Freddie Aguilar professes his love for teenage wife: "I would love to have her ’til my last breath."

Freddie Aguilar on his teenage wife, whom he recently married in Muslim rites: “I’m already old, I’m 60, so I’m hoping that I can keep her ’til I die. Like I said, only God can control tomorrow, but if you ask me personally, I would love to have her ’til my last breath.”


Sa kanyang kauna-unahang sit-down interview pagkatapos ng kontrobersiyal niyang pagpapakasal sa isang menor de edad, nagkuwento si Freddie Aguilar tungkol sa kanyang kontrobersiyal na buhay pag-ibig.

Ito ay nang nag-guest siya sa programang Cocktales ng AksyonTV5, na umere kahapon, November 30.

Ikinasal si Freddie at ang 16-anyos niyang kasintahan noong November 22, Biyernes, sa isang Muslim wedding ceremony sa Buluan, Maguindanao.

Ilang araw bago nito ay nagpa-convert sa relihiyong Muslim ang legendary singer.

Si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang naging solemnity officer, sa bisa ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines.

Read: Freddie Aguilar after marrying 16-year-old girlfriend under Muslim rites: "Sana tumigil na ang detractors namin."

ONE-WOMAN MAN. Pero malayo pa sa happy ending ang pagsasama ng dalawa dahil sa mga isyung kinakaharap ni Freddie ngayon, kaugnay ng pagpapakasal niya sa isang menor de edad.

Sinampahan ng isang Atty. Fernando Perito si Freddie ng kasong Qualified Seduction sa Quezon City Prosecutor’s Office noong October 24.

Noong November 22 ay naghain uli ng motion si Atty. Perito at dalawa pang kasama nito—sina Peter Sesbreño at Christine Joy Bangalisan—upang i-amend ang Qualified Seduction complaint na isinampa nila.

Inamenda nila ang complaint sa mas mataas na paglabag sa Republic Act 7610, o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Read: Qualified seduction complaint against Freddie Aguilar amended to higher complaint of child abuse; Freddie still a no-show at second hearing

FREDDIE’S MARITAL RECORD. Bago ang pagpapakasal sa isang menor de edad ni Ka Freddie—tawag ng paggalang sa singer sa kanyang industriya—tatlong beses nang ikinasal si Freddie.

Si Josephine Quiepo ang una niyang pinakasalan noong 1973. May anim silang anak, kabilang ang mahusay na singer na si Megan Aguilar. Nauwi ang relasyon sa hiwalayan.

Ang pangalawang asawa niya ay si Antonette Martinez. Nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw ni Freddie, hindi siya babaero.

"When I was thrown away by my first wife, and she found out I’m in love with the second wife, the first wife said, ’Okay, I will accept your number two. We will just share you. Maybe you will come three times a week.’

"I said, ’No, I will not. I am in love with her now and our story’s finished.’"

Ganito rin daw ang nangyari nang muling tumibok ang puso ni Ka Freddie sa ikatlong pagkakataon.

"When Number Two and I have broken up, and I fell in love with another girl, and here comes the second wife. Again [she] said, ’Oh, I will accept the third wife...’"

Ang punto ng singing legend, hindi niya pinagsabay-sabay ang kanyang mga nakarelasyon.

Ani Freddie, "Contrary to the legend that Freddie Aguilar is a womanizer—no, I am not a womanizer.

Sabay kabig niya, "But I do have some dates.

"I call it dates because I’m human.

"May kasabihan tayong mga Pilipino na kapag ang palay ay lumapit sa manok, tinutuka ng manok yung palay."

FOURTH IS FOR KEEPS? Naitanong kay Freddie kung ano ang plano niya ngayong nakatutok sa kanya ang mata ng publiko dahil sa pagpapakasal niya sa isang menor de edad.

Sagot niya, "The longest marriage I had is 22 years, with Josephine.

"We were talking of getting old together.

"One day, she left me. I don’t understand how, why she left me.

"I’m already old, I’m 60, so I’m hoping that I can keep her ’til I die," pagtukoy niya sa kanyang bagong asawa.

Dagdag ni Freddie, "Like I said, only God can control tomorrow.

"But if you ask me personally, I would love to have her ’til my last breath."

MUSLIM WEDDING. Dahil ang huling pagpapakasal niya ay ginawa sa Muslim rites, inusisa ang singer kung nakapagbigay siya ng dowry o dote sa pamilya ng kanyang napangasawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kaugalian sa Islam, ang dowry, o tinatawag na mahr, ay “mandatory payment” na ipinagkakaloob ng lalaking ikakasal sa kanyang mapapangasawa.

Maaaring ang ama ng lalaking ikakasal ang magbigay nito sa babae.

Ito ay maaaring salapi o ari-arian na mapupunta sa babae.

Sagot ni Freddie, "Hindi na namin napag-usapan kasi masyadong biglaan ang wedding.

"But the governor was really nice.

"Governor Mangudadatu... he spent for everything.

"I did not spend a single centavo."

Sabi pa ni Freddie, ang plano lang nila noon ay simple at tahimik na kasalan sa huwes.

"But Governor Mangudadatu surprised us with a very big, grand wedding, and I don’t have any dress, nothing...

"All were given to us by the governor... on the spot.

"Probably, he planned it.

"If you’re a governor of Maguidanao, you can do something like that."

Naging malapit daw sila ni Governor Mangudadatu nang mangyari ang Maguindanao massacre apat na taon na ang nakalilipas.

Sumulat pa nga raw ng kanta si Freddie tungkol dito, ang "Maguindanao."

Ang tinutukoy ni Freddie na Maguindanao Massacre, na nangyari noong Nobyembre 23, 2009, ay tinatawag ding Ampatuan Massacre, dahil sa bayan ng Ampatuan, sa probinsiya ng Maguindanao, sa Mindanao, natagpuan ang mass graves ng 58 na mga lalaki at babae.

Ang mga biktima, kasama na ang 34 journalists, ay naka-convoy noon upang mag-file ng certificate of candidacy ni Esmael Mangudadatu. Tinambangan sila, kinidnap, pinagsasaksak, pinagbabaril, at pagkatapos ay ibinaon sa lupang hinukay ng backhoe at tinabunan muli ng backhoe.

Matapos nang mahigit na apat na taon, nililitis pa rin ang mga pinuno ng pamilya Ampatuan, na siyang itinurong mastermind ng mga witnesses, kasama na ang sariling henchmen ng mga Ampatuan.

Ang mga Ampatuan ay kilalang kaalyado ng dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo.

LOVELIFE COMPLETE. Kumpleto na ba si Freddie ngayong may panibago na siyang asawa?

Tugon niya, "Lovelife ko, yes, I’m content.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But with what’s happening, not only now [with] what comes with it, but all over the world, I am not.

"I can see a lot of injustices and, for an artist like me, it bothers me.

"That’s why we write the songs.

"We tend to absorb what we see.

"Pag na-absorb na namin, di kami makatulog, we start crying.

"And the next thing you know, you start writing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN