Sylvia Sanchez dreams of acting with son Arjo Atayde: “Pangarap kong magkasama kaming dalawa na umaarte.”

Sylvia Sanchez on her dream role: “Deep inside, na sa tingin ko ay imposibleng gampanan pero alam kong kaya ko naman gampanan, ay ang role ng isang bulag, pipi, at bingi.”


Hangga’t maaari, ayaw ng character actress na si Sylvia Sanchez na ma-involve muna romantically ang anak niyang si Arjo Atayde.

Lalo na’t gumaganda na raw ang takbo ng acting career nito at sunud-sunod ang mga proejects na dumarating.

Katunayan pa, nasungkit kamakailan lang ni Arjo ang Best Drama Supporting Actor sa nakaraang 27th PMPC Star Awards for TV.

Mariing payo ni Sylvia sa anak, “Ang sabi ko sa kanya, yeah, he’s twenty-three [years old], matanda na siya, may karapatan na siyang mag-girlfriend.

“Meron naman siyang naging girlfriends, pero sabi ko sa kanya, ‘Nandiyan ang career mo, ang ganda ng pasok sa iyo ng showbiz career mo, ang ganda ng pasok ng projects.’

“Si Arjo kasi, kilala ko ‘yan. Kapag nagka-girlfriend ‘yan, focus ‘yan—lahat kakalabanin niya para sa girlfriend. Believe me.

“Focus ’yan, kaya kapag nagtaping ‘yan, merong tsansang madi-distract ‘yan ’pag once na mag-away ’yan ng girlfriend niya, ’pag once nag-text ang girfriend niya.

“I know Arjo ‘coz Arjo is my son—kilalang-kilala ko ’yan,” sabi pa ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Sabi ko sa kanya, ‘‘’Nak, focus muna sa career mo, wala munang distractions, wala munang ganoon.’ Kasi, di ba? Sayang.

“Ayan, ayan o, harap—nasa harap niya.”


FROM EXPERIENCE. Tapos nito ay nagbalik-tanaw si Sylvia sa kanyang pagsisimula sa showbiz.

Naging paalaala ito sa kanyang anak sa pinagdaanan niya bago siya napunta sa kinaroroonan niya ngayon.

Aniya, “Yung maraming taon na pinaghirapan ko bago ako naging... nakilala na marunong umarte, bago papaano ako nakilala bilang si Sylvia Sanchez, kahit papaano, di ba?

“Years yun, e. Hindi tulad sa kanya, ‘pag pasok niya, ‘yan na, e.

“Pag pasok niya, hayun, naipakita niya kaagad na marunong siyang umarte...

“Paano niya kaagad napahanga [ang publiko] in almost two years lang—nakadalawang awards na kaagad siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, alam mo yun? Ang bilis para sa kanya. Akin, pinaghirapan ko yun, e.”


MOM’S SHADOW. Naging madali raw kay Arjo ang makapasok sa showbiz.

Paliwanag ni Sylvia, “At saka, alam mo yun? Kapag anak ka ng artista, mas mahirap, kasi under ka sa shadow ng magulang mo.

“Pero siya, hindi siya nahirapan. Meron pang nagsasabi na, ‘Anak ka pala ni Sylvia Sanchez.’

“O sa akin na, ‘Anak mo pala si Arjo? Magaling siya, ha?’

“So sa akin, masaya ako kasi hindi siya under sa shadow ko.

“Kaya sabi ko lagi sa kanya, ‘Wag mong sayangin ‘yan, Arjo. Ako, pinaghirapan ko at puhunan ko ay luha, dugo... lahat!’"

Sinabi pa niya sa anak, “Lahat ay pinuhunan ko diyan. Bago ko narating ang lahat, ang daming pinagdaanan ko.

“Laban ko sa buhay para ma-prove ko na marunong ako, years talaga.”



CHANGING TIMES. Iba na raw kasi ang ihip ng panahon ngayon, ayon pa sa 42-year-old actress.

Kuwento ni Sylvia, “Dati kasi, kapag nabuntis ang isang artista, ang affected ay ang babae, hindi lalaki.

“Pero ngayon, iba na, pati lalaki ay affected na, di ba?

“So, sabi ko, ‘Wag sayangin. Gusto mong sumikat, di ba? Gusto mong magkapangalan, di ba?’

“Paano kung makabuntis siya? Sisikat pa rin siya, pero ‘Hanggang doon ka na lang, iba pa rin pag single ka.’

“Sa career ko ngayon, yung role ko bilang Nanay Teresita, yun talaga ang nagbigay sa akin ng ibang impresyon.”

Mas kilala ngayon sa tawag na Nanay Teresita si Sylvia dahil sa role niya sa successful ABS-CBN morning series na Be Careful With My Heart.

“Na hindi na kontrabida ang tingin nila sa akin kundi isang nanay na talaga, so ang sarap ng pakiramdam.

“Yung sabihin nila na kaya ko pa rin palang maging mabait at api-apihan, ang sarap pakinggan ng ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, dapat kapag artista ka, que mahirap ka man o mayaman, maganda o hindi maganda, dapat kaya mong gampanan yun.”


DREAM ROLE. Sa dami ng roles na kanyang nagampanan, meron pa ba siyang role na hinangad pero hindi pa niya nagagawa?

Nag-isip muna ang beteranang aktres at saka nagsabing, “Actually ngayon... pero hindi ko pa rin alam kung papaano, kasi lagi akong bahala na kapag nakasalang.

“Na bahala na kapag narinig ko na ang ‘action,’ doon na ako aarte.

“Ako kasi yung type ng artista na, ‘wag mo akong hanapan ng acting kapag rehearsal.

“Pero kapag sumigaw ang director ng ‘action,’ doon ako gagalaw o ibubuhos lahat. Yung ganoon.

“Deep inside, na sa tingin ko ay imposibleng gampanan pero alam kong kaya ko naman gampanan, ay ang role ng isang bulag, pipi, at bingi.

“Yun talaga, ang hirap. Ako rin, nagsasabi na, ‘Paano?’ Pero, alam ko na kaya kong gawin.

“Kasi porke’t bulag, pipi at bingi ka, wala kang pakiramdam? E, impossible yun, e. Meron at meron ‘yan.

“Yun ang gusto kong gawin, yun ang challenge sa akin.


ACTING TANDEM. Inaasam daw ngayon ni Sylvia na magkasama sila ni Arjo sa mga sususond nilang proects.

“Tapos, ngayon siyempre, ngayong nasa industriya na si Arjo, pangarap kong magkasama kaming dalawa na umaarte.

“It doesn’t matter kung TV or movie, basta kaming dalawa talaga ang magkaeksena.”

Hindi ba siya mahihirapan na ang ka-acting-an niya ay anak niya mismo?

Hindi kaya siya madi-distract kapag si Arjo na ang kabatuhan niya ng mga linya?

“Sa tingin ko, hindi ako hirap,” sabi niya.

“Pero, sigurado ako, kakabahan ako as nanay niya.

“Kakabahan ako, kasi first time ko. Alam mo yung pakiramdam ng isang ina, ‘Asan yung bata?’

“Pero kung sasabihin mo kung kaya ko, kaya ko, pero kabado.

“Siyempre, sanay na ang mga kaeksena mo ay hindi mo kaanu-ano, tapos heto, anak mo? Basta iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CLOSE RELATIONSHIP. Aminado ang mahusay na Kapamilya actress na mas naging maganda ang relasyon nila bilang mag-ina ngayong bahagi na rin ang anak ng mundong ginagalawan niya.

Nangingiting sabi ni Ibyang [palayaw ni Sylvia], “Mas naging close kami ngayong nasa showbiz siya.

“Noon, maganda ang relasyon namin, wala naman kaming problemang mag-ina.

“Pero ngayon, mas naging close kami kasi, nandoon na yung nasa taping ako, tapos biglang binu-bully niya ako sa text na yung puro biro niya.

“Lalo kapag nagku-concentrate ako sa script, tapos bigla kang makakatanggap ng, ‘Ma, may tanong ako.’ Akala ko, emergency.

“Sasabihin niya, ‘Ba’t ang guwapo ko?’ Yun lang pala, yung mga ganoong biruan.

“Sasabihin ko, ‘Hindi, _ _ ka!’ Ha-ha-ha! Yung ganoong closeness namin.

“Tapos minsan, sasabihin niya na, ‘Sana mag-MMK na tayo, Ma, lalamunin kita [sa acting]!’

“Sasagutin ko naman siya, ‘Hindi, ako ang lalamon sa iyo—galing ka lang sa akin!’ Yung mga ganoong joke."

Kilala ang long-running MMK, o Maalala Mo Kaya, bilang dramatic vehicle para sa mga artista ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Sylvia tungkol sa relasyon nila ni Arjo, “Masarap kasi, nagkaroon kami ng common ground na pinag-uusapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN