Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida calls typhoon victims "heroes of our generation"

“Nakaka-touch talaga. Lalo na when I was doing my speech, I saw a lola na parang teary-eyed siya. So, mas na-motivate pa ako to do my part kung paano sila matutulungan," says Ariella Arida in an interview with PEP.ph at the Metro Society charity fashion show last December 1.




Nagkaroon ng pagkakataon si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida na bumisita sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Roxas City, Capiz.

Nagtungo roon si Ariella noong Biyernes, November 29, kasama ang kapwa niya Binibining Pilipinas 2013 winners na sina Bea Rose Santiago (Bb. Pilipinas-International) at Pia Wurtzbach (1st runner-up).

Nag-post pa si Ariella sa Instagram ng isang larawan kung saan masaya siyang sinalubong ng mga estudyante mula sa Dayao Elementary School.

THE AFTERMATH. Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, December 1, ibinahagi ni Ariella ang karanasan niya matapos makita ang kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Capiz.

Napansin daw niyang marami pa ring pamilya ang walang maayos na tirahan dahil sa tindi ng pinsalang dulot ng kalamidad.

Kuwento ng 25-year-old beauty queen, “We went to this fishing port na everyone dun na lang nag-gather.

“So, I don’t know kung saan sila nag-stay. Pero yung iba, nasa evacuation center pa.

“Even yung mga evacuation center nila, yung mga school, wala pang bubong.

“Alam mo yung kalagayan nila, mahirap pa rin until now.”

Sa kabila nito, nakakataba raw ng puso ang magandang pagtanggap ng typhoon survivors sa mga munting tulong na ibinigay ng kanilang grupo.

“We distributed school supplies for children.

“Actually, nung nakita nila kami, sobrang positive na. They’re so bubbly and alive.

"They’re all smiling, especially nung nagbigay na kami ng tulong namin sa kanila.

"Lahat sila thankful talaga and they’re all smiling talaga,” masayang kuwento ni Ariella.

Saludo rin ang beauty queen sa tatag ng loob at determinasyon na bumangon ng mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng naranasang unos.

“Sabi ko nga sa message ko, they’re the heroes of our generation. Gano’n ang tingin ko sa kanila.

"I’m so happy kasi makikita mo kung paano nagre-recover unti-unti yung province."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang beauty queen, masarap daw sa pakiramdam ni Ariella na makapagbigay ng inspirasyon para sa mga kababayang dumaranas ng kahirapan.

“Nakaka-touch talaga, lalo na when I was doing my speech, I saw a lola na parang teary-eyed siya.

“It’s an inspiring job for me. Lalo na at first hand ko nakita yung mga kalagayan ng kababayan natin dun.

“So, mas na-motivate pa ako to do my part kung paano sila matutulungan.

“Sa ngayon, patuloy lang ang ginagawang pag-help.

"And kung ano man yung puwedeng maitulong ko in my own little way, I will do.”

Mayroon pa ba siyang inoorganisang fundraising activities para sa mga biktima ng bagyong Yolanda?

Sagot ni Ariella, “I am not sure yet, kasi yung Binibining Pilipinas organization ang nagbibigay sa akin ng schedule.

“Pero alam ko, meron pa.

"I am really looking forward na maka-visit somewhere in Samar or Leyte pag okay na ang schedule dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN