Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Naglabas ng statement ang actress-TV host na si Anne Curtis, sa pamamagitan ng Twitter, tungkol sa insidenteng kinasangkutan niya noong madaling-araw ng November 23 sa isang luxury club. Paliwanag niya tungkol sa paglalabas ng statement: "I choose to do this right away because I’ve always been an open book & I don’t like to hide anything..."


Nagbigay na ng statement si Anne Curtis kaugnay ng insidenteng kinasangkutan niya sa isang luxury bar noong madaling-araw ng November 23.

Nailathala ang insidenteng ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, December 1.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Idinaan ni Anne ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng Twitter (@annecurtissmith) ngayong gabi.

Hindi itinanggi ng Kapamilya actress-TV host na may ganun ngang insidente na naganap.

Sabi niya tungkol sa report na lumabas dito sa PEP: "Yes, most of it is true."

Isang tao raw ang nagpasimula ng gulo dahil sa "inappropriate behavior" nito.

Humingi na raw ng paumanhin ang taong hindi niya pinangalanan, at tinanggap naman niya ito.

Hindi na nagbigay ng detalye si Anne tungkol dito, dahil aniya, "I’m not the type to ruin someone else’s name."

Inamin din niya na naparami ang kanyang pag-inom noong gabing iyon na nauwi sa gulo.

Sabi pa ng 28-year-old actress, "That’s why they say ’Drink in moderation.’ I will charge it to experience & a lesson learned."

Sa huli ay humingi ng paumanhin si Anne sa kanyang mga tagahanga dahil sa naging behavior niya.

ANNE’S STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ni Anne sa Twitter ngayong gabi, December 1:

“Hey everyone. I will be making my official statement now & after this, I will not be giving any interviews about this issue anymore.

“I choose to do this right away because I’ve always been an open book & I don’t like to hide anything...

“For those who have read about the issue, yes, most of it is true.

"I admit to that & I have apologized to all parties included immediately...

“When I was told of my behavior AND the person who started all of this, due to this persons inappropriate behavior, apologized to me too...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Just as I did. Which I accepted too. I choose not to go into detail because I’m not the type to ruin someone else’s name..

“Now.. I had been on the super popular juice cleanse for 3 days & attended my best friends bachelorette that night, had one too many drinks…

“…which led to some of these unfortunate events. That’s why they say ’Drink in moderation’. I will charge it to experience & a lesson learned.

“I’m sorry if I let any of my fans down.... As you all see, I’m just like any other person that makes mistakes in life...

“Thank you to everyone that has messaged me about their support. With where I am today I owe all of you my honesty. Good night.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN