Max Collins on status of her lovelife: “Wala pa rin, naghihintay pa rin. Sobrang boring ang buhay!”

Mula sa pagganap sa mga drama series, nasusubukan ngayon ang kakayahan ni Max Collins sa pagpapatawa sa pamamagitan ng gag show na Bubble Gang. Sabi ni Max, “Kasi dati, ito talaga ang fear ko—yung mag-comedy. Ngayon, I enjoy doing it na. Pero gusto ko pa ring mag-drama para balanced.”


“Wala pa rin, naghihintay pa rin. Sobrang boring ang buhay!”

Ito ang natatawang biro ni Max Collins nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife.

Pero may mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

Sagot ng Kapuso actress, “May mga non-showbiz guys na nagpaparamdam, kaso wala akong time.

“Ano lang… mahirap lang mag-date kapag nagtatrabaho.

"Kasi after work, pagod na ako at gusto na lang magpahinga.”

Mas gusto raw ni Max na hindi taga-showbiz ang magiging boyfriend niya. Paano kung pulitiko?

Sagot niya, “I won’t close my doors.

"Pero mas gusto na wala rin sa politics para tahimik lang… ayoko ng magulo.”

Nakapanayam ng PEP si Max sa pre-Christmas party ng PPL Entertainment Inc. para sa entertainment press, kagabi, December 2, sa Primera Casa Filipino, sa Sct. Torillo, Quezon City.


QUALITIES. Ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para magustuhan niya ito?

Ayon kay Max, “Kailangan maalaga siya, sobrang maalaga.

“Kasi gusto ko talaga yung bine-baby ako, tapos mabait.”

Okey ba sa kanya ang mas matanda sa kanya?

Sagot ng 21-year-old actress, “Puwede naman, pero ayoko ng masyadong older.

“Siguro mga malapit sa edad ko, siguro hanggang mga five years older than me.

“Gusto ko rin na matangkad sana, I’m 5’6”.

“Pero okey din lang kung parehas kami ng height.”

SEXIER MAX. Samantala, kapansin-pansin ang mas seksing pangangatawan ngayon ni Max.

Inamin naman niyang nag-e-effort talaga siyang magbawas ng timbang.

“Ang peg ko pagdating sa kaseksihan, si Megan,” sabi ni Max.

Ang tinutukoy ni Max ay ang Miss World 2013 na si Megan Young, na ayon sa kanya ay pinsan ng kanyang ina.

Patuloy niya, “Sabi ko, kung kaya ni Megan na maging ganoon ka-sexy, baka kaya ko rin.”

Since peg niya ang kaseksihan ni Megan, may plano ba siyang sundan ang yapak nito bilang isang beauty queen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi po, katawan lang po!” sabay tawa ni Max.

“Sa ngayon po, wala pa po akong plano na sumali rin sa beauty pageant.

"Sa ngayon kasi, mas interesado ako sa acting.

“So, parang dito muna ako tututok sa showbiz.”



BIG BREAK. Unang nabigyan ng big break si Max sa primetime drama series ng GMA Network na Pahiram Ng Sandali.

Ngayon naman ay nasusubukuan ang kanyang kakayahan sa pagpapatawa sa gag show na Bubble Gang.

Kuwento niya, “Takot na takot akong mag-guest sa Bubble Gang dati.

"Pero ngayon, nasanay na ako.

“Sobrang chill kasi sa set namin, sobrang happy lang.

“Everyone is very relaxed kaya masaya naman siya.

"Pero nakaka-miss pa rin mag-drama.”

Kampante na rin ba siyang magpatawa?

“Kahit papa’no!” sabay ngiti ni Max.

“Nakakatuwa, tina-try ko lang.

“Kasi dati, ito talaga ang fear ko—yung mag-comedy.

“Ngayon, I enjoy doing it na. Pero gusto ko pa ring mag-drama para balanced.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN