Kris Aquino on criticisms against PNoy: "Action speaks louder than any criticisms."

Kris Aquino recalls the kindness of people during her trip with Boy Abunda in Eastern Samar to bring relief goods: “Yung pinuntahan namin, yung Hernani, halos katabi ng Guiuan, so grabe. As in, naubos lahat. Pero, so bait. Sabi ko, ’Boy, I love them.’ At noong makita ko, kaya bakit ganoon ang pagkatao ni Boy.”


Si Kris Aquino ang isa sa mga artistang maagap ang ginawang pagtulong para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Noong nakaraang linggo ay sumama siya sa grupo ni Boy Abunda na nagpunta sa Eastern Samar upang mamigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo roon.

Bagamat maraming nagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo, may ilan pa ring nagpahiwatig ng kanilang pagkadismaya at disgusto sa diumano’y mabagal na pagresponde ng pamahalaan sa ganitong sitwasyon.

Ano ang masasabi ni Kris sa mga nagagalit sa gobyerno, na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III?

Saad ng TV host-actress, “I don’t care about them, kasi the people na napuntahan namin, grabe ang gratitude.

“Kasi, di ba, yung mga hindi ma-please are not the people there?

"Sobra, I told Boy [Abunda], I love the Waray at talagang mahal na mahal ko ang mga Waray, kasi bongga silang magpasalamat. Hindi selfish.

"Kasi, noong dini-distribute namin para lahat magkaroon... Noong simula kasi, two bags each tapos naging one na lang.

"Yung iba kasi, mapapalingon ka, mapapa-dalawa, mapapa-tatlo bigay mo. Sasabihin, ’Meron na ’ko.’

“I mean, parang nasa-sad ako na hindi yun nakikita ng tao.

"Bakit ba hindi natin ipakita yung kabutihan ng Filipino? Yun ang nakita ko for myself.”

Dugtong pa niya, “Grabe, we went to Eastern Samar, yung pinuntahan namin, yung Hernani, halos katabi ng Guiuan, so grabe.

"As in, naubos lahat. Pero, so bait. Sabi ko, ’Boy, I love them’

"At noong makita ko, kaya bakit ganoon ang pagkatao ni Boy.

“Pati yung sister niya, ang galing ng organization skill.

"She’s from Borongan, Samar, okay, pero inaako niya ang ibang city from her own pondo. Nagsi-share.

"Tapos, we’re afraid na baka kulang ang dala namin ni Boy. She has two trucks, para raw hindi mapahiya si Boy pagdating namin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Boy, dalawang trucks. Dalawang trucks papunta doon, tapos patuloy yun, ha?

"Quiet siya, hindi niya sinasabi sa lahat. Pero, itutuloy raw niya.”

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Kris sa press conference ng My Little Bossings noong Miyerkules, November 27, sa 55 Events Place, Quezon City.



DEFENDING PNOY. Ang kapatid ni Kris na sa PNoy ang madalas na napupuntirya ng mga negatibong kritisismo at galit ng ilan sa ating mga kababayan.

Paano dedepensahan ni Kris si PNoy?

“I don’t have to defend him, kasi action speaks louder than any criticisms.

"Siguro, the fact that until now, he enjoys the trust of the people.

"Malaki na siya, kasi kapag naeemosyunal ako at nagti-text sa kanya, siya ang nagsasabi ng ’Relax.’

“E, di okay lang.”

Itinanggi ni Kris na sinabi niyang maging “dedma” na lang ang kapatid sa mga batikos.

Aniya, “Ako? Siya ang nagsasabi nun sa akin, ’Kristina, relax, dedma.’

"Siya yung ano talaga... I think you don’t become immune ha, but you become stronger.

"Siguro, he’s been through everything.

“This year alone, parang lahat, napagdaanan na.

“So, kung anuman yun, bilib talaga ako sa pagkatao niya that he has not changed.”

REALIZATIONS. Sa nangyaring trahedya dulot ng bagyong Yolanda, ano ang naging impact o realization para kay Kris?

Tugon niya, “If you have a voice, use that voice because so many will be encouraged to help.

"It was one thing na ginawa ko sa CDO [Cagayan de Oro], sa San Marino, that paved the way... parang 120,000 cans ang pinadala ng San Miguel.

"Everybody else, sumunod sa yapak. Yun ang masasabi ko because I am so blessed.

"May tiwala sa akin ang tao at yung endorsements ko, yung tinurnover nila for Kris TV at Sagip Kapamilya, tuluy-tuloy talaga.”

Karamihan din ng mga kumpanya ay hindi na muna magdadaos ng taunang Christmas party, gayundin ang TV networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Kris dito?

“Bongga,” mabilis na sagot niya.

“Tama naman talaga, kasi nakakahiya.

"But don’t forget naman, it’s Jesus’ birthday.

"Sa totoo lang naman talaga, di ba? Yun talaga yun.”

STOP PORTRAYING ME LIKE THAT.” Samantala, sa presscon ay may nagtanong kay Kris na tila naging mabait daw yata siya ngayon dahil pumayag ang TV host na mailagay ang “Yap” sa screen name ng anak na si Bimby.

Sa poster kasi ng My Little Bossings, ang buong pangalan ni Bimby ang nakalagay na James “Bimby” Aquino-Yap.

Halatang hindi nagustuhan ni Kris ang ibinatong tanong sa kanya.

Sabi niya, “You’re so maldita to say that. I never removed the last name.”

Depensa naman ng nagtanong na reporter, sa ilang press releases daw kasi ay Aquino na lang ang nakalagay sa pangalan ni Bimby.

“Talaga?” ang tila nagulat na reaksiyon ni Kris.

At saka nito dinugtong na, “Ayoko ng mga intrigang ganyan. I really get upset pag ganyan.

"I’m not like that and stop portraying me like that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN