KC Concepcion on real score with Paulo Avelino: “Friends, good friends... walang label.”

KC Concepcion on winning an acting award: “Parang lahat ng mga bashers ko, especially noong nag-uumpisa pa lang ako… Parang kahit papaano, puwede kong sabihin na, ‘Hey, yung mga anak ng mga kilala rin, yung mga may magulang na kilala rin sa larangan ng propesyon nila, kaya rin gumawa ng sariling pangalan kahit papaano sa sarili nilang pagsisikap.’”


"High" pa rin si KC Concepcion dahil sa pagwawagi niya bilang Best Drama Supporting Actress sa 27th PMPC Star Awards for Television.

Nanalo si KC para sa pagganap niya sa ABS-CBN primetime series na Huwag Ka Lang Mawawala.

Read: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Dala-dala pa rin ni KC ang kaligayahang ito nang mag-guest siya sa Buzz Ng Bayan kahapon, December 1.

Bungad niya sa host na si Boy Abunda: “Siyempre, it was a dream come true.

“Parang lahat ng mga bashers ko, especially noong nag-uumpisa pa lang ako…

“Parang kahit papaano, puwede kong sabihin na, ‘Hey, yung mga anak ng mga kilala rin, yung mga may magulang na kilala rin sa larangan ng propesyon nila, kaya rin gumawa ng sariling pangalan kahit papaano sa sarili nilang pagsisikap.’”

Aminado si KC na naaapektuhan siya noon kapag sinasabi na kaya lang siya nakapasok sa showbiz ay dahil anak siya nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

“I think, oo,” sambit niya.

“Kahit i-deny ko yun, siyempre merong effect yun sa akin na, grabe, hindi na ako makagalaw dito sa box na ‘to.

“Parang inilagay ninyo ako sa isang kahon na hindi ako makagalaw.”

Kailangan ba niyang maging kasing-galing o higitan ang kanyang mga magulang?

Tugon ni KC, “Parang ganoon nga po.”

Ang natanggap daw niyang award ay naging validation na may talento siya at hindi lang siya anak ng mga sikat niyang magulang.

“I’m very grateful,” nakangiting sabi pa niya.



PAULO AVELINO. Nagulat naman si KC nang sabihin ni Boy na may nakapagsabi sa kanyang marami raw ibinigay na tips kay KC si Paulo Avelino.

Inamin ng dalawa, sa magkahiwalay na panayam, na nagde-date sila.

“Ay! Saan nanggaling si Paulo?” napatiling reaksiyon ni KC.

Pero dagdag niya, “Grabe, talagang… O, okay, sige na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paulo, he is ano siya… teka, ano siya, wait…

“Hinahangaan ko siya bilang actor.

"Since priority ko nga ang work ko ngayon as an actress, ang ganda rin na pag-usapan yung trabaho namin.

“And sabi ko nga before, never going to date an actor.

"Ayoko na, ayoko na talaga!” natatawang giit niya.

Ibig bang sabihin, nagugustuhan niya ang mga pinag-uusapan nila ni Paulo?

“Oo, iba rin naman siya sa ibang actors na parang…”

Tinukso naman lalo si KC ng mga tao sa studio.

Kaya sabi niya, “Kayo, ha? Uy, Urian Best Actor na yun!”

Dagdag pa niya, “Parang tinuturuan niya rin ako about character-building.”



STYLE. Diretsahan namang tinanong ni Boy si KC kung naiisip ba nito na ang mga ginagawa ni Paulo sa kanya ay maaaring pamamaraan nito ng panliligaw.

“Well, magaling siyang manligaw!” natatawang sagot ni KC.

Nandoon ba si Paulo sa stage na nanliligaw na nga sa kanya?

“Siguro po,” pag-amin ng 28-year-old actress-TV host.

Ano nga ba ang estado ng relasyon nila?

“Ay, wala, friends, good friends... walang label!” tawa na naman ni KC.

“Kasi, napi-pressure,” parang iwas niya sa tanong.

Nag-e-enjoy ba siyang mag-hangout kasama si Paulo?

“I do,” pag-amin niya.

“Kasi, feeling ko, hindi lang siya basta yung nagpapa-cute, yung ganoon.

“Alam mo naman ang mga style.”


GETTING READY. Kung pansamantalang aalisin muna si Paulo sa “picture,” nakahanda na bang ma-in love muli si KC?

Bulalas niya, “Oh, my God!

"Actually, isa ‘yan sa nakaka… teka, nawawala na tuloy ang Tagalog ko.

“Isa ‘yan sa nagpapakaba sa akin... takot ba ako?

“Sabi ko nga kay Mama [Sharon], ’Ano ba ‘to?’

"Palagi kong sinasabi, ’Hindi ako ready na mag-commit, hindi ako ready.

“’Kailan ba ako magiging ready ulit? Takot ba ako nang over?’”

Ano ang sabi ng kanyang ina?

“’Well, give yourself a chance,’” sabi raw ng Mama Sharon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila maganda ang taong 2013 para kay KC.

May Best Supporting Actress award siya, a Chito Roño film, at may Paulo pa siya.

“Naks, siya talaga, Tito Boy?!” natatawang reaksyon ni KC.

“Bilang kaibigan,” mabilis na paglilinaw naman ni Boy.

Yes or no, boyfriend-material ba si Paulo?

“Yes naman… in general, ha?” sagot ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN