PNoy on possibility of sister Kris Aquino running in 2016 polls: “If she feels driven.”

Isa sa mga lumulutang na pangalan sa mga posibleng tumakbo sa 2016 national elections ay ang TV host-actress na si Kris Aquino. Ayon kay Presidente Noynoy Aquino, hindi niya pipigilan ang bunsong kapatid kung sakaling gustuhin nga nitong tumakbo. Biro pa ng Pangulo, "If you want to get even with somebody, get them into politics."


Mahigit dalawang taon pa bago ganapin ang 2016 national elections, ngunit ngayon pa lamang ay usap-usapan na ang mga posibleng tatakbo para sa iba’t ibang government posts.

Isa sa lumalabas na pangalan ay ang TV host-actress na si Kris Aquino.

Kilala ang pamilya ni Kris sa larangan ng pulitika.

Si Kris ang bunsong kapatid ng kasalukuyang Presidente ng Pilipinas na si Benigno "Noynoy" Aquino III.

Naging Pangulo rin ang kanyang yumaong ina na si Corazon Cojuangco Aquino.

Ang pinaslang namang ama ni Kris na si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ay naging senador.

Bukod sa mga ito ay marami pang mga kamag-anak ang Kris TV host na nasa pulitika.



“IF SHE FEELS DRIVEN.” Sa panayam ng GMA News kay PNoy, sinabi nitong depende kay Kris kung tatakbo ito sa 2016.

“If she feels driven," tugon ng Pangulo sa tanong ng media.

Nakausap ng media si PNoy sa isang forum na ginanap sa Hotel Sofitel Philippine Plaza Manila, sa Pasay City, ngayong araw, December 3.

Ngunit base raw sa obserbasyon ng Pangulo, ang pagiging ina kina Joshua at Bimby ang focus ngayon ng kanyang bunsong kapatid.

"The latest pronouncement I heard from her was, she’s aiming to be the perfect stage mother," biro pa ni PNoy.

Sumabak na rin kasi sa showbiz ang bunsong anak ni Kris na si Bimby, at aminado naman ang tinaguriang Queen of All Media na "stage mother" siya sa anak.

Nang matanong kung hihikayatin ba niya ang kapatid na pasukin ang pulitika, isinagot ni PNoy ang isang kasabihan ng mga Amerikano:

"If you want to get even with somebody, get them into politics."

Pero dagdag niya, "And I love my sister."



POSSIBILITY. Noong December 30, 2012, sa episode ng The Buzz, ang dating Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN, tinanong ng host na si Boy Abunda si Kris kung ikinukusindera nito ang pagpasok sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Kris: "Yes, it’s obviously a career path, but I’ll only get into it if I know that I’ll be number one.

“Di ba, sorry, ganoon, di ba? Nakakahiya naman kung hindi, di ba?"

Dugtong pa ni Kris, "And pangalawa, kung talagang sobrang selfless na ako at hindi na ako maluho.

"Kasi kaya ko naman talaga yung pakikitungo sa tao, pakikisama. Yung sipag, I have that.

“I don’t have the simplicity yet.

"And I think to be a really good public servant, you need to be simple."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN