DAR says Senators Jinggoy Estrada, Gringo Honasan released funds to dubious NGOs linked to Janet Lim-Napoles

Asked for a reaction, Senator Gringo Honasan (left) says he will closely coordinate with the Department of Agrarian Reform "to ensure that the support we intended for our farmers and agrarian reform beneficiaries be properly implemented..." Senator Jinggoy Estrada (right), on the other hand, has yet to make a statement regarding the issue.


Napag-alaman ng Department of Agrarian Reform (DAR) Legal Affairs Office na nagbigay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sina Senators Jinggoy Estrada at Gringo Honasan sa mga diumano’y pekeng non-government organizations na nauugnay kay Janet Lim-Napoles.

Ayon sa imbestigasyon, na pinangunahan ni DAR Undersecretary Anthony Pangurao, nagkakahalaga ng P70 million ang ini-release na pondo ni Senator Estrada para sa organic livelihood projects na dapat ipinatupad ng NGOs sa sampung bayan.

Nagkakahalaga naman ng P150 million ang ini-release na pondo ni Senator Honasan para sa mga proyekto ng magsasaka na dapat ipinasatupad ng NGOs sa 14 na munisipalidad.

Sa panayam ng 24 Oras kagabi, December 2, ibinunyag ni DAR Undersecretary Pangurao na pinabulaanan ng mga alkalde—sa mga bayang pinaglaanan ng proyekto ng DAR—na nakatanggap sila ng pondo mula sa mga natukoy na NGO.

Pahayag ni Parungao ukol dito: “Merong halos humigit-kumulang P230 milyon na pondo na nai-release sa 13 o 14 na mga NGO noong taong 2011.

“Ito ay yung mga naproseso, nalagdaan ng mga sari-saring opisyal dito sa gobyerno na lumalabas, bilang resulta ng aming inisyal na imbestigasyon, ay wala naman palang proyekto na naganap.”



CERTAIN NGOS LINKED TO NAPOLES. Ibinahagi rin ni Parungao ang sampung NGOs na pinaglaanan ng pondong nagmula sa PDAF ni Senator Estrada.

Ito ay ang mga sumusunod: Ang Kaupdanan para sa Mangunguma Foundation; Karangyaan para sa Magsasaka Foundation, Inc.; Masaganang Buhay Foundation, Inc.;

Agri and Economic Program for Farmers Foundation, Inc.; Agrikultura para sa Magbubukid Foundation, Inc.; Countrywide Agri and Rural Economic Development, Inc.;

People’s Organization for Progress and Development Foundation, Inc.; Ginintuang Alay sa Magssaka Foundation, Inc.; Pangkabuhayan Foundation; at Social Development Programs for Farmers Foundation, Inc.”

Sa kabilang banda, ang tatlong NGOs na pinaglaanan ni Senator Honasan ng pondong nagmula sa PDAF ay Ang Samahan ng Magsasaka sa Kapatagan at Kabundukan Foundation, Inc.; Divine Grace Foundation, Inc.; at Workphil Foundation, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas din sa pagsisiyasat ni Parungao na siyam sa mga natukoy na NGOs ay nauugnay sa maanomalyang NGOs na umano’y itinayo ni Napoles, base na rin sa report ng Commission on Audit at sa mga pahayag ng whistleblowers ng pork-barrel scam.

Isang memorandum na naglalaman ng kabuuang imbestigasyon ukol dito ang isinumite ni Parungao kay Executive Secretary Paquito Ochoa noong November 8.

Inilunsad ni Parungao ang naturang imbestigasyon noong Agosto, sa utos ni DAR Secretary Virgilio Reyes.

Nakipag-ugnayan na raw si Parungao sa Office of The Solicitor General para sa isang “case build-up” noong nakaraang linggo.

Nakatakda rin siyang dumulog kay Department of Justice Secretary Leila de Lima upang alamin ang incorporators ng mga natukoy na NGO.

HONASAN COORDINATES WITH DAR. Agad namang rumesponde si Senator Honasan nang hingan siya ng reaksiyon kaugnay ng isyung ito.

Sa panayam sa kanya ng 24 Oras, sinabi ng senador na nakikipag-ugnayan na siya sa DAR tungkol sa ini-release niyang pondo para sa mga proyekto ng mga magsasaka.

Sabi ni Senator Honasan sa isang text message na pinadala niya sa 24 Oras:

“We shall closely coordinate with DAR on this matter to ensure that the support we intended for our farmers and agrarian reform beneficiaries be properly implemented and that any improper utilization thereof by those responsible in its implementation be corrected immediately.”

Sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Senator Estrada ukol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN