?

Mariwasa kasi ang buhay ni Enzo.

“Medyo,” at tumawa si Louise.

“Kasi puwede niyang bilhin sa sarili niya yan, e.

“Kasi mahirap siyang regaluhan, kasi gusto ko masaya siya at gusto ko magagamit niya, ayoko yung basta magreregalo lang ako,” banggit pa niya.

PROUD OF HUNKY BF. Sa isang panayam ng PEP kay Kylie Padilla, nabanggit nito na kapag rumarampa nang nakahubad si Aljur Abrenica, tulad sa Cosmo Bash, ay pumapalakpak ito at very supportive sa boyfriend.

Si Louise ba, paano siya kapag nakikita niya ang mga sexy pictorials ni Enzo?

Lalo pa nga at walang pakundangan si Enzo kung mag-pose na nakasuot lang ng skimpy trunks at underwear.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Proud din ako sa kanya, proud ako kasi yung pagka-proud ko, parang hindi yung, ‘A, ang macho-macho niya!’

“Ako, yung pagka-proud ko sa kanya kasi name-maintain niya yung figure niya. Tapos parang naa-achieve niya yung gusto niyang mangyari sa katawan niya, yung mga diet niya worth it lahat.

“So iyon yung pagka-proud ko sa kanya, na yung lakas ng kain ko, yun naman yung konti ng kain niya.

"Na-deprive niya talaga yung sarili niya sa ganun, so iyon yung pagka-proud ko sa kanya.

“At saka, yung pictorial na yun malaking company yun, e. Kahit ako, parang ako minsan dream ko na magkaroon ng billboard under that name,” sabi pa niya.

Willing bang mag-two-piece si Louise?

Sagot niya, “Siguro in due time.”

Never pang naalok ng FHM si Louise. Papayag ba siya kung sakali?

“Ayokong magsalita ng tapos pero ngayon, ayoko.

“Parang hindi pa kasi tama sa edad, parang yung market, parang iniisip ko din yung market ko, parang hindi pa sa ganung level.

“So iniisip ko, parang, hanggang kaya ko pa na maging ganito yung character ko, ganito na lang muna, ’tsaka ko na lang iisipin yung mga ganun.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN