Jestoni Alarcon on Pokwang’s crush on him: “Promo lang, promo lang yun!”

Jestoni Alarcon on doing an indie film: “Kung gagawa ako ng indie film, gusto ko, maganda pa rin ang gagawin kong pelikula na magiging masaya ako. Kasi, it’s not the payment. Kapag sinabi mong indie, honorarium lang ‘yan. Hindi talaga yung bayad sa pelikula... Pero dahil gusto mo yung project, okay lang yun. Hindi mo na iisipin yung payment.”


Halatang hindi kumportable at naiilang si Jestoni Alarcon nang hingan ng komento sa naging rebelasyon ni Pokwang na matagal na siyang “crush” ng komedyana.

Kung kaya’t masaya raw si Pokwang na si Jestoni ang gumanap na asawa niya sa pelikulang Call Center Girl.

Nakangiti ngunit maikli lang ang sagot ni Jestoni nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, sa press conference ng pelikulang Pedro Calungsod: Batang Martir, noong November 28.

Sabi ng aktor, “E, siyempre, mag-asawa ang role namin sa movie.”

Mukha namang seryoso at kinikilig talaga si Pokwang sa kanya?

“Promo lang, promo lang yun!” nakangitng reaksiyon ni Jestoni.

Ipinagtapat ba sa kanya ni Pokwang na matagal na siyang crush nito?

“Hindi, ano… mabait ‘yang si Pokwang.

“Matagal ko na siyang nakakasama sa mga appearances. At saka, mabait ‘yan.”



JESTONI’S SECRET. Sa edad niyang 46, napanatili pa rin ni Jestoni ang kanyang kaguwapuhan at kakisigan.

Matatandaang nakilala si Jestoni dahil sa kanyang sexy at action movies noong late ’80’s hanggang early ’90s.

Paano niya napanatili ang kanyang magandang pangangatawan?

Sagot ng dating Seiko Films contract star, “Wala namang sikreto.

“Siguro yung self-discipline, importante. Sa health, di ba?

“The way yung pagiging professional mo sa trabaho.

“Kailangan mo rin ng exercise sa katawan dahil yung taping namin, shooting, inuumaga ‘yan, e.

“Mula noong 1984 na nag-start ako sa pelikula, kailangan walang mga bisyo, walang mga drugs.”



FAMILY LIFE. Isa pa raw siguro sa dahilan ay ang masayang pamilya niya.

“Yes, number one, happy ako sa family,” sambit niya.

Twenty-three years old lang noon si Jestoni nang magpakasal sila ng misis niyang si Lizette Alarcon.

Twenty-two years na silang kasal. Nineteen na ang kanilang panganay at 15 naman ang bunso nila.

Paano naihihiwalay ni Jestoni ang kanyang showbiz life sa kanyang family life?

Tugon niya, “Well, siyempre, depende naman sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman tayo perfect sa lahat ng bagay, pero lahat yun naaayos natin kung anuman ang maging problema.

“At saka, okay naman ang family, okay ang career, sa mga trabaho.

“I guess, wala naman sigurong puwedeng problemahin.

“Especially this year, I am really blessed with more jobs.

“Nagawa ko sa early part of this year yung Sana Ay Ikaw Na Nga sa GMA-7.

“Tapos, sa ABS-CBN, yung Muling Buksan Ang Puso.

“At ngayon nga, sa GMA-7, yung Adarna.

“So, tatlong TV shows in one year, so maraming blessings.

“May mga guestings pa, at ito ngang Pedro Calungsod.

“Tuluy-tuloy na kaya salamat naman.”



PEDRO CALUNGSOD. Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 entry na Pedro Calungsod: Batang Martir, ginagampanan ni Jestoni ang papel ni Kapitan Sta. Cruz, lider ng mga sundalo.

Paglalarawan pa niya sa kanyang role: “I am the one protecting Pedro Calungsod and some of the parish against the villagers…

“Ako ang nagpuprotekta sa mga grupo niya para hindi siya patayin ng mga villagers.

“Marami sa villagers noon—sa Guam nangyari ’yan—na hindi naniniwala sa Diyos, sa Christianity, so kami ang naging protector niya.

“Pero, okay naman. Kaya lang siyempre, yung story, mamamatay talaga siya [Pedro Calungsod].

“Yung mga pumatay, mga villagers.”

Si Pedro Calungsod ang ikalawang Filipino saint; ang una ay si San Lorenzo Ruiz.

Kaya naitanong namin kay Jestoni kung Katoliko ba siya.

Sagot niya, “Catholic ako, but nag-convert ako to Christian, yung family ko.

“Pero ako naman, hindi naman nagbago yung faith ko, wala namang ipinag-iba.”

Aminado si Jestoni na hindi lahat ng indie films na inaalok sa kanya ay tinatanggap niya.

Ano ang mayroon sa Pedro Calungsod at tinanggap niya ito?

Sabi ng aktor, “Maganda ang role, prestihiyoso ang Pedro Calungsod, di ba?

“Maggi-guest ka, one day, two days, tapos yung role mo, halos baka hindi ka naman mapansin. Kumbaga, hindi markado”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito raw, mula sa umpisa hanggang sa ending, kasama siya sa pelikula.

“Sabi ko nga, marami akong ginawang movies—action, drama—na napakagaganda ng role. Nagli-lead ka.

“So, kung gagawa ako ng indie film, gusto ko, maganda pa rin ang gagawin kong pelikula na magiging masaya ako.

“Kasi, it’s not the payment.

“Kapag sinabi mong indie, honorarium lang ‘yan. Hindi talaga yung bayad sa pelikula.

“Kumbaga, mas malaki pa yung mag-taping ka na lang.

“Pero dahil gusto mo yung project, okay lang yun. Hindi mo na iisipin yung payment.”

Ang mga kalabang pelikula ng Pedro Calungsod sa MMFF ay pawang malalaki.

Umaasa rin ba sila na manguna sa takilya ang kanilang “maliit na pelikula”?

Sabi ni Jestoni, “Kami, mag-number three, number four, masaya na kami.

“Minsan naman, hindi mo masabi ang response ng tao.”

Hindi ba siya hihingi ng milagro kay San Pedro Calungsod na maging number one ang pelikula nila?

“Hindi, hindi tayo sa kanya hihingi ng miracle, hihingi tayo kay God,” nakangiting sabi niya.



ADARNA. Sa primetime soap naman ng GMA na Adarna ay gumaganap si Jestoni bilang tatay-tatayan ni Kylie Padilla.

Hindi raw ito ang unang beses niyang makatrabaho si Kylie.

Sabi ni Jestoni tungkol sa young actress, “Nagkasama na kami dati sa Dwarfina dati, Channel 7 rin.

“After that, nagkaroon na siya ng mga break-break.

“Childish pa rin magsasalita, maggagalaw. Parang bata pa rin.

“Pero sa trabaho, masinop, masipag, at professional naman siya. Hindi siya nale-late.”

Dumadalaw ba ang boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica sa set nila?

“Madalas!” natawang sabi ni Jestoni.

Pero bawi niya, “Binibiro ko lang siya. Sinasabi ko, ‘O, kumusta naman si Aljur?’ Ngingiti-ngiti lang siya.”

Hindi raw alam ni Jestoni kung tuloy ang pagka-cameo ni Robin Padilla, ama ni Kylie, sa teleserye nila.

Pero aniya, “Sana, sana… maganda yun. Malaking tulong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN