Former sexy star Christian Vasquez tackles priest role for the first time in Pedro Calungsod biopic

Binata na ang dalawang anak si Christian Vasquez, pero ayon sa aktor ay wala raw hilig sa pag-aartista ang mga ito. Kuwento ni Christian, “Tinanong ko nga sila kung gusto ba nilang subukan ang mag-artista. Ayaw daw nila at gusto nila na normal ang buhay nila. At least, galing na sa kanila iyon. Mas gusto ko naman iyon dahil gusto kong makatapos sila sa pag-aaral nila."


Sa unang pagkakataon ay gaganap ang dating sexy actor na si Christian Vasquez bilang isang pari sa 2013 Metro Manila Film Festival entry na Pedro Calungsod: Batang Martir.

Siya ay si Padre Diego de San Vitores, isang Spanish priest na nakasama ni Pedro Calungsod at ilang misyonaryo na nasawi sa Marianas Island noong 1672.

Sa tinagal-tagal na rin ng pagiging aktor ni Christian, first time daw niyang gumanap bilang isang pari.

Saad niya, “Lahat na yata ng iba’t ibang roles nagawa ko na sa TV at pelikula.

“Nagpa-sexy na ako, naging kontrabida, naging ka-love triangle, nag-comedy. Pero first time ko talaga na gumanap na pari.

“Siyempre noong una, parang tinanong ko pa ang sarili ko kung babagay ba sa akin.

"Magiging credible ba akong pari despite all the roles na ginawa ko in the past?

“Pero naniwala sa akin ang director naming si Francis Villacorta.

"Yun ang boost na kailangan ko para magampanan ko nang mabuti itong role ko bilang pari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa press launch ng Pedro Calungsod: Batang Martir, noong November 28 sa Area 05 Superclub, Tomas Morato, Quezon City.

HABLA ESPAÑOL? Inamin naman ni Christian na nahirapan siya sa pag-deliver ng kanyang dialogue sa wikang Kastila.

Kinailangan daw niyang pag-aralan nang husto ang buong script at siguraduhing tama ang kanyang bigkas at aksento gamit ang wikang banyaga.

“Kahit mukha tayong Kastila, hindi ako marunong mag-Kastila. Ilonggo pa, tiyak na kayang-kaya ko!” natatawang sabi ni Christian.

“May dialect coach naman kami sa set tuwing shooting para makita niya kung tama ba ang pagbitiw namin ng mga lines.

“May tamang pagbigkas talaga at hindi yung basta mo lang sasabihin.

“Mabuti nga na may mga Tagalog lines na isinama sa script.

“Noong unang script talaga, puro Spanish lines, kaya parang kinabahan ako.

"Pero willing naman akong pag-aralan ‘yan dahil maganda ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero noong nilagyan na nga ng mga Tagalog lines, napabuntung-hininga ako kasi hindi na kami masyadong mahirapan.

"Lalo na sa role ko na halos lahat ng lines ay in Spanish.”

POSITIVE MESSAGE. Dahil sa magandang mensahe ng kanilang pelikula, iniendorso ito ni Christian para suportahan ito ng maraming kabataan at ng kanilang pamilya.

“Hinihikayat ko ang marami, lalo na ang mga bata na panoorin nila itong pelikula namin sa Metro Manila Film Festival on December 25.

"Marami silang kapupulutan na aral dito.

“Ngayon lang ako nag-e-endorse ng pelikulang kasama ako, kasi ngayon lang ako gumawa ng pampamilyang pelikula.

“Gusto kong mga bata ang makapanood nito para makita nila kung ano ang naging sakripisyo ng isang simpleng tao dahil sa pagmamahal niya sa Panginoon,” sabi ni Christian.

FAMILY LIFE. Kinumusta rin ng PEP kay Christian ang kanyang dalawang anak na lalaki.

Mga binatilyo na raw ang mga ito, pero wala raw hilig pasukin ang showbiz.

“My boys are now 15 and 16 years old.

"Mga teenagers na at kasing-tangkad at kasing-guwapo ng daddy nila!” tawa pa niya.

Dagdag ng aktor, “Mga walang hilig sa showbiz, e. Parang hindi sila interesado pa.

“Tinanong ko nga sila kung gusto ba nilang subukan ang mag-artista. Ayaw daw nila at gusto nila na normal ang buhay nila.

“At least, galing na sa kanila iyon.

"Mas gusto ko naman iyon dahil gusto kong makatapos sila sa pag-aaral nila.

“Pero who knows, baka balang-araw mahiligan din nila. Nandito naman ako para suportahan sila.

“Yung mother naman nila ay may sarili nang pamilya sa Amerika. Pero kinukumusta naman niya ang mga anak namin every now and then.”

Wala raw girlfriend si Christian ngayon.

Kakahiwalay lang daw nila ng non-showbiz girlfriend niya, kaya loveless siya ngayong Pasko.

“Matagal din kaming nagsama. Pero magulo, e.

"Mahirap na yung nagkakaproblema kaming dalawa kaya hiwalay muna. But we’re still friends naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya medyo blue nga ang Christmas natin ngayon.

“But I will be spending it with my kids.

"It’s either dito sila sa Manila mag-Christmas or ako ang uuwi ng Bacolod.”

Huling napanood sa telebisyon si Christian sa afternoon series ng ABS-CBN na Dugong Buhay.

Makakasama siya sa cast ng local adaptation ng Koreanovela na Pure Love na pagbibidahan nina Alex Gonzaga at Arjo Atayde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN