Pokwang fancies a Frenchman with the heart of a Filipino

Pokwang has invited her "cute" new friend, a Frenchman named Fabian (inset with Pokwang), to the premiere of her movie.

She said she was touched by the support he showed her for her movie project and his goodness of heart. They met when the young foreigner was a volunteer in Gawad Kalinga’s Enchanted Farm in Bulacan: “Isa sa mga nag-volunteer do’n na napakabait, na banyaga pero may pusong-Pilipino na tumutulong sa mga kapwa n


Nagkaroon ng thanksgiving party ang komedyanteng si Pokwang para sa cast and crew ng Call Center Girl kagabi, November 30, sa Seafood Island Restaurant, Mother Ignacia Street, Quezon City.

Pasasalamat ito ng 43-year-old Kapamilya comedienne sa magandang ipinapakita ng kanyang Star Cinema-Skylight Films movie sa takilya.

Sabi ni Pokwang sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN, “Siyempre pa’y gusto kong pasalamatan ang Star Cinema at Skylight, salamat po sa proyektong ito.

“At siyempre po ang ating mga kababayan sa industriya po ng call center, at sa mga pami-pamilya na talagang nanood po, salamat po sa suporta ninyo.

“At sa mga nagnais na ibalik ang ngiti nang dahil po sa pelikulang ito, thank you, thank you po talaga sa pagpapahalagang ibinigay ninyo sa pelikula.”

NOTHING IS IMPOSSIBLE WITH PRAYERS. Aminado si Pokwang na nagkaroon siya ng alinlangan at nerbiyos kung tatangkilikin ba ang pelikula niyang nagbukas nung Miyerkules, November 27.

Katatapos lang kasing pagdaanan ng mga Pilipino ang trahedya’t lungkot na dulot ng pinsalang iniwan ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Kahit hindi man direktang apektado ang ilan nating kababayan, kusa nang nagpigil muna sa paggastos ang mga ito at piniling ipangtulong na lang sa mga nasalanta ang perang panggasta sana.

Dahil dito’y may kaba nga si Pokwang noon kung may manonood ba ng pelikula niya.

“Siyempre parang... Hindi naman namin masasabing wrong timing, ano, pero hindi natin maiiwasan. Kumbaga, nature ‘yan, e.

"Sabi na lang namin, idasal na lang natin.”

Kaya raw nung tinangkilik ang Call Center Girl, ang masasabi na lang ni Pokwang, “Wala talagang imposible sa dasal.”

POKWANG’S NEW FRENCH FRIEND. Pero bukod sa magandang ipinapakita sa takilya ng kanyang pelikula, mayroon pang isang bagay na nagpapasaya ngayon kay Pokwang.

Usap-usapan ang pagkakamabutihan nila ngayon ng isang binatang Pranses na nagngangalang Fabian.

Natigilan at napakilig si Pokwang nang tanungin siya tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Fabiyeeen... O may kulot, ha!” nagpapatawa pa munang sagot ni Pokwang.

“Si Fabian kung napanood nyo yung isang episode ng KrisTV, siya yung French guy na napakabait, at nandun siya sa Gawad Kalinga-Enchanted Garden."

Ipinalabas ang episode na ito nung September, kunsaan na-feature ng nasabing programa ni Kris Aquino ang Gawad Kalinga at proyekto nito sa Enchanted Farm sa Bulacan.

Sabi pa ni Pokwang tungkol sa French guy, “Isa sa mga nag-volunteer dun na napakabait, na banyaga pero may pusong-Pilipino na tumutulong sa mga kapwa nating Pilipino.”

Pagkatapos daw ng pagkikilala nila sa KrisTV ay inimbitahan niya ito sa block screening ng Call Center Girl nung Biyernes, November 29, sa Podium

Naintindihan ba naman ni Fabian ang pelikula?

“Naghanap kami ng interpreter. Hindi ko rin kinaya, ano, hilung-hilo na ‘ko.

"Pero mukhang nag-enjoy naman siya!” natatawang sabi ni Pokwang.

Kakaiba ang ngiti at kislap ng mata ng komedyana habang nagkukuwento kung gaano kabait at kaguwapo ang bagong kaibigang banyaga.

Siya na ba ang hinihintay ni Pokwang na “Mr. Right”?

Tugon ng komedyana, “Kaso hindi, e... Friend lang talaga.

“At huwag naman ganung kabata.”

Nasa edad 24 or 25 daw kasi si Fabian, sabi ni Pokwang.

“Basta naku-cute-an lang ako sa kanya at sobrang napakabait.

"Pusong-Pilipino siya kaya natutuwa ako sa kanya,” paglalarawan pa niya sa Pranses na binata.

Sa ngayon daw ay magandang pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila ni Fabian.

Natutuwa raw ito na naging successful ang pelikula niya.

“Nakakatuwa lang na napaka-supportive niya.

"Kasi nabalitaan niya na successful yung pelikula, talagang nagte-text siya.

"Tapos talagang nagdarasal din siya para sa movie, kaya nakakatuwa.”

Sa ngayon ay magkaibigan lang talaga sila ni Fabian, pero paano kung sa kabila ng malayong agwat ng edad nila ay magka-in love-an sila?

“Ay... pag-iisipan ko muna...” pasubali na lang ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN