Angeline Quinto denies snubbing Regine Velasquez; receives expensive watch from Erik Santos

Angeline Quinto sheds light on the alleged snubbing incident backstage with Regine Velasquez at Erik Santos’s anniversary concert: “Dyusko, si Miss Regine pa, hindi ko… hindi naman sa hindi nagpansinan. Talagang sinadya ko po yun na hindi na po ako lumapit din. Pero okay naman, nakapagpaalam naman po ako nang maayos. Regine Velasquez yun siyempre, kahit naman hindi ako kasali dun sa concert, pupuntahan ko yun sa dressing room niya, ’no, di ba?&rd


Sa December ay balak ni Angeline Quinto na magdaos ng benefit concert para sa mga batang nabiktima ng bagyong Yolanda sa Visayas region.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media, “Sa totoo lang po, nagpaplano kami ng parang mini-concert siguro po mga December.

"Kasi sa December pa lang po ako magkakaroon ng okay na schedule, e.

“At after ng Christmas special siguro ng ABS-CBN, ayun po yung pinaplano namin kasi gusto ko rin na matulungan po yung mga bata na nawalan po ng mga schools.

“So sana makapagbigay naman din po ako ng tulong para makapagpatayo ulit ng mga bagong eskuwelahan sila doon.”

Hindi pa raw siya sigurado kung sinu-sino ang makakasama niya sa naturang concert.

Aniya, “Sa ngayon po, wala pa po, pero tina-try ko po na imbitahan si Miss Reg [Regine Velasquez] at saka si Sir Ogie [Alcasid].

"Si Erik Santos naman nag-sure na sa akin kaya lang wala pa po kami talagang eksaktong date.”

Nakausap ng PEP at ilang media si Angeline last week, November 23, sa back-to-back event ng SunLife Financial at Star Magic na SunPiology Run at “Star Magic Gives Back” sa Bonifacio Global City, Taguig.

SNUBBING INCIDENT WITH REGINE? Nabanggit na rin lang ni Angeline ang pangalan ng Asia’s Songbird na si Regine, nilinaw na rin ng media sa kanya kung totoo ba ang balitang inisnab diumano niya ito sa 10th anniversary concert ni Erik na inTENse, sa PICC Plenary Hall noong November 9.

Noong una ay nagtataka pa si Angeline kung kailan ito nangyari.

Tanong pa niya sa media na nag-interview sa kanya: “Kailan ‘to?”

Pero kalaunan ay naalala na rin niya kung saan sila nagkita ni Regine.

Sabi niya, “A, kay Erik… Erik Santos, tama ako?”

Kasunod nito ay nagpaliwanag na ang 24-year-old singer-actress.

Aniya, “E, kasi po, before pa lang siya umalis ng backstage, talagang nakapagpaalam na ako sa kanya ng dalawang beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nung lumabas si Miss Reg, hindi na po ako nagpaalam ulit kasi nga andami pong tao na sumusunod sa kanya, e.

“Feeling ko naman nagmamadali si Miss Reg kasi may kasama po siya na hinihila siya.

"So, hindi na po ako nagpaalam nun kasi nagpaalam naman na ako before pa siya lumabas nung venue.”

Diin pa niya, “Dyusko, si Miss Regine pa, hindi ko… hindi naman sa hindi nagpansinan.

"Talagang sinadya ko po yun na hindi na po ako lumapit din.

“Pero okay naman, nakapagpaalam naman po ako nang maayos.

"Regine Velasquez yun siyempre, kahit naman hindi ako kasali dun sa concert pupuntahan ko yun sa dressing room niya, ‘no, di ba?”

ASIA’S SONGBIRD VERSUS NEWBIES. Bilang isa sa mga personal na nakakakilala kay Regine, ano ang masasabi niya na palaging iniuugnay ang pangalan ng Songbird sa mga ganitong klaseng isyu at sa pagkukumpara dito sa mga mas baguhan at batang singers?

Tugon ni Angeline, “Uhm, may mga naririnig… oo, may mga naririnig naman ako minsan.

"Pero siyempre kay Miss Regine Velasquez, wala naman talagang papalit doon.

“Ako, sobrang fan po ako ni Regine Velasquez at napakataas po ng tingin ko doon sa tao na yun, sa kanilang mag-asawa po actually, si Sir Ogie.

“Kasi talagang napakabait nilang tao at ako rin talaga mismo ang nagsasabi sa mga tao talaga na nag-iisa lang po ang Miss Regine Velasquez.

“So, kaya din siguro ang dami ring tao ang umiidolo sa kanya.”

IN LOVE WITH ERIK? Kakaiba naman ang ngiti ni Angeline nang tanungin ng media tungkol sa post niya sa kanyang Instagram na regalo raw mula kay Erik na isang mamahaling brand ng relo.

Naka-caption dito ang mga salitang, “Thank you pogs. Iloveyou always @eriksantos.”

Pogs (for pogi) ang tawag ni Angeline kay Erik.

Ano ba ang kuwento ng regalong yun ng Prince of Pop?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng Star Power grand search winner, “Hindi, ano yun, parang gift niya sa akin after ko mag-guest sa concert niya.

"Kasi madalas kami magbibiruan niyan, e. Na, ‘So sa lagay ba ganun na lang, thank you na lang?’

"Ganun talaga kami ni Erik, so nagregalo siya sa akin ng relo.”

Napapansin ng PEP na parang kinikilig ang dalaga na tubong-Sampaloc, Manila. Bakit kaya siya kinikilig?

Tugon niyang nakatawa, “Hindi naman!”

Sinasabi raw ni Erik noon sa kanyang panayam na "what you see is what you get" tuwing tinatanong tungkol sa estado ng kanilang pagkakaibigan ni Angeline.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Erik dito?

Sabi naman ni Angeline, “Siguro nga, oo. Sobra na e, sobra pa nga doon.

"E, di kasi, si Erik sobrang sweet din na tao nun at madalas kami siyempre nagkatrabaho sa ASAP.

“Tapos may mga ilang shows din kami sa abroad.

"Uhm, ’yon, alam naman ni Erik na mahal ko siya, alam niya yun.”

May possibility kayang ligawan siya nito?

Natatawa pa nitong paliwanag, “Hindi ko alam, hindi ko alam!

"Hintayin na lang po siguro natin, di ba, pero sobrang okay naman kami ni Erik talaga.”

Paano kaya siya naaapektuhan ng mga bali-balitang may mga pagdududa sa pagkalalaki ng singer?

Aniya, “E, actually marami namang natanong talaga tungkol sa ganyan, sa akin din, e, kasi alam nila na close kami ni Erik.

“So, sabi ko, ‘Si Erik Santos, kung ano yung nakikita sa kanya, yun ’yon, di ba?’

"Wala naman akong ibang masasabi sa kanya kasi yun naman talaga siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN