Fast & Furious actor Paul Walker killed in car crash in California

According to reports, Paul Walker was in Santa Clarita, California, Saturday afternoon, November 30, for a car show to support the Philippines’ typhoon relief efforts.


Patay na ang Hollywood actor na si Paul Walker.

Lumabas ngayong araw, December 1, ang reports sa iba’t ibang news websites tungkol sa pagkamatay ng 40-year-old actor dala ng car crash sa San Clarita, California.

Naganap ang aksidente Sabado ng hapon, November 30 (U.S. time).

Ayon sa report ng TMZ, "Sources close to Paul tell us he was in Santa Clarita for a car show to support the Philippines’ typhoon relief effort, and had been taking friends out for rides in his new Porsche GT.

"The accident happened during one of those test spins."

Sinabi naman ng isang Los Angeles County Fire Department spokesman sa Santa Clarita Valley Signal, “At the conclusion of the accident the vehicle struck a light standard and the whole car was burned.”

Nakalagay rin sa naunang reports na nasa passenger seat si Paul nang mawalan ng kontrol ang driver at sumalpok ang sasakyan sa isang traffic post.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakasalpok ay sumabog at nasunog ang sasakyan.

Namatay rin diumano sa aksidente ang driver.

Sa mga unang kuha mula sa pinangyarihan ng aksidente, kitang-kita ang pagkawasak at pagkasunog ng sasakyan.

Kinumpirma rin ang pagkasawi ni Paul sa kanyang official Facebook fan page:

"It is with a truly heavy heart that we must confirm that Paul Walker passed away today in a tragic car accident while attending a charity event for his organization Reach Out Worldwide.

"He was a passenger in a friend’s car, in which both lost their lives.

"We appreciate your patience as we too are stunned and saddened beyond belief by this news.

"Thank you for keeping his family and friends in your prayers during this very difficult time.

"We will do our best to keep you apprised on where to send condolences. - #TeamPW."

Naulila ni Paul ang kanyang 15-year-old daughter na si Meadow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE FAST AND THE FURIOUS. Sumikat nang husto si Paul dahil sa kanyang role bilang Brian O’Conner sa The Fast and The Furious movie franchise.

Ironically, may kinalaman sa mga sasakyan ang pelikulang ito. Isang matinik na car racer dito si Paul.

Kasalukuyang ginagawa ang ika-pitong installment ng pelikula.

Ilang araw bago ang malagim na pagkamatay ni Paul ay gumawa pa siya ng video message, kasama ang co-stars niya sa Fast & Furous 7, upang manawagan ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda/Haiyan sa Pilipinas.

Watch: Paul Walker and Fast & Furious 7 cast call for aid for the Philippines

Sanggol pa lamang si Paul nang magsimula ang career niya sa showbiz sa pamamagitan ng isang commercial para sa Pampers.

Nagsimula naman ang kanyang film career noong 1986 sa pamamagitan ng horror/comedy film na Monster In The Closet.

Ngunit ang talagang nagpasikat sa kanya ay ang role niya bilang Brian O’Conner sa The Fast and The Furious (2001).

Bukod sa mga sequel ng movie franchise na ito, ang iba pang memorable films ni Paul ay ang mga sumusunod:

Varsity Blues (1999), Joy Ride (2001), Into The Blue (2005), Eight Below (2006), Flags of Our Fathers (2006), The Death and Life of Bobby Z (2007), at ang The Lazarus Project (2008).

Bukod sa Fast & Furious 7, may mga naiwan pang ibang pelikula si Paul.

Ipalalabas ngayong Disyembre sa Amerika ang Hours, na tungkol sa hurricane Katrina. Sa February 2014 naman ipalalabas ang Brick Mansions, remake ng French film na District 13.

Si Paul ang bida sa Hours at Brick Mansions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN