Jean Garcia hopes current relationship leads to marriage: “Parang gusto ko, yung lifetime na.”

Ayon kay Jean Garcia, gusto niyang patibayin ang kasalukuyang relasyon: “Ang priority ko is more on kung papaano namin mame-maintain yung relationship nang maayos—maayos ako sa family niya, maayos siya sa family ko, maayos yung relationship namin. Ako, more on ganoon.”


Bago pa ang Adarna ng GMA Network, marami nang ginawang fantaserye ang aktres na si Jean Garcia.

Kabilang na rito ang Majika, Atlantika, Gagambino, at Dyesebel—na pawang ipinalabas din sa Kapuso network.

Sa Adarna, ginagampanan ni Jean ang papel ng isang taong-ibon, si Larka/Lupe.

Bilang taong-ibon ay mayroon daw siyang flying scenes dito, kagaya ng mga ginawa niya noon sa Atlantika, Gagambino, at Majika.


Pag-alala pa ni Jean, maging sa launching movie niyang Impaktita (1989) ay may eksenang lumipad din siya.

“Yes, ang luma!” natatawang sabi ni Jean sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Gaano kakaiba ang papel niya dito sa Adarna sa mga nagawa na niya dati?

Kuwento niya, “Ngayon, ibang-iba na talaga.

“Dati, like yung pakpak ko dati sa ano, ikinakabit, tapos ikaw yung gaganoon [magpapagalaw].

“Ito, meron na silang machine na gagalaw na siyang mag-isa.

“I-spread siyang ganoon, meron na silang nagagawang ganoon.

“Meron CG [computer-generated], pero mayroon kaming mga totoo.

“Lalo na pag nandoon kami sa birdland, yung mundo ng mga ibon, yung Saranghaya.”

Anong uri ng ibon ang gusto niyang maging at bakit?

Sagot niya, “Ako’y isang lovebird! Punumpuno ng pagmamahal.”


IN LOVE? Naging hudyat ang sagot na ito ni Jean upang tanungin namin kung in love ba siya ngayon.

“Palagi naman! Hindi, joke lang!” natatawang sabi ng 44-year-old actress.

Pero inamin ni Jean na mayroong nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Meron, hindi siya artista. Ordinaryong tao lang siya.

“Oo, Pinoy siya. Halos ka-age ko.”

Bakit hindi masyadong nasusulat ang tungkol sa bagong lovelife niya?

Sagot niya, “E, kasi, hindi naman artista.”

Si Jean ay artista, pero wala pa ring nababalitaan masyado sa kanyang lovelife?

“E, kasi, hindi naman ako nagsasalita.”

Businessman daw ang naturang guy na ayaw na lang banggitin ni Jean ang pangalan.

“Hindi, huwag na, huwag na,” pakiusap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One year and a half na,” sagot naman ni Jean kung gaano na sila katagal ng kanyang boyfriend.


LIFETIME PARTNER. Ito na ba ang lalaking mamahalin niya habang buhay?

Sagot ni Jean, “I hope, sana.

“Di ba, lahat naman tayo, iyon ang gusto, di ba, ang magkaroon ng partner sa buhay?

“Pero hopefully, kung ibibigay.”

Single daw ang boyfriend niya at walang anak.

Nakasama na rin daw ito ng dalawang anak ni Jean na sina Jennica at Kotaro.

“Oo, kilala naman niya, very close siya.”

Ano ang mayroon sa boyfriend niya kaya gusto ni Jean na ito na ang makatuluyan niya?

Saad niya, “Well, ang hirap din naman kasi ng... di ba, palagi kang nagri-risk na lang sa isang relationship?

“Tapos nag-i-invest ka, di ba? Tapos, hindi rin naman nagwo-work out.

“So siyempre, ayoko naman ng ganoon na magri-risk ka, tapos hindi magwo-workout, tapos panibago na naman.

“Yung parang gusto ko, yung lifetime na.

“Siguro at my age now, it’s about time na yung lifetime partner na, di ba?”


WEDDING PLANS. Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

Tugon ni Jean, “Hindi, we don’t talk about it.”

May plano ba?

“Siyempre, lahat naman ng babae, iyon ang pangarap—ang maikasal, di ba?

“Pero hindi ko siya priority, parang ganoon.

“Ang priority ko is more on kung papaano namin mame-maintain yung relationship nang maayos.

“Maayos ako sa family niya, maayos siya sa family ko, maayos yung relationship namin.

"Ako, more on ganoon.

“Kung darating yung ikakasal, darating yun. Pero kung hindi, okey din lang.

“Ang importante sa akin is yung nagwu-work yung relationship and we’re both happy.”

Bagamat may dalawa nang anak si Jean, hindi siya ikinasal sa mga ama nito.

Ang ama ng panganay niyang anak na si Jennica ay ang dating aktor na si Jigo Garcia.

Habang ang bunso naman niyang si Kotaro ay anak ng aktres sa nakarelasyon niyang Hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-imagine ba niya ang sarili niya na nakasuot ng wedding gown?

“Oo, before. Pero ngayon, parang wala naman, parang wala,” sabi ni Jean.


NETWORK CONTRACT. Exclusive contract artist ng GMA si Jean.

Kuwento niya, “Ano na ako actually, second contract ko na sa kanila, e.

"So four years—two years na ako, tapos two years ulit.

“Actually, ang gusto nila three, pero nag-compromise kami sa two, so two-two.”

Inamin ni Jean na may ibang TV stations na kinukuha pa rin ang serbisyo niya.

“Meron naman actually, tumatawag sila pag matatapos yung kontrata ko.

“Kaya lang siyempre, hindi sa ayoko or ano... ako naman, wala namang problema sa akin, di ba?

“Basta ako, masaya ako, fulfilled ako kapag ito yung trabaho ko at nakakaarte ako, di ba?

“Yung sa akin lang, parang noon nasa ABS ako, so nandoon ako hangga’t binibigyan at kailangan nila ako.

“Noong time na parang hindi ako mabigyan ng show e kinuha naman ako ng [GMA] 7 kaya ako lumipat.

“Pero noong time na kinukuha ako sa ABS ng 7, pero dahil may ibinibigay pa ang ABS, sa ABS ako.

“Kaya ngayong nandito ako sa 7, hangga’t may tiwala sila at bibigyan ako, kahit kunin ako sa 2, sa Siete muna ako.

“Pag dumating yung time na wala talaga at wala namang kontrata at kinuha ako ng ABS, tsaka ako lilipat.”


PERSPECTIVE. Hiningan din namin ng pahayag si Jean tungkol sa pinagdadaanang hirap ngayon ng mga nasalanta ng bagong Yolanda.

Matatandaang si Jean ay naging biktima rin ng bagyong Ondoy noong 2009.

Saad niya sa PEP, “Nakakalungkot, of course.

“At saka, kumbaga ito, kung titingnan mo, kumbaga... ready pa tayo, ha?

“Maganda itong ginagawa ngayon ng media, at saka lalo na may pasabi in advance na, ‘O, may darating na malakas na malakas na bagyo.’

“Pero sabi ko nga, wala naman tayong laban sa kalikasan, hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, pagdating sa mga ganitong trahedya at kalamidad, walang babae, lalaki, bata, matanda, mayaman, mahirap.

“Kapag tinamaan ka ng kalamidad at trahedya, at ang kalikasan ay nagbiro, wala talaga tayong magagawa.”

Sa gitna ng mga trahedya, ipinagmamalaki ni Jean ang paniniwala ng mga Pilipino sa Diyos.

Aniya, “Ang ano ko lang is, I’m very proud lang.

"Kasi tayong mga Pinoy, na tayong mga Pilipino, talagang ang faith natin sa Panginoon, sobra.

“Na kesa magalit tayo or we’ll take it negatively... more on dasal, hindi nawawala yung pagdadasal.

“Tsaka yung pagtulong, yung bukal sa loob mo, sa puso, yung ganoon.

“Yung kahit ito lang ang pera, pag nangangailangan at alam mo na trahedya na, inilalabas talaga.”


ONDOY VICTIM. Tandang-tanda pa raw ni Jean ang karanasan niya noong maging biktima siya ng Ondoy.

Sabi niya, “Mahirap talaga, beh!

“Sa amin nga, kumbaga, hindi ako nawalan ng mahal sa buhay, ito [Yolanda] ang dami!

“Nawalan sila ng anak, magulang, kapatid, mga mahal sa buhay.

"Bahay pa nga... okey na, e, materyal lang ‘yan, e, mapapalitan. E, ang buhay?

“Pero still, makikita mo ang mga Pilipino, nakangiti pa rin at hindi masama ang loob sa Panginoon. Hindi Siya kinukuwestiyon.

"So, I guess, blessed pa rin tayo.

“At saka lalo na dito sa atin sa Manila, sa buong Luzon, umaraw pa nga sa atin, e.

"Kaya iisipin mo, ibang country ba itong Visayas?

“Na tayo, kaunting ulan lang, may araw pa nga, inaraw pa nga tayo, di ba? Kakaiba talaga, e.

“Tsaka nakita mo, ready tayo, nasa evacuation center na sila, nasa mga eskuwelahan na sila...

“Pati iyon, nadale pa rin, e, wala kang tatakbuhan, e.

“Ang ano lang, makikita mo lang... well, nakikita naman natin sa news, tulungan talaga sila, di ba?

“Wala nang kama-kamag-anak, lahat na tayo magkakapatid na pagdating sa ganyang mga klaseng trahedya, lahat nagtutulungan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN